Commercial Break: The Secret to Amalia Fuentes’ Beauty
Posted by empressmaruja on July 19, 2007 · 35 Comments

Popular 1960’s celebrity Amalia Fuentes possesses the beauty of a thousand and one stars. What is the secret to her beauty?
You won’t believe her answer…after the jump…

Promise!
Jump.
Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Random Posts
- November 22, 2009 -- Best Eat-All-You Can in Metro Manila
- December 31, 2009 -- BHO’s First Random Winner!
- December 24, 2009 -- Merry Christmas!!!
- March 6, 2010 -- The B.E.S.T. Workshop
- February 12, 2010 -- My NaNoRebel Novel and The Revision Process
- December 21, 2009 -- Brittany Murphy, 32
- November 15, 2009 -- Congrats Pacman
- November 12, 2009 -- 4th World Pyro Olympics 2009 – Bonifacio Global City
- January 5, 2010 -- Globe Tracker GPS helped recover Hijacked Truck
- January 14, 2008 -- The Ltd. Edition Brunswick Metro Cue by Predator!
- January 31, 2010 -- Caressa Cameron
- December 24, 2009 -- Roach is SI.com’s Trainer of the Year
- December 9, 2009 -- Free Brush Set: Circles for Photoshop
- November 19, 2009 -- The Carter Documentary: Download Movie Non-existent
- February 5, 2010 -- Hayden Panettiere and Wladimir Klitschko
- December 6, 2009 -- Fu Bingli Owns the World’s Strongest Fingers
- December 19, 2009 -- Derailed at the moment, but thankful for good friendships!
- November 13, 2009 -- Fil-Animated TV Show: The Nutshack
- June 27, 2007 -- NCAA ManCom to Perpetual: Sorry, Thoyib is not eligible
- November 3, 2009 -- 2009 World Series Game 5 Yankees vs Phillies | Phillies wins Game 5 8-6
Movie Queen Amalia Fuentes is truly the most beautiful face ever to grace Philippine cinema! No one even among the present crop of beautiful stars can match the classic features of La Amalia!
Yes I truly agree.Amalia Fuentes is the most beautiful actress of all time.
Actually I was a Susan Roces fan in the 60’s but I believed Amalia was more
beautiful than Susan during those days. No doubt about it. I’ve seen present
movie stars and no one can match the beauty of Amalia.
Amalia Fuentes is indeed the most beautiful actress of all time. Back in the
60’s there were other beautiful actresses but Amalia was the most attractive
of them all. She is far more beautiful than her rival Susan Roces.
I was an Amalia Fuentes fan in the 60’s and I used to argue with my mother
who was a Susan Roces fan. My mother accepted the fact that Amalia was
more beautiful than Susan but she insisted that Susan has more charm.
I was a beautician in the 60’s and I’ve seen both Amalia and Susan in
person. Both are beautiful actresses but I would say Amalia was a stunning
beauty.
I am now in my 70’s and I was a fan of Amalia Fuentes in the 60’s and
70’s. No doubt she is the most beautiful actress.
Amalia Fuentes was my idol in the 60’s. Amalia was more beautiful than
Susan Roces, although Susan was the akcnowledged queen of movies by
the media. Then in the 70’s I was a Vilma Santos diehard fan. Vilma is also
very pretty but no one can match Amalia’s exquisite beauty and allure.
Susan Roces was my favourite actress back in the 60’s but I believe Amalia
Fuentes was more beautiful because of her very meztisa beauty. I saw Amalia
twice in person and she is really beautiful. As for Susan I saw her too just once
and she has a sweet personality and a very smooth flawless complexion.
I saw both Susan Roces and Amalia Fuentes in person. Susan is not a
photogenic person, in pictures and in movies she looked very filipina but
in person she looked different, mestiza looking with charming face. As for
Amalia, she is beautiful and sexy( compared to Susan, Amalia was more
shapely) and her complexion is kind of tanned but reddish(mamula mula)
while Susan is fair and her skin is very smooth.
I was an avid fan of Amalia Fuentes back in the 60’s. I saw her in person
at Dalisay Theatre in one of her premiere nights, she hardly wear make-up
that night( very simple lang) but beautiful, nakakagigil ang ganda. As for
her rival Susan Roces, she is no match to Amalia.
I remembered when Amalia Fuentes guested on Dolphy’s popular radio show
‘ Roadshow’ (abs cbn studio Aduana, Intramuros) in 1966. There was a
deafening screams from the audience that lasted almost two minutes or more
when Amalia appeared on the stage. She was so beautiful and sexy, kahit
sino mapapatili sa ganda nya.
Totoo yung sinabi ni Cristina Anasco. Amalia Fuentes is the most beautiful actress of all time.
Iba talaga ang ganda nya. Before Amalia Fuentes came to Sampaguita Pictures, maraming magaganda talaga don. Si Gloria Romero, Paraluman, Rita Gomez, even Carmen Rosales. Pero tinabunan silang lahat ni Amalia Fuentes. Kaya nga hinabol agad yan ng Sampaguita kasi di na sila makakakita ng ganyang klaseng star material.
Nung panahon ng rivalry nila ni Susan Roces, ang talagang box office chanpion ay si Amalia Fuentes. Kaya nga ang mga film studios at that time, kahit na mahal ang singil ni Amalia, sya pa rin ang kinukuha. Si Susan laging supported ng Sampaguita sa mga popularity contests dahil nga pinaparusahan nila si Amalia for being an independent-minded person.
In fact, yung Lea Productions, nahila ni Amalia from being an unknown studio into one of the more established at sumikat yun dahil kay Amalia.
Ang true queen of the Philippine movies ay si Amalia Fuentes because of her boc office clout. Si Susan nga noon madalas pumalpak ang pelikula, pero si Amalia 100% ang batting average sa box office. Walang pumalpak.
E ang ganda nya talaga. Wala syang angulo sa camera na pangit kaya hindi hirap ang mga cameramen noon.
Aminado naman ako na fan nya ako. Hanggang ngayon sya pa rin ang idol. E kasi nga may dahilan naman ako para hangaan sya.
During her time, sabi ng mga kaibigan ko suplada daw si Amalia. Sabi ko wala akong paki-alam. Basta love ko si Amalia. Even now, sinasabi ko sa mga kaibigan ko, fan ako ni Amalia at wala na akong artistang hinangaan kundi sya lang. Hanggang ngayon faithful ako sa kanya.
At sya lang ang may karapatan na magsuplada sakin. OK lang sakin. Kasi yun sya. Kasama yun sa hinangaan ko sa kanya. Yung totoo sya. At yung pagiging matalino nya.
Scholar si Amalia, noh! At nag-aral yan ng law sa US kaya di sya basta-basta maloloko. Di ba idol!
Maganda talaga si Amalia. Isa siya sa favorite ko.nuon Sampaguit days Si Nida Blanca favorite ko rin siya
Si Susan hindi niya ako fan (nuon iyon). Pero ngayon, favorite ko silang lahat. Si Gina Pareno magaling din siya. Si Amali hangang ngayon fan pa rin niya ako. Sana magkaroon siya nang show sa TV kahit guest lang tulad ni Susan. Si Gina very in demand siya ngayon. Magaling kasi siya. Si Amali won 1 acting award so magaling din siya. Basta magaling, maganda, matalino and fan ma rin ako ni Amalia. It hurt pag may balitang hindi maganda sa kanya, kasi fan niya ako nuong maliit pa ako. In fact may tape ako sa kanya na binili ( Bilangong Birhen at Amy, Susie and Tessie). I love classi movies. Thank you Amalia sa lahat nang movies mo.
Yes! Yes! Ms. Amalia Fuentes is truly my kind of Idol. Wala pang pinapanganak na artista sa buong buhay ko na kasing ganda niya. Ibang klase! Napakaganda niya sa Screen at sa personal. Kahit walang istorya ang pelikula di siya nakakasawang panoorin. Pinakamaganda siya sa “Ibulong Mo Sa Hangin.” Wala akong naging idol na artistang Filipino kundi siya. Ngayon nauwi na ako kay Kris Aquino. Until now I still review all my mags collection about her.
La Amalia! I saluteYou!
Amalia Fuentes, no doubt is the most beautiful actress of all time. I
remembered back in the 60’s, everytime Amalia was on the cover of the
magazine, I would spend my last penny just to buy the magazine. She was
so beautiful on the cover. Present days actresses can’t surpass Amalia’s
goddess like beauty. I have to see a real beauty in show business, all I
see are mestisang pilit beauties.
I was a Susan Roces fan back in the 60’s but I admit beauty wise, Amalia
Fuentes was much more beautiful than Susan. But I preferred Susan’s
soft allure and sweet image and her porcelain complexion.
I was an avid fan of Amalia Fuentes in the 60’s then I became a Vilmanian
in the 70’s. Vilma Santos is pretty but Amalia Fuentes beauty is still
unmatched.
Pinaglihi ko kay Amalia Fuentes ang first child ko. Talagang napakaganda
ni Amalia. I was 9 month pregnant nuon nang panoorin ko ang ‘ Amaliang
Mali-Mali’ in 1961. Nakikipagtalo pa ako sa mga fans ni Susan Roces, dahil
hindi puwedeng hindi si Amalia ang number one nuon. I am now in my 70’s
at wala pa akong nakikita na puwedeng pantayan ang kagandahan ni
Amalia.
Natatandaan ko nuon, ang mother ko was an Amalia Fuentes fan, I was
only seven that time in the 60’s pero natatandaan ko kung gaano kaganda si
Amalia dahil lahat nang magazine na si Amalia ang cover ay binili nang
mother ko, para siyang diyosa sa kagandahan. Isinama ako nang mother
ko para panoorin ang pelikula ni Amalia na ginawa sa Hawaii( Aloha),
ang ganda ganda ni Amalia at ang seksi nang katawan, punong puno nang
tao ang sinehan, nakatayo kami sa likod hanggang sa matapos ang
pelikula. Nagtitilian pa ang iba tuwing kinukunan nang close up ang
magandang mukha ni Amalia.
Ang dalawang katulong namin ay fans ni Susan Roces, ako ang mother ko
at ang auntie ko ay maka-Amalia Fuentes. Ang mother ko at ang auntie ko
ay pinanood halos lahat nang pelikula ni Amalia. Bawat opening day ay
nakapila na sila nang maaga para makakuha nang upuan sa sinehan kung
hindi mahirap dahil puno ang sinehan. There are times kinakantyawan ko
ang mga katulong namin na fans ni Susan. Walang panama si Susan sa
kagandahan ni Amalia.
Pareho kong nakita in person sina Amalia Fuentes at Susan Roces. Mas
maganda si Amalia. Maganda si Susan, very sweet at wholesome ang
personality niya at napakaganda nang kutis.At mahinhin ang kilos. Pero
si Amalia talagang ubod nang ganda, glamorous at sexy, me korte ang
katawan, mamula mula ang kutis niya.Mas mataas si Susan. Si Amalia
maliit ang mukha, parang hubog manyika, si Susan Bilugan ang mukha
pero maganda ang pisngi, parang makopa. Tutoo na mataba ang mga
binti ni Susan pero napakaputi, si Amalia ang ganda nang shape nang
mga binti. Supladang tignan si Amalia, mataray ang ganda, si Susan
malambot ang ganda, mukhan approachable. Si Amalia pa rin ang
pinakamaganda.
Sa mga nakita kong mga artistang babae nuong kapanahunan ko( 60″s),
ang talagang magaganda ay sina Amalia Fuentes, Charito Solis, Shirley
Moreno, Cecilia Lopez, Daisy Romualdez sa person. Si Susan Roces ay
maganda rin, maputi at napakakinis nang balat. Pagdating sa kutis, walang
tatalo kay Charito Solis at napakaganda nang mukha. Overall when it comes
to beauty, si Amalia Fuentes ang number one. Nakita ko na siya na halos
walang make-up at nakapambahay lang ang suot, pero napakaganda, very
natural ang beauty niya,hindi ka magsasawang tignan. Sa mga present
actresses, wala pang puwedeng tumalo sa ganda ni Amalia. Si Vilma
Santos ang favourite ko in the 70’s and 80’s, nakita ko na rin siya in person
at talagang maganda at maputi at sexy. Maski sina Anne Curtis, Marian
Rivera, Angel Locsin ay walang panama sa ganda ni Amalia.
Dito sa aming lugar, sa Santa Cruz Manila, Si Susan Roces ang paborito nang
marami, dahil mahinhin at maamo ang ganda. Mga katulong, mga tindera
sa palengke ay puro maka-Susan. Nagiisa akong tagahanga ni Amalia sa
aming bahay, puro fans ni Susan ang mga kasama ko. Ang lagi kong
pinagmamalaki sa kanila ay ang kagandahan ni Amalia, walang ilaban si
Susan. Hanga din sila sa beauty ni Amalia, inaamin nila na mas maganda
talaga si Amalia kaysa sa kanilang idolo na si Susan. Isang beses ko lang
nakita si Amalia sa person, inabangan ko siya sa labas nang Dalisay
theatre nang opening nang Prinsesang Kalapati movie, katambal niya si
Bernard Bonnin. Nasa 4th year high school ako sa Arellano. Kasama ko ang
apat kong kaklase na fans din ni Amalia. Wow, nang dumating si Amalia
takbo ako sa harap nang kotse niya. Tulakan kami. Nang bumaba siya na
pinaligiran nang bodyguards. Napatili ako sa ganda niya, sobra ang
excitement ko, paguwi ko nang bahay ay masayang masaya pa rin ako
at hindi ko malimutan ang mukha niya na napakaganda.
Sa aming opisina nuon back in 1966, mas marami kaming fans ni Amalia
Fuentes kaysa sa mga maka Susan Roces. Tuwing opening nang pelikula
ni Amalia, ako at ang close friend ko sa opisina ay nasa sinehan, kadalasan
sa Dalisay Theatre, naka uniporme pa kami. Inaabangan namin ang pagdating
ni Amalia. Nakita ko siya nang malapitan nuong opening day nang ‘Ibulong
Mo Hangin’, ang ganda ganda nang mukha at ang seksing seksi ang katawan.
Ang lakas nang palakpak ko habang nagtitilian ang mga katabi ko. Siya
ang number one sa kagandahan.
Bata pa ako nuong kasikatan ni Amalia Fuentes( 12 years old lang ako) pero
siya ang paborito kong artista. Ginugupit ko ang mga litrato ni Amalia sa mga
magazines at gumawa ako nang album. Ang unang pelikula ni Amalia na
napanood ko, kasama ko ang mother ko na fan din ni Amalia ay ang ” I Just
Need Your Love’ katambal niya si Eddie Mesa. Excited ako at dalawang beses
namin inulit ang pelikula. Nang dumating na sina Nora at Vilma, naging
Vilmanian ako pero gusto ko pa rin si Amalia at pinanood ko pa rin ang mga
pelikula niya in the 70’s. Sina Amalia at Vilma lang ang pinanood kong mga
pelikulang tagalog, dahil mas prefer ko ang american movies.
Fanatic na tagahanga ako ni Amalia Fuentes. Walang pelikula ni Amalia ang
aking pinalampas, lahat pinanood ko. Ang paborito ko ay ang ‘ Adriana”,
kamukhang kamukha niya si Elizabeth Taylor sa pelikulang iyon. Inabangan
ko ang parada nang mga artista sa may Escolta pagbaba nang Jones Bridge.
Entry ang Adriana sa Manila film festival .Puting puti na terno ang suot ni
Amalia at may mga bulaklak sa ulo at nakapayong nang puti. Ang ganda ganda
niya, siya ang most applauded actress during the parade according sa aking
observation. Kumita nang malaki sa takilya ang ‘Adriana’. She is the most
beautiful actress of all time.
Teen-ager ako nuong kapanahunan nina Amalia Fuentes at Susan Roces.
Although hindi ako mahilig sa filipino movies, mas gusto ko ang beauty ni
Amalia Fuentes. Pinanood ko ang ilang mga pelikula niya like ” Ikaw Ang Gabi
At Ang Awit’, Puerto Prinsesa, Rowena at Ang Uliran. Ubod nang ganda ang
mukha niya, the best sa lahat nang filipina actresses. Mahusay siyang umarte.
Isang beses ko lang nakita si Amalia sa person, talagang maganda, mestisa
at me hubog ang katawan. Anak na niya sa Liezl nang makita ko siya.
So far sa mga current actresses, wala pa akong nakikita na papalit sa
kagandahan ni Amalia, still siya pa rin ang number one.
I am the same age as Amalia Fuentes now, she was my favourite actress
when I was in college at FEU in the 60’s. Although I didn’t watch all her movies,
there are few movies that I really admired her acting- 3 Kasaysayan Ng Pag-Ibig,
Escarlata, Pag-Ibig Mo Buhay Ko and Ibulong Mo Sa Hangin. She is indeed
exquisitely beautiful during her younger years. I had the chance to see her
in person in 1968 during the Metro-Manila film festival parade, she was on top
of the’ Sa Manlulupig Di Pasiil’ movie float. She was so beautiful. Even though
she is no longer active in movies and gained weight, still she is pretty. Also
in the early seventies, I religiously watched her tv show, ” Amalia” on abs-cbn.
In the 70’s, when the public went crazy over Nora Aunor and Vilma Santos, I
remained a loyal Amalia fan, not even Vilma who is much prettier than Nora
can match Amalia’s beauty and allure. The last movie of Amalia I saw was
Asawa Ko Huwag Mong Agawin in 1987 with Vilma Santos before I went
to America . I still watch Amalia’s old movies, there is a filipino store in
my area where I can rent old and new filipino movies. The last time I saw
her photo was when her marital problem with Joey Stevens hit the headlines
via internet , wow she is huge, ang taba taba but still pretty.
Dalawang artista lang sa buhay ko ang hinangaan ko nang labis, si
Amalia Fuentes dahil sa napakaganda niya, walang katulad, at si Vilma
Santos na maganda rin at pinakamahusay sa pag-arte, walang tatalo.
Lahat nang magazines na si Amalia ang cover ay binili ko, ilang boxes
na puro magazines na cover si Amalia ang naipon ko( Liwayway, Kislap,
Literary Song Movies, Bulaklak at Movieworld) Halos lahat naman nang
pelikula ni Vilma ay napanood ko, nasa college ako nuon at iniipon ko
ang aking perang baon para mabili ang magazine na si Amalia ang cover.
Nang magkasama sina Amalia at Vilma sa ” Mga Reynang Walang Trono”
labis ang tuwa ko, dalawang beses kong pinanood ang pelikula.Nang
ikasal sina Amalia at Romeo in January 7 1966 sa Hong Kong, napaiyak
ako sa tuwa, nasa high school pa ako, hindi ako makapagconcentrate
sa eskuwela , dahil ang kasal ni Amalia at Romeo ang laging iniisip ko.
Nang ipalabas ang Honey Honeymoon na special feature ang Amalia and
Romeo wedding sa Hong Kong, opening day sa Dalisay ay pumila ako
sa takilya, hindi ako pumasok sa eskuwela. Tilian nang tilian ang mga
tao sa sinehan nang ipakita na ang wedding. Tumabo sa takilya ang pelikula
dahil punong puno nang tao ang Dalisay theatre. Palabas din ito sa Pearl
theatre sa Rizal Avenue, after one week, pinanood ko uli sa Pearl theatre
ang Honey Honeymoon, puno ang sinehan at walang tigil ang dating nang
mga tao.Me nagsabi pa nga na ‘ talo sina Susan at Fernando Poe’.
Yes no doubt Amalia Fuentes is beautiful. But I still prefer Susan Roces soft
allure, sweet image and prim and proper personality. I was a devoted fan of
Susan Roces in the 60’s and 70’s and until now I still like her. I have seen
Susan Roces in person many times. She is pretty with flawless complexion.
She looked so dignified and respectable but approachable and she has this
humble appearance, mukhang napakabait na tao. Hindi siya namimili nang
tao, lahat ay kinamayan nya maski mga tindera at mga iskwater na fans.
Makikita mo kung gaano siya kamahal nang tao kahit saan siya mag personal
appearances. Si Amalia ay balita na suplada, nagsasara siya nang bintana
nang kotse kapag lumalapit ang mga tao, hindi niya type na makipagkamay
sa mga tao.Si Susan ay dumudungaw pa sa bintana nang kotse at kinukumusta
pa ang mga fans na lumalapit, at palaging nakangiti. Kung si Amalia ang
most beautiful actress si Susan naman ang most respected actress of all time.
I was not a fan of filipino movies but Amalia Fuentes was the only actress I
admired when I was growing up in the sixties. I’ve seen some of her movies
out of curiosity and I would say she is not only very beautiful but also a good
actress, she can act. There is no doubt that Amalia is the most beautiful
actress of all time, she is the epitome of beauty in Philippine movies, the
only actress who is very close to Amalia when in comes to beauty is Gloria
Romero.
all I can say is that beauty is relative! I still find SUSAN ROCES , the most beautiful and respectable actress of all time!
Akala ko ay ako lang ang nagkakandarapa kay Amalia hanggang ngayon. Ang dami pa pala siyang loyal fans sa panahong ito. I am in my sixties and I have been a fan of Amalia since the late 50’s when I chanced upon her photograph hanged on a palabunutan. Wow! Tandang tanda ko pa, grade 3 ako at 1957 noon. Yong baon kong 20 sentimos naubos sa kabubunot, pero di ko siya nakuha. Umuwi akong luhaan. Yong bunutan, isang linggo nang naka-display pero yong litrato ni Amalia na may korona sa ulo andoon pa rin at wala pang nakakasuwerte. Hanggang sa mapalitan na yong bunutan ng bago, pero me litrato uli si Amalia na iba naman. As usual, naubos ang baon ko noong lingo na iyon. Pinagalitan ako ng Nanay ko dahil palagi akong umuuwi sa bahay na gutom.
Amalia is really beautiful. Yong pagiging suplada niya ay parte na ng beauty niya. I believe she will not be as interesting if one of these two qualities is absent. Siya lang ang isang artista na may karapatang magsuplada. The more she shows her snootyness, the more you appreciate her beauty. Ihanay mo siya sa grupo ng mga socialites at surely she stands out. Kasi ang lakas ng personalidad niya at wala siyang inferiority complex. Hindi siya pwedeng lait-laitin dahil bukod sa maganda nga siya, may utak din siya. Her every moves generate interest that’s why she is still being talked about.
Ang isa pang katangian ni Amalia na naiiba sa ibang artista, ay wala siyang takot gawin ang isang bagay basta naniniwala siyang ito ang tama kesehodang maraming magalit sa kanya o bumagsak man ang pelikula niya. Her frankness has become one of her assets which gained her respect. Dito kasi sa Pilipinas, kailangan magkunwari ka palagi to please people, and when you did something that displeases them, abot langit ang pagpapaliwanag at paghingi ng excuse. Amalia is a different breed. She calls a spade a spade. It’s no big deal if you don’t like her. If you wronged her, she will confront you and if she likes you, she is dependable and reliable as a friend. This trait is what makes her tick.
Yong kapatid kong babae who is now in her late 50’s ay kalaban ko dahil maka-Susan siya. I remember when we went to see the movie Prinsesang Gusgusin at a dingy movie house in Cavite. Habang nanonood kami, nagsisikaran ang mga paa namin dahil pinipintasan ko si Susan. Ganoon din ang nangyari noong palabas naman ang Tulisan. Talagang nag-away kami sa loob ng sinehan nang dumating ang eksena na nagbabakbakan sina Amalia at Susan. Ganoon din ang ibang mga nanonood ng pelikula kaya ubod ng gulo sa loob at bigla ay nagbukas ang ilaw at inihinto ang pagpapalabas ng pelikula until the audience had been pacified. Ganyan katindi ang mga tagahanga ng dalawa noon na sa palagay ko ay hindi na mauulit pa sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Aside from being a Karilagan model, Amalia also endorsed different products. She was the model for the perfume L.T. Piver Rev-e-dor, Lux soap na sa sobrang ganda niya ay ipinalalabas na as a commercial sa mga sinehan noong late 60’s, Royal Lem-o-Lime in the early 60’s (it was in this stint where her beautiful face was all over the Philippines dahil yong poster niya ay nakadikit sa lahat na yata ng poste ng Meralco, bukod pa sa mga pader. Ang ganda ganda talaga niya doon and it boosted Royal Lem-o-Lime sales, which competed against Seven Up. She also modelled for Kokuryu and La Germania cooking range along with Alma Moreno.
Pinakabongga para sa akin ang beauty niya doon sa pelikulang Imelda where she co-starred with Pilar Pilapil and Boots Anson Roa. Makapigil-hininga yong eksena na bumababa siya sa hagdanan na suot ang low plunging neckline na gown. She was really a goddess. Asia Magazine did not err when it chose Amalia Fuentes as Asia’s Most Beautiful Actress at that time.