Random Things I Hate About China and How I Deal With Them

Isang taon na ko sa China! Parang kailan lang paiyak-iyak pa si misis ng madaling araw nung ihahatid nya ko sa Terminal 2 ng NAIA. Hindi ko na matandaan kung anong mga nangyari sa byahe ko nun, isang taon na kase ‘yun. Ang natatandaan ko nalang e ‘yung isang baklang steward e hindi ako binigyan ng second serving ng orange juice kase ubos na daw. Pero nung kumakain na sya sa likuran ko isang malaking pack pa ‘yung hawak nya. Hindi ko na din matandaan kung saang flight ako naubusan ng adobo, kung dun sa baklang steward o dun sa flight papuntang Shanghai. Basta naubusan ako ng adobo nun.

Free ticket lang ang ginamit ko nung papunta ko dito, bale binigay lang sakin nung bayaw ko ‘yung accumulated miles nya from KLM airlines na madalas nyang sakyan nung nagsa-Saudi pa sya. Affiliate ‘yun ng Nortwest Airlines kaya sa NW ako nakasakay. Bale connecting flight sya Manila to Narita, Japan then Narita to Shanghai(Pudong). Mahigit limang oras yata ang stop-over ko sa Narita kaya nalibot ko halos ‘yung buong Terminal 2. Libre lang kase ‘yung ticket, tax lang ang binayaran ko (na may kalakihan parin) kaya hindi ako pwedeng magreklamo. Nung boarding inspection sa NAIA tinanong pa ko nung pakiaalamerang crew kung bakit connecting flight ang kinuha ko, wala daw bang direct flight. Gusto kong sabihin, “Tanga ka pala e, kung binigyan nyo ba ko ng direct flight e di hindi ko na kakailanganin pang magsayang ng oras sa Narita.” Kaso mabait ako kaya hindi ko na’yun sinabi. May mga kung anu-ano pang tanong kung may nagpadala daw ba sakin ng kung ano, aba’y natural! Mga pabilin at pasalubong.

Itutuloy…

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .