Usec. Robert T. Rivera, Heber Bartolome at ang Banyuhay

Hindi kataka-taka kung si Heber Bartolome at ang Banyuhay Band ay dumalo nuong ika-2 Anniversaryo ng Pilipinas Ngayon Na! ni Undersecretary Robert T. Rivera at ni Jeli Mateo na co-host ni Usec. Rivera. Ito’y dahil si Usec. Rivera ang kauna-unahang manager ng Banyuhay na siyang nag-produce ng mga kantang nilikha ni Heber nuong dekada 80’s, kung saan nakalakip ang awit na “Tayo’y Mga Pinoy” at nakilala si Heber.

Ang mga kantang likha ni Heber ay nagpapahayag ng makadamdaming pagsasadula ng buhay Pinoy. Mga awitin na sumusulong ng mga adhikaing makabayan at tumatanaw sa mga sakit ng lipunan. Ito’y umaanino lamang ng uri ng pagkatao na mayroon si Usec. Robert T. Rivera na nuon pa man ay sinusulong na ang mga kathang tumutukoy sa problema ng ating bayan upang matuguanan ng pamahalaan. Kung inyong magugunita si Usec. Rivera din ang tumulong sa FAMAS nuong nakaraang taon upang matuloy lamang ang ika-54th FAMAS Awards Night para mag bigay puri sa mga artistang Piipino. Siya rin ang sumulong ng panukalang itaas ang parte ng MOWEL Fund sa kinikita ng Film Fest tuwing sasapit and Metro Manila Film Festival.

Sa ngayon si Heber at Usec. Rivera ay tuloy-tuloy pa rin sa pagsulong ng adhikaing tumutugon sa pangangailangan ng sangbayanan. Si Heber ay tuloy pa rin sa pamamahayag ng kanyang mga mithiin sa larangan ng pag-pipinta, pag-awit, at pagtulong sa mga nais maging compositor at musikero. 

Samantalang si Usec. Rivera naman ay isa nang Undersecretary for Operations ng Office of the Press Secretary, Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Hindi magtatagal ang Plipinas Ngayon Na! ay ililipat na sa prime time tuwing Sabado ng gabi sa NBN Channel 4. Siya’y magkakaruon na rin ng sariling palatuntunan sa Radyo ng Bayan upang patuloy na maipahag at sagutin ang mga daing ng sangbayanang Pilipino. Sa ngayon, si Heber naman ay my regular na ring pahina sa dyaryong “Taliba”, kung saan ay lalo niyang maipahahayag ang kanyang pagtukoy sa mga problemang kailangang tugunan ng pamahalaan.

Kung nais niyo ng iba pang inpormasyon tungkol sa “Banyuhay” nuon, ngayon at bukas ay tumungo lamang sa mga pahina ni KA Heber sa internet.

Samantalang ako naman ay abala sa aking adbokasiya sa kapaligiran upang mahibsan ang global warming. Panuurin ang katangi-tanging makakalikasang lugar na pinagtra-trabahuan CSC Forest. MABUHAY ANG MGA MAKABAYANG MUSIKERONG PILIPINO!

Roy

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

2 Responses to “Usec. Robert T. Rivera, Heber Bartolome at ang Banyuhay”
  1. royluga says:

    What I have observed with Wordpress is that I find it hard to incorporate Imeem unlike my other pages where I could mix altogether audio, video and graphics. I don’t know if there’s only adifficulty in editing. SEE: http://heberbartolome.blogspot.com/

  2. royluga says:

    What is good, however, with Pinoyblogosphere is that we can post our blogs, irregardless of whether there’s paid Ads or not, it’s the freeodm of Filipino ingenuity. Tayo’y mga Pinoy ika nga ni Heber.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .