Alaala ng Baguio
* I just want to share this entry I found while cleaning out (deleting) my other blog accounts. [Repost from i.ph May 2006 - account probably deleted by this time]
Nag-ayos kami ng kabinet noong isang araw it isang album ang biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Isang album na puno ng aming mga litrato ng pagpunta namin sa Baguio noong bata pa kami.
Naalala ko itong lugar na yon sa Camp John Hay. Iyon na ang pinakamalaking palaruan na nakita ko. Kapag pupunta kami ng Baguio noon yung malaking playground lang ang hinahanap ko. Tumatayo pa rin ang balahibo ko kapag naiisip ko kung gaano ko na enjoy maglaro. Buong araw, kahit sobrang init, wala akong tigil. Sabik kung baga. Pakiramdam ko dito lang ako naging malayang maglaro ng maglaro. Kaunti lang ang naglalaro dito, parang aming-amin lang ang lugar (mahiyain ako noon at di mahilig makipaglaro sa ibang bata, kasama na ang hindi ako marunong makipag-agawan ng puwesto – loser ata ang tawag sa mga ganito). Isa pa, may mga laruan sila na di pa makikita sa Manila noon – wala pa kasing McDonald’s playhouse (ang naalala ko lang yung sa Tropical Hut at Shakey’s… nyak). Tama na ang kuwento.
Ang gusto ko lang naman talaga sabihin ay nalungkot talaga ako ng nawala na ang mga laruang ito sa Camp John Hay (medyo matanda na ako ng malaman kong Camp John Hay pala ang tawag doon). Ang pagkaka-alala ko, yung sumunod na punta namin sa Baguio pagkatapos nito, inalis na raw ang playground (o isinara ang CJH?… ewan). Basta hindi na lang kami ulit nagpupunta sa Camp John Hay. Hanggang Burnham Park nalang. Malaki rin ang playground sa Burnham pero wala sila nung tumatalbog na zebra at yung bahay-bahayan. Siguro masyado akong bata noon kaya pinipilit ko pa ring bumalik kami dun sa malaking playground pero wala na talaga. Tumanda na ako at nawalan ng ganang pumunta sa playground ng Burnham. Nagsawa na rin sigurong magyaya sa malaking playground na may Zebra.Â
Sa totoo lang, hinahanap-hanap ko pa ring makapaglaro sa tumatalbog na Zebra. Nabitin ata talaga ako sa paglalaro. Pero ayaw ko na magbilad sa araw. Hindi rin ako nahilig sa mga leisure parks.
Pero, tuwing makikita ko yung mga litrato, napapangiti ako. Nararamdaman ko ulit ang kaligayahang nararamdaman ng bata kapag nakakakita ng playground. Kahit may halong lungkot dahil sa pagtanggap na matanda na ako (talaga lang), ayokong mawala ang pakiramdam na ito. Isip bata? Ayos lang.
Epilogue:
Matapos ang ilang mga taon, nakapunta na ulit ako sa CJH (last year una, kasama ng kaibigan ko) at nakita ko mismo na wala na talaga yung playground – yung mini golf nalang ang natira.
Ngayon ko lang din napagtanto na mahirap pumunta sa CJH, dapat may sasakayan (although di hamak na mas mura at honest ang mga taxi drivers sa Baguio kumpara dito sa Manila) at medyo magastos.Â
Sa Camp John Hay pinakamasarap mag-Starbucks (oo kahit may kamahalan). Isipin mo, countrystyle ang interior nung lugar, nandun ka sa terrace at nakaupo sa upuang kahoy. Gabi, malamig, foggy, at may kasama kang kaibigan. Nasa senti-mode ka bigla.  May tatalo ba doon?







Unlike those days . . . Naku! Ibang iba na Baguio ngayon.
Oo nga eh, sayang.