Pinoy Transformers
July 6, 2007
Nauso nanaman ngayon ang Transformers . Napanood ko ang movie at na-inspire akong magdrawing pagkatapos kong basahin ang blog ni Wanda. Ito naman ang aking Pinoy version ng Transformers:
PASADAPRIME (SARAO PUBLIC UTILITY JEEPNEY)
Hari ng Kalsada. Ang leader ng Gwapobots. Kalaban ng MMDA. Madalas itong mag-aklas ng tigil pasada dahil sa pagbaba ng pamasahe. Gamit ang kanyang powerful na tambutso kaya nyang takpan ang buong Maynila ng kanyang usok (Smog Technique). Napaka-cool nitong lider dahil tadtad ito ng graffiti sa kanyang katawan na OA na sa dami. Malakas na lider si Pasadaprime dahil madalas itong may sabit na lagpas na sa kanyang loading capacity.
Magaling magtago at sumingit sa iba’t ibang kalye upang matakasan ang LTO. Mala-ninja ang skills sa bilis. Gamit ang super airconditioner na electric fan kaya nyang magproduce ng ultimate buhawi.
Ang pinakamagulang sa grupo. Ito ang robot na namimili ng pasahero. Mahilig itong mangontrata. Tamad at ayaw sa malayong lugar. Madaya ang kanyang metro na para bang kailangan mong sumuka ng pera. Ayaw pang magpatalo dahil di ka susuklian dahil wala daw siyang dalang barya. Gamit ang kanyang matatalim na kuko at mapanlinlang na pag-iisip kaya nyang manalo sa kahit anong laban.
TODATRON (ISUZU MOTORCYCLE)
Hari ng subdivision. Sa dulot nitong ultra sonic sound waves at smog attack gaya ng kay Pasadaprime kaya nyang singitan ang ano mang kalaban. Mabilis din ito dahil makikita mo sya kahit sa highway. Malakas din ito dahil kaya nyang magservice ng 24 elementary students sa isang pasada lamang.
To be continued…
Comments
One Response to “Pinoy Transformers”
Got something to say?














hahaha galeng! yung sa pinoyspy naman, iba din.. di ko lang alam kung yan din yung Wanda na sinasabi mo.. galing!