Tuliro
Sarong bangui (isang gabi), bago ako natulog naitanong ko sa Papa ko “Ba’t magkaiba ang salita nyo ni Mama tapos kami nila Kuya at Ate iba din?”
Sabi niya “Ewan ko, ang dami mong tanong. Matulog ka na, may school ka pa bukas“.
Kinabukasan, nakalimutan ko na itanong uli at hindi na rin naalala ng aking mahal na Tatay. Hanggang ngayon, twenty years na ang nakalipas nang itinanong ko yun, hindi ko pa rin alam ang sagot.
Lumaki ako sa probinsya ng Naga kung saan ang aming salita ay Bikol Naga. Ang Papa ko ay galing sa probinsya ng Partido at ang Mama ko naman ay Albay. Dati rati, akala ko isang dialect lang ang Bikol ngunit ito pala’y nahahati pa rin sa maraming uri. May Bikol Naga, Bikol Partido, Bikol Calabanga, etc.
Ang weird, sabi ko kay Papa.
Ba’t magkaiba pa ang salita niyo samantalang ang layo lang naman ng Partido sa Albay ay parang Sucat to Malabon (traffic included)?. Eh, bakit sa Maynila – iisa lang ang salita (Tagalog)? Tapos tayo maliit na nga lang na probinsya, iba-iba pa ang dialect.
Ewan ko nga, ika ni Papa, Ang dami mong tanong.
Pinagmasdan ko si Papa. Matanda na nga siya, pero siyempre hindi ko sinabi sa kanya. 55 pa lang daw siya. Several years ago, yun din ang sabi niya sa akin. Halos kulubot na ang kanyang mga kamay habang sinusuklay ang kanyang buhok at linalagyan ng hair color para matakpan ang mga puting buhok. Obviously, Papa’s girl ako. Siya lang ang madalas kong kulitin at kwentuhan sa bahay. Nang mamatay ang aking Mama, sabi ko ako na ang mag-aalaga sa kanya.
Nagtataka lang ako kung paano niya kaya niligawan si Mama at paano sila nagkaintindihan. Halimbawa sinabi ni Papa “Aw, nagkakan ka na? Kakan giraray kita” Tapos ang isasagot ni Mama “Diri na, sa baloy na lang ako kaon” (Translation: Kumain ka na ba? Kain uli tayo // Huwag na, sa bahay na lang ako kakain.) Nakakatuwa naman isipin na ang isang salita na iisa ang kahulugan ay binabago lang ang spelling, dagdag o bawas letra ay panibagong salita na uli. Katulad ng salitang “kain”, sa Naga eto ay “kakan” at sa Albay naman “kaon”. Pero meron din namang salita na talagang ibang-iba kagaya ng “harong” o “baloy” na ang ibig sabihin ay “bahay” sa Tagalog.
Sabi ko nga sa sarili ko, dapat maging proud na ako dahil tatlong klaseng language ng Bikol ang alam ko. Pero siyempre marunong din naman ako ng wikang Filipino o Tagalog. Medyo barok nga lang kasi pinaghahalo-halo ko minsan ang Bikol at Tagalog.
Nang lumipat na kami sa Maynila, nabago ng konti ang mundo ko. Siyempre, Tagalog na din ako. At may Taglish pa. Most of the time, mas gusto ko yung Taglish. Hindi dahil sa nag i-inarte o conio kuno, ang totoo niyan ay hindi ko lang talaga alam ang tamang salita. Minsan sabi ko, “Ang laki ng bakuran” na kung saan ang appropriate palang salita ay “Maluwag ang bakuran”
Recently din lang , nag text ako sa boyfriend ko. Sabi ko:
Late lunch na po. Kumain ka daw.
Message Sent.
1 message received.
Sino may sabi?
I laughed.
Hayayay, me and my tulirong Tagalog.
(“Daw” in Bikol is equivalent to “Nga”. So it’s like: “Kumain ka nga”)
PS: Sa bahay nga din pala ni boyfriend, minsan ang usapan ay Kapampangan (primarily spoken in the provinces of Pampanga). Wala akong maintindihan, parang mga huni ng ibon sa bilis eh. So, goodluck na lang sa akin. Panibagong adventure uli sa panibagong wika.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
This was originally posted at http://wellwhatever.com/?p=193






hahaha. nakakarelate ako.
ako rin, hirap sa tagalog
minsan galit na galit ako sa brother ko at nagkwekento sa isang kaibigan
me:”lakwatsa sya ng lakwatsa”.
my fried: ha? you mean laskwatsa?
another instance
me: miss, san yung limonsito?
tindera ng shopwise: ano po yun?
me: yung ano.. ahhh.. yung lemon miss.
tindera: ah, kalamansi po ba?
*hindi ko na alam kung ilang beses nangyari to
hehe ako nga minsan tahimik na lang , di na magsasalita lol.