Paano Kaya Kung Naimbento Na Ang Blogging noong 1898?

Ito ay isang espesyal na handog ni Karlo Licudine, Ang PinoyBlogero, para sa paggunita ng araw ng kalayaan ng Pilipinas sa taong 2007. Ito rin ay kalahok sa paligsahan ng PinoyBlogoSphere.com na Kalayaan 2007.

Noong mga panahon na namumuno pa ang mga Kastila sa Pilipinas, mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang pagsasalita ng masama laban sa kanila. Pinagbabawal din ang malayang pagiisip at ang mga ideyang radikal. Ginawa nila ito para madali nilang makontrol ang kanilang mga nasasakupan. Lahat ng lumalabag sa batas na ito ay dinadakip at pinaparasuhan. Oo, parang martial law.

Dahil dito ay napilitan ang mga Pilipino na magtikom ng bibig at manatiling tahimik sa loob ng tatlong daan na taon. Ngunit sa kabila ng katahimikan, hindi parin napigilan ng mga mananakop ang gumaganang kaisipan at mga nagbabagang damdamin na nakatago sa loob ng mga Pilipino.

Gamit ang time machine na aking naimbento, ako’y naglakbay sa taong 1898 at aking binigyan ng pagkakataon ang dalawang indibidwal na malayang makapagisip at makapagsalita sa pamamagitan ng pagblo-blog. Pagdating sa paguusap tungkol sa araw ng kalayaan, sila ang mas nakakalam ng tunay nitong kahulugan.


Pagkatapos ng ilang araw na pagpapagod, natapos narin nina Ate Lorenza, Ate Marcela, at Ate Delfina ang pagtatahi sa magiging pambansang bandila ng Pilipinas.

Pambansang bandila? Oo. Sila ang naataasan ni Emilio Aguinaldo na gumawa nito. Ang sabi nila sa akin, gagamitin daw ito sa nalalapit na pagproklama ng paglaya ng Pilipinas. Hindi ako makapaniwala, pero totoo raw iyon, walang etching.

Isa akong katulong sa tinutuluyan ng ng aking tatlong ate. Kinupkop ako at ipinalaki ng pamilya Agoncillo mula pagkabata, kaya sa kanilang pagpunta dito sa hongkong, ako rin ay kanilang pinasama. Lubos ko silang hinahangaan dahil hindi naging hadlang sa kanila ang pagiging babae para magawa ang kanilang mga gusto. Masasabi kong napamahal narin ako sa kanila.

Ilang araw lang ang nakararaan, mayroong biglang dumating na sulat. Galing ito sa Pilipinas. Ang nilalaman nito ay isang sulat ng kahilingan mula kay Emilio Aguinaldo.

Maganda ang kinalabasan ng bandila. Asul at pula ang nangingibabaw na kulay, asul sa itaas, pula sa ibaba. Pareho silang pahalang na dumaraan mula sa magkabilang dulo. Ang asul daw ay sumisimbolo sa kapayapaan habang ang pula naman ay ang katapangan.

Sa gilid nito ay may malaking puting tatsulok. Sa bawat kanto nito ay may tatlong bituin. At makikita mo sa gitna ng tatsulok ang isang kulay dilaw na araw na may walong sinag na kumakatawan sa walong pangunahing mga lalawigan ng Pilipinas.

Nagets mo ba? Teka, picturan ko na nga lang gamit ang cp ko para hindi na kayo mahirapan.

Ang ating opisyal na bandila

O ayan. Yan ang ating bandila. Ok ba?

Bukas na bukas din ay ipapadala na itong bandila sa Pilipinas. Mula HongKong papuntang Pilipinas ay aabutin na mahigit kalahating buwan na paglalakabay, kaya baka mga ika-11 pa ng hunyo ito makarating ng Pilipinas. Sana hindi ito mahuli.

Inimungkahi ko na magpaFedEx nalang, wag daw, masyadong daw mahal.

Nakakatuwa lang isipin. Biruin mo, isang bandila ang sisimbolo sa pagiging malaya ng Pilipinas. Simula pa noon, marami nang nagawang bandila ang mga Pilipino, lahat ito ginamit bilang tanda ng pakikipaglaban natin sa mga Kastila. Bawat grupo na kumakalaban meron sariling disensyo ng bandila, pero lahat sila ay iisa lang ang sinisimbolo.

Ngayon naman, iba na ang isisimbolo ng ating bandila. Hindi na ito galing sa galit at pakikipaglaban, kundi sa kapayapaan at kalayaan.

Sana sa bawat pagwagayway ng ating bandila ay hindi makalimutan ng mga susunod na henerasyon araw ng ating pagkalaya. Sana maalala nila ang mga taong lumaban para sa kalayaan natin. Ang mga taong nagbuwis ng buhay para sa karapatang naipagkait sa atin. Ang mga paghihirap at sakripisyo na ginawa ng kanilang mga ninuno.

Marahil gawa nga lamang nga ito sa tela, pero ito ay sumisimbolo sa pagiging malaya ng ating bansa. Pati pinaghirapan kaya ng mga ate ko yan! Dapat lang natin yan igalang!

——–

Maraming salamat nga pala kay ginoong Karlo Licudine at binigyan nya ako ng pagkakataon na mailabas ang aking saloobin. Grabe, inabot ako ng ilang araw para lang ilagay ang mga ito sa kompyuto, buti nalang tinuruan nya ako magtype. Salamat po!


Dumaan na ang isang linggo pero hindi parin dumarating ang pulutong ng aking kumpareng si Emilio. Magsisibaba na dapat kami mula sa pagbubundok namin dahil narinig namin ang balita na papalayain na raw ang Pilipinas mula sa pagkakaalipin ng mga Kastila (Oo, umaabot ang tsismis maging sa bundok).

Kasiyahan ang dulot sa amin nitong balitang ito. Hindi na namin kailangan mamundok pa. Hindi na namin kailangan magtago. Hindi na namin kailangan lumaban pa. Makakauwi narin kami sa aming mga pamilya.

Nagsibabaan na ang iba naming kasamahan, kami nalang ng aming grupo ang naiwan. Marami narin sa amin ang naiinip na, pero wala kaming magagawa. Kailangan namin hintayin si Emilio at ang kanyang pulutong. Ganyan talga sa grupo namin, walang iwanan. Samahang Alpha.

Baka nagtataka kayo, hindi ang sikat na si Emilio Aguinaldo ang tinutukoy ko dito sa aking kwento, malayong malayo ang kumpare ko sa kilalang tao na ito. Ang tinutukoy ko ay si Emilio Pereño, isang hamak na mandirigmang Pilipino na buong buhay nya ay lumaban para sa ikalalaya ng Pilipinas.

Bata palang siya ay natikman na nya ang kalupitan ng mga Kastila. Dinakip nila ang kanyang mga magulang nung siya’y musmos pa lamang. Nangulila sya at namuhay ng magisa sa kalye. Lumaki sya na may matinding galit sa mga kastila at idinaan nya ang kanyang galit sa pakikipaglaban sa mga ito at sa pagprotekta sa mga naapi.

Emilio Pereño - Ang hindi gaanong pambansang bayani

Ginuhit na larawan ni Emilio Pereño. Ako gumawa nyan! Photoshop!

Marami nang nagawa para sa bayan si pareng Emilio. Sa sobrang dami ay hindi ko na mabilang. Ang mga peklat sa kanyang mukha at katawan ang nagisisilbing pruweba sa kanyang kagitingan.

Ang nakakalungkot lang dito ay walang kumikilala sa kanyang mga nagawa. Nakakaasar lang dahil mas sumisikat pa ang ibang taong walang ginawa at patayo-tayo nalang sa balkonahe. Porket may mataas na pamumuhay lang na natamo ay tinitingala na ng mga tao. (Ops, wala akong pinapatamaan dyan! Bato bato sa langit!)

Pano kaya kapag lumipas na ang ilang taon, kapag tuluyan ng malaya ang Pilipinas, mailalagay kaya kami sa libro at mababasa ng mga bata ang aming kagitingan? Kikilalanin kaya kami sa aming mga ginawang sakripisyo at paghihirap sa bayan? Maisasalpak kaya ang mga mukha namin sa harap ng pera ng Pilipinas?

Malamang hindi.

Ang tangi nalang namin konsolasyon sa aming mga nagawa ay ang aming pagiging ganap at tunay na Pilipino. Ang aming paglaban ang magsisilbing tanda ng pagmamahal namin sa bansa. Ito ang magsasabi sa amin at magpapatunay na kami nga ay tunay na Pinoy. Kahit na hindi na kami kilalanin, ok lang. Basta ang Diyos ang nakakaalam sa mga sakripisyong nagawa namin.

Teka, nasaan na kaya yung mga yon? Mga hindi pa kasi nagpa-load, e!

—-
Pareng Karlo! Astig talaga nitong blagging. Hehehe.. Pagkadating ni Emilio papakita ko agad sa kanya ito. Sigurado magugustuhan nya ito. Teka, ano bang gagawin ko para makapunta uli ako dun sa may mga iba’t ibang gumagalaw na larawan? Yung “Yu choob”? Salamat!

Wag nyong kalimutan magsubscribe sa aking palamunin (feeds).

Kung nagustuhan nyo ang aking gawa, sana suportahan nyo ito sa gaganaping voting sa PinoyBlogosphere.com. Bisitahin nyo nga rin pala ang PinoyBlogero.com. Maraming salamat at mabuhay ang mga Pilipino.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

4 Responses to “Paano Kaya Kung Naimbento Na Ang Blogging noong 1898?”
  1. g0ma says:

    lafftrip ahahahaha! astig talaga.. ang galing mo tol! siguro kung nabuhay ka lang nuong 1898, nakow! lalo magkakagulo ahuehuehuhe! chika lang brow..

  2. pinoyblogero says:

    Hahhaa.. salamat sa papuri master goma. Naku, pag nabuhay lang ako noon, baka hindi umabot ng 300 years ang pananakop ng Kastila. Hehe. Hindi nila kayang pigilan ang pagbloblog, wala silang internet e.

  3. claire says:

    ang galing! napabilib mo ako, kuya.. ikaw ang pinakasikat at pinakamalufet na blogger kung nabuhay ka ng 1898… astig :)

  4. Salamat po claire. Hehehe. Syempre ako ang magigign pinakasikat at pinakamalufet sa time na un dahil sigruadong ako lang ang marunong magblog. hehe. wala akong kalaban na bloggers :p

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .