AOL Wika 2007 Entry : “Maraming Wika, Matatag na Bansa”

Original Entry Title: AOL Wika 2007 Entry : “Maraming Wika, Matatag na Bansa”

Original Post : http://adventuresofalionheart.blogspot.com/2007/08/aol-wika-2007-entry-maraming-wika.html 

Marami na akong napuntahang lugar sa Pilipinas at marami na akong natutunan sa mga pag uugali at mga tradisyon ng mga Pilipino. Bilang isang adventurer, marami na rin akong nasubukan na mga bagay bagay na sa lugar lang na iyon mararanasan o makikita.

Bawat lugar sa Pilipinas ay may mga pagkakaiba. Bawat tao sa mga lugar na ito ay magkakaiba rin. Oo, Pilipino tayo! Marami tayong pinagkakaisahan pero hindi natin maiiwasan ang pagkakaiba sa pagkakaroon natin ng ibat ibang pananaw at paniniwala.

Ang mga lugar sa Pilipinas ay para ring mga wika. Iba’t ibang salita at gamit pero may mga pinagkakaparehas. Ang bawat salita ay may katumbas na sa ibang lenguahe.

Hindi mo minsan akalain na ang isang matanda na aking nakasalubong sa bandang Batanggas ay marunong pang magsalita ng espanyol. Mayroon ding marunong mag nihongo. Paano pa kaya ang mga nag aaral ng ibat ibang mga lenguahe? Bukod pa rito, sa bawat rehiyon ng Pilipinas ay may mga sari-sarili pang dialects. Kung tutuusin, mahirap ngang pagkaisahin ang isang bansa kung ganito. Nakakatuwa pero totoo!

Ang Pilipinas ay mayroong 170ng wika at pang-sampu sa pinakamaraming wika sa buong daigdig at itunuturing na mga dialekto lamang.

Kung ang pagkakaroon ng isang wika ay nangangahulugan ng pagkakaisa, ganundin ang pagkakaroon ng multilingual ng isang bansa. Nagpapakita rin kasi na ang bansang matatag ay mayroong mga mamamayang maraming kaalaman. Ang pagkakaroon ng mamamayang sagana sa kaalaman hindi lamang sa isang wika ay nagpapakita lamang ng pagiging bukas sa mga kaalamang nasa ibang lenguahe.

Kung ang isang tao ay nakakaintindi ng ibang salita maliban sa native language niya, open siya sa mga kaalamang nasasalin sa ibang salita.

Naniniwala ako na isa ito sa dahilan kung bakit kahit na ano pa man ang nangyayaring negatibo sa ating bansa ay patuloy pa rin tayong dinarayo ng mga turista mula sa ibang bansa. Syempre dahilan na dito ang mga tanawing dito lang sa bansa matatagpuan at ang tinatawag na “Pinoy hospitality” pero hindi natin mawawala sa isip natin na maaari ring ang pagiging flexible natin at pagkakaroon ng ibang kaalaman at pagsasalita ng ibang lenguahe tulad ng Ingles.

Maaaring ang pagkakaroon ng ibat-ibang wika ay kahinaan ng isang bansa, pero iba ang Pilipinas. Patuloy na nagiging matatag na bansa ang Pilipinas dahil ang kahinaan sa pagkakaroon ng maraming wika ay ginagawa ng mga Pilipinong kalakasan rin. Ang pagkakaroon natin ng kaalaman sa ibang wika ang nagbukas sa mga Pilipino sa mas malawak na mundo. Dahil rin dito ay nagkaroon ng mga makabagong industry tulad na lamang ng call center na nagpabilib sa ibang bansa at nagpakita na ang mga Pinoy ay competitive at kayang makapagsabayan sa ibang bansa.

 

Ikaw! Oo, ikaw nga! ‘Di ba Pinoy ka? Ilabas mo ang tunay mong saloobin sa entry na ito. Kung ikaw ay isang Pilipinong blogista, magcompose lang ng isang blog entry na tulad nito nandito ka man sa Pilipinas o nasa ibang ibayo, ikaw ay maaring lumahok sa paligsahang ito : “Maraming Wika, Matatag na Bansa”.

Nailabas mo na ang iyong pananaw at saloobin, maaari ka pang manalo sa mga inihandang papremyo sa iyo ng mga nag-organisa ng patimpalak na ito.

 

Naririni ang mga pwedeng mapanalunan:

Grand Prize: Php5,000 + 1yr Domain Registration. + 1yr 100mb hosting
Second prize: Php3,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
Third prize: Php1,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
Misteryosa Award (1 yr Domain Reg + 1yr hosting)
plus consolation prizes…

PinoyBlogoSphere.com Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

5 Responses to “AOL Wika 2007 Entry : “Maraming Wika, Matatag na Bansa””
  1. Lionheart says:

    Hello, sana naman magustuhan ninyo ito. Ito ang unang post ko dito sa PBS..

    Enjoy!

  2. Dexter says:

    Nice Chad! As usual ako pa rin ang fan mo!

    Very well said.

  3. Rhyan says:

    Wow ang ganda nmn ng sinulat mo… Grabe nakakatuwa naman… Youre a great writer.

  4. ano ba yang apoy
    mukahang makakasunog ng patay na
    michael jackson
    parng cubao stop & shop
    weak ng apoy nyo
    weak!!!!!!!!!!!!!

  5. ganda mo mukha mo!!!!!!

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .