Bakit Hindi?

Bakit hindi holiday ang June 12? Araw ng Kalayaan ngayon. Bakit first day of school sa U.P.? Bakit may pasok?

Ang traffic tuloy. Marami kasing flag-raising ceremony (sa village namin nga meron), fireworks display, etc. Alangan naman kasing porke’t June 11 ang nakadeklarang walang pasok, June 11 alalahanin ng mga Pilipino ang Independence Day?

Ang labo.

At siya nga pala, nailibing na ang amendments sa U.P. Charter na ipinagdiwang ko kamakailan. Back to square one. Hindi pumasa sa Congress. Holiday yata ang mga kongresista kaya walang quorum kuno. Hindi lang nila priority kamo. Buti pa ang Senado, nagtrabaho, ang Kongreso hay naku. Basahin niyo ito, speech ni Kiko.

Kawawa naman ang mga propesor sa U.P. Kung sabagay, sa langit din ang kanilang reward niyan, sa laki ng sakripisyo nila.

Atsaka anong meron sa araw na ito? Sa loob ng 24 oras, nakatanggap ako ng mga ganitong balita mula sa mga kaibigan ko – may namatayan, iniwan ng boyfriend, kinasuhan ng asawa, may problema sa magulang, muntik nang makunan, nagmana ng kaso ng kapatid, kailangan ng blood donor, at kung anu-ano pa. Hindi na nga ako makapaniwala nung gabi eh. Nakakapraning nang magbasa ng text na nagsisimula sa “Please pray for…” kasi ang tindi ng mga disaster ngayong araw na ito.

E kung holiday ba ngayong June 12, di hindi siguro nagpatung-patong ang mga ganitong balitang parang pang-telenovela sa komplikasyon. Malamang tumitig lahat ng Pilipino sa TV at magkaisang muli sa pagtatanong ng “Bakit nga ulit tayo nagdiriwang ng Araw ng Kalayaan?”.

Diyan tayo magaling, kapag may common enemy.  Pag humupa na ang galit, kanya-kanya na ulit.

Kasama ako diyan sa mga ganyang mamamayan. Ang labo ko rin minsan.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .