Kalayaan2007 @ PBS

Mgandang umaga! :) Bukas na ang 2007 Phil. Independence Day. Nagkausap kami ni g0ma kagabi at nagkatanungan kung ano bang gimik sa PBS ngayon nalalapit na araw ng kalayaan? hmmm. Good Question! :D Oo nga noh. Ano nga ba kaya ang magandang gawin para sa okasyon na ‘to? Ano sa tingin nyo mga kasama? Kelangan ba tayong magsisisigaw ng “KALAYAAN, KALAYAAN” tulad ng commercial sa TV… nakita nyo na ba yun? hehe. Nabanggit ni g0ma na sigurado daw marami sa mga kasama nating bloggers ang malamang magpopost ng mga topics na akma sa okasyong ito. Ang galing talaga ni g0mz. Sayang nga lang hindi siya pinalad sa senado *lol*. joke lang g0ma hahaha.

Anyways, based don sa idea na yun… pwede pa nga ba tayong umisip ng pag-kakaabalahan dito sa PBS para sa nalalapit na Kalayaan2007? What if i-cover natin sa PBS group blog yung mga posts ng mga kasama nating bloggers tungkol sa 2007 Phil. Ind. day? Naks naman parang Halalan2007 coverage eh noh. :D Asa… *LOL. What if magpa-contest tayo sa PBS Group Blog? Contest na ang mechanics eh mag-post lang sa group blog ng anything about Philippine Indepence day activities, history siguro or kahit ano basta tugma sa theme ng Kalayaan2007? At kung magpapacontest nga eh ano naman ang magiging prize? May makukuha pa kaya tayong mga sponsors? Baka may alam kayo.. o kayo mismo pwede ba kayong mag-sponsor ng prize? hehehe. Siguro kami ni B eh pwede mag-pa-host sa Dreamhost account namin for a year :D Pwede na bang prize yun? Hosting lang ha hindi pa kasama yung domain hehe.

At kung sakali mang matuloy, sino-sino naman kaya ang pwede nating makuhang mga magiging Judges if ever? hmmm… si MLQ3 kaya pwede maging Judge? Si Aileen? Si Annalyn? Si Yuga? at sino pa nga ba? :D Nakow ba’t nga ba ngayon lang natin naisip to hehe. Hindi pa nga ba huli ang lahat? Kaya pa ba nating ituloy ‘to? Pwede pa naman yata… we could accept entries for the contest this whole week until friday. Tapos sa weekends ang judging period. Tapos sa Monday maia-aanounce ang winner? :D Pwede? Kaya kaya? Feedback naman kayo ;) Bilisan lang ha kse mukhang konti na lang oras natin hehe. Brainstorming tayo! woohooo. Express pa-contest to pag nagkataon :D Pagtulungan natin to at pag-BlogYaNiHaN baka sakaling maging successful :D Yun lang muna. Wait po namin ang mga ideas, feedback, suggestions, criticisms, contributions, prizes, etc. nyo hehe. Thanks in advance sa inyong lahat.

Abangan ang Kalayaan2007 coverage ng PBS ;) hopefully matuloy… sa tulong nyo ;)

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .