Munting Halamanan ni SPO4 AGNI

 

 Napakagandang tanawin kung ating makikita na ang mga bakanteng lote sa isang subdivision ay puno ng pananim, mga sari-saring gulay na ating pwedeng ihain sa hapag kainan. Minsan isang Sabado ako’y napadaan sa isang bakanteng lote habang ako ay nag jo-jogging. Nakita kong nililinisan ng isa sa ating kasamahan na connektado sa Dangerous Drug Board na si SPO4 Priscillo R. Agni na nakatalaga sa opisina ni Secretary Anselmo S. Avenido, Jr., ang bakanteng lote. Ako’y napahinto at imbis na mag-jogging ay naisip kong tulungan na lang si Agne sa paglilinis at pagtatanggal ng mga bato.

Makalipas and ikalawang linggo ako’y napadaan at sa aking tuwa ay kinunan ko ng larawan na lingid sa kaalaman ng iba ay aking ilalathala sa pahina na eto. Si SPO4 Agni ay isang ehempleyo na dapat tularan. Tahimik, simple at hindi uma-asa ng ano mang kapalit o pagdakila sa kanyang ginagawa. Siya’y kasamahan ng aking malayong kamag-anak na si Lt. Noli Dechino nuong kapanahunan ng rehimeng Marcos sa Presidential Security Group (PSG) at ngayo’y nakatalaga sa staff ni Secretary Avenido, Jr., na dating kasamahan din ng aking Tiyong si Hen. Emilio S. Luga, Jr., nuong sila’y naninilbihan pa sa militar. Hindi maglalaon si SPO4 Agni ay mag re-retire na sa serbisyo pagkatapos ng mahabang paahon na makulay na panunungkulan sa pamahalaan. Kung ito man ay makarating sa kanyang hepe at ang kanyang kaibigan na si Linda na ngayo’y nasa Japan, kami po’y nagbibigay pugay sa aming kasamahan si SPO4 Agni na dapat halintularan hindi lamang bilang naninilbihan sa pamahalaan kundi bilang isang kasamahan sa subdivision at lipunan, sa kabu-uan.

 

Sana’y ang ganitong mga proyekto ay suportahan ng ating Mayor na si Recom Echiveri. Isa sa mga abogadong Atenista (Ateneo College of Law) na kasama ni Mayor Recom siya’y unang tumakbo bilang Mayor ng Caloocan ay ang aking pamangkin na si Atty. Carlo Borja na ngayon ay nasa Amerika na at isang ganap nang immigration lawyer sa Gali Koren Law Office sa Anaheim, California. Ang ating kaibigan na si Atty. Pol Santos ng Picture City, kung saan ako’y nagpapadevelop ng aking mga magagandang kuha ay isa ring Atenista na nagtapos sa Ateneo College of Law.

Napakaraming nama-mangha sa mga kuha ko na pina develop sa Picture City tulad ng mga kuha ko nuong ika-54th FAMAS Awards Night; Ika-2 Anniversaryo ng Pilipinas Ngayon Na! ni Usec. Robert T. Rivera na napapanuod sa NBN Channel-4 tuwing Linggo ika 10:00 hanggang alas 11:00 ng gabi; at ng maga pictures ni Jeli Mateo at iba pang di nating mababangkit sa dami. Ang Picture City ay napakalapit sa North Matrix Ville Subdivision at mga karatig pook sa Almar/Zabarte. Ito’y matatagpuan sa Zabarte Town Mall. Ang mga kuha nga ibang balikbayan ay dito na pinadedevelop dahil mas mura, maganda at maayos na serbisyo. Ito’y may mga branches rin sa lahat ng SM branches sa buong bansa. Sa pamamagitan ng Picture City kayo ay makakatamasa rin ng mga magagandang pictures sa mababang halaga.

Nais din po naming anyayahan ang mga kabataang nais mag-aral kung paano lumikha nang awit at kumanta. Ang ating Kaibigang si Heber Bartolome ay may libreng seminar para sa mga kabataang nais matutong mag sulat at kumanta ng awiting sarili nilang likha.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .