Inuman with Pujay (Part 1)

May 14, 2007

Nagsimula ang lahat ng ito sa isang walang kakwenta-kwentang roadtrip.

Naghanda ang buong Familia Imperial–ang Pujay, ang sisterette, ang younger brother, at siyempre ang maganda–noong nakaraang Linggo para dalawin ang isang amiga ni Mujay na kakabalik lang sa ating kawntree. Utos kasi ng Mama para naman daw ma-knows namin kung sinechiwa itekla.

Andaming abala ang naganap huh! Una, nag-renta kami ng Mitsubishi Adventure dahil wiz kakayanin ng mga karu namin (isang Volkswagen Thing at isang Kia Pride na may fog effect sa tagiliran tuwing pinapaandar). Dumaan pa kami ng SM North EDSA para bumaysung ng Mary Grace Cheese Rolls at Brownies bilang regalo.

Bumiyahe ang karu mula Keyzon City hanggang Bacoor, Cavite, at hindi naman halos alam kung paano makakarating sa balay ng amiga. Pinahiram ng aming driver for rent ang kanyang mapa at akong ang naging designated navigator. Amazing Race tuloy ang drama.

At pagpunta namin sa balay, ano’ng masisilayan namin? Wala.

Basa pa, bakla.

Comments


Got something to say?





Your Ad Here
. . . . . . . . . . . . .