Alay sa Buwan ng Wika
August 11, 2007
Sinasabing ang wikang Ingles ay ang “universal language” dahil ito ay kilala at alam ng halos lahat ng tao saan mang sulok ng mundo. Maraming lugar ang gumagamit at naapektohan ng linguahe na to, kasama na ang Pilipinas.
Sa panahon natin ngayon, maraming mga Pilipino ang bihasa sa paggamit ng wikang Ingles. Minsan, ito ay mas madalas nagagamit kaysa sa wikang Filipino. Kadalasang iniisip ng mga Pilipino na kapag marunong ka mag-Ingles, ikaw ay mayaman, sosyal, may class, may lamang sa iba at globally competitive daw. Ang iba nga ay nagsasalita ng Ingles kahit sila ay pamali-mali sa pag-gamit nito para lang mapatunayang kaya rin nila mag-Ingles. Minsan, nakakalimutan natin ang importansya ng ating mga sariling wika.Ang buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wika para sa mga Pilipino. Sa buwan na ito, kadalasang pinagdiriwang ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng sariling wika at pagkakaalam nating mga Pilipino ng iba pang wika.
Ang wikang Filipino ay ang inayos na bersyon ng wikang Tagalog pero hindi ibig sabihin na yun lang ang ating wika. Meron pa tayong iba’t-ibang wika na ginagamit sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Ang lahat ng wika sa bansa ay umaabot ng higit pa sa 170ng dialekto.
Ang pagkakaiba-iba ng mga wika sa Pilipinas ay maituturing na isang kahinaan upang tayo ay maturing na nagkakaisang bansa dahil mahihirapang magkaintindihan ang mga tao kung ang alam na wika ng isa, ay hindi alam ng iba, at ang wika ng iba, hindi alam ng iba pa.
Hindi rin ito mabibigyan ng katotohanan dahil ang bawat wika ay may katumbas na mga salita sa iba namang wika. Karamihan ay alam ang ibig sabihin ng isang salita mula sa kanilang wika pag sinalin sa iba. Kadalasan ring naiintindihan ng ibang mga taong gumagamit ng di-gaanong ginagamit na wika ang katumbas ng kanilang mga salita sa mas malaganap na ginagamit na wika.
Ito ay maituturing ng iba na kahinaan sa pagkakaroon ng pagkakaisa pero maituturing rin na kalakasan dahil kahit ang ating mga wika ay iba-iba at ang iba ay di nagkakaintindihan, nakikita natin sa ating bansa ang pag-unlad, kahit hindi mabilis, masasabi ring ito ay umuunlad, unti-unti.

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
This was originally posted at http://eljonsalenga.blogspot.com/2007/08/alay-sa-buwan-ng-wika.html
Comments
4 Responses to “Alay sa Buwan ng Wika”
Got something to say?











great website i can really work good things here!
nce website i can work good things here!
my friends is not ike mi
dapat pahalagahan ang wika natin kahit ako ay isang Phil/Chinese