From con-ass To con-con To my intro :)

Tinignan ko ulit yung aggregator kanina at naghanap ako ng mga bagong posts tungkol sa mainit na pinag-uusapan ng sambayan ngayon… ang con-ass ni JDV.

Ito ang mga nakita ko:
Kiss my “Con-Ass”….
Arroyo allies call for con-con
RC tells it to their faces
JDV’s new tack: ConCon

at eto pa:
Lowest House

Ang mga pulitiko nga naman talaga noh. Nagbago na naman mga isipan nila. Con-ass to con-con na lang daw. Mukhang nahimasmasan na din yata sila sa kabalbalang ginawa nila nitong mga nakaraan. Parang pinaglalaruan lang nila ang konstitusyon. Ang ginagawa pa ba nila ngayon ay para sa taong-bayan o para  na lang sa kanilang pansariling mga interes? Malaki nga naman talaga ang sahod sa kongreso. Sino ba naman ang ayaw magtagal don? di ba?  Kung ako kaya congressman ngayon, gagawin ko din kayang magpakababa at magpakawalanghiya at maging garapal? hmmm… parang hindi ko yata kayang tapatan ang ganon ginagawa nila :D  Pero malay natin kapag andon na yung pagkakataon eh malamang maisipan ko ding maging ganon bwahahaha.

Yan lang muna. Halata bang hindi ako masyado sanay magsulat? hehehe.  pasensya na. Hindi naman kse ako talaga nagsusulat eh. Hindi talaga ako blogger. Isa lang akong hamak na pinoy blog reader (na sa sobrang hilig magbasa ay naisipang magkaroon ng aggregator site).  Kaya pagpasensyahan nyo na kung ganyan ako magsulat hehe. Newbie lang po. Sinusubukan lang magsulat :)   Ako nga pala si DyuDyu, isang IT consultant sa Makati City. Si Jojo ako pero hindi ako ang mayor ng makati hahaha.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .