Ibang Laypistayl

                    

Nung isang linggo sa opisina:

Lisa:  Are you on holidays next week, Jon?…No you’re not leaving us! (pabiro)

Jon:  Actually, I didn’t take any holidays last year, this is the first time I’m gonna be off.

Lisa:  Oh, my heart is bleeding for you mate…why didn’t you?  Or take a longer one this time?

Jon:  I don’t feel like resting too long, back in the Philippines you rarely get holidays.  Worst is if you insist on having one, you might not have a job when you come back!

Hanggang ngayon, parang di pa rin ako nakakapag-adjust sa tinatawag na “laid-back” lifestyle ng mga australyano.  Siguro dahil galing tayo sa bansang walang ginawa kundi kumayod nang kumayod para lang kumita ng konti para tustusan ang mga “basic needs”.  Malaki ngang pagbabago kung mapupunta ka sa buhay na parang konting effort lang eh sapat na para suportahan ang mga kailangan mo.  Siguro ang katumbas ng “laid back” lifestyle nila eh “overworked-underpaid” lifestyle sa atin.

Mabanggit ko lang ang konting katibayan: 

  • Obligado kang mag-holidays sa isang taon dahil nasa batas yan. Kung maipon ito ng maipon, ang boss mo na ang magpipilit sa yong mag-holidays ka dahil sila ang mapapasama
  • May mga araw na mababa ang presyo ng mga bilihin sa mall o grocery, madalas ang sale pero di katulad sa atin na 10-20% ang bawas sa original price ng item, dito madalas 50-70% discount. Para daw to sa mga low income earners at mga pensioners na konti ang purchasing power
  • Ang kumpanya mo ang nagbabayad ng Super-annuation mo (parang SSS sa atin, pondo na nakalaan para sa retirement mo), kaya di na kailangang kaltasin sa yo, kaya bukod sa tax buo mong makukuha ang sweldo mo

  • Parang may “unwritten law” na kapag maganda ang araw sa labas, obligado kang lumabas ng bahay, pumunta sa park o sa beach, mag jet skiing, mag barbie (bbq), mag enjoy at mag sight-seeing, o kung ano pa mang recreational activities.

  • Ang lahat ay hinihikayat ng gubyerno na magtrabaho, walang age limit silang hinahanap di katulad sa pinas (discrimination sa kanila ang ganito). Kaya wag kang magtataka kung ang magdeliver ng pizza sa bahay mo eh 65 years old na.

  • Ang madalas pag-usapan sa canteen pag-oras ng kainan kung hindi sports at weather eh kung saan magandang mag-holidays. Di katulad sa atin, kung hindi pulitika ang diskusyon eh patayan o kaya nakawan.

  • 5 days a week ang pasok ng ordinaryong nagtatrabaho dito, pero 38 hrs lang standard work hours, kaya kung nagtatrabaho ka ng 8 hrs a days at 5 days a week may sumosobra na 2 oras sa yo sa isang linggo. Dahil dito pwede kang mamili ng 1 araw day off sa isang buwan para maibalik sa yo ang oras na sumobra. ADO ang tawag nila dito.

  • Walang time-card na kailangang i-punch sa bundy kada papasok at uwian. Parang ang napansin ko eh, kahiyaan na lang kung lagi kang late o kaya maaga kang umuuwi.

  • Kasama na sa typical na dinner ng mga australyano ang wine, mapa-red o white. Siguro kailangan talaga dahil sa lamig lalo na ngayong winter.

Bagama’t may nasasabi na rin akong konting ginhawa na nararanasan sa buhay, di ko pa rin makalimutan ang dating nakagawiang lifestyle, siguro yun din ang makakapag-pa appreciate sa ‘yo ng lahat na ito pag lagi mong ikinukumpara.

“The sweet can never be the sweet without tasting the sour”-Vanilla Sky 
Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .