Ikaw

December 17, 2006

Alam mo na ba? Hindi pa?!? Dapat alam mo na. Aalamin mo ba? (ang alin?) Ikaw daw eh. (ano ba talaga? ako?) Oo nga ikaw nga. Ikaw daw ang hinirang ng Time Magazine. (na ano?) Akalain mo yun. Time magazine yun ah. Ang galing mo naman. Kung sabagay sabi nga nila napakarami mo nga naman daw nagawa ngayong 2006. Alam mo naman siguro kung anu-ano mga pinaggagagawa mo ano? Ilang oras ka bang nakaharap sa kompyuter nitong nakaraang taon? Siyempre marami. Siguro isang oras sa isang araw o kaya dalawa o mas marami pa. Kaya naman ikaw ang pinili. Ikaw at wala nang iba pa. Kahanga-hanga ka talaga. Ang galing mo at napabilib mo sila. Ipagpatuloy mo ‘yang ginagawa mo at panindigan mo na karapat-dapat ka ngang hiranging TIME’s Person of the Year for 2006“. Kongratz!!!

Person of the Year: You
Yes, you. You control the Information Age. Welcome to your world.

Comments


One Response to “Ikaw”

  1. monicai on December 17th, 2006 11:22 pm

    wow! i’m honored. hehehehe!

Got something to say?





Your Ad Here
. . . . . . . . . . . . .