Bayang minumulto…
August 14, 2007

Bata pa alng ako, marami na akong nakikita at naririnig na mga multo… Naalala ko pa noong bata ako, isang pamilya ng mga multo ang lumapit sa akin at nagtanong, subalit hindi ko naman sila maintindihan. Bakit ako pa ang kailangan tanungin? Sabi ko sa sarili ko. Namulat ako sa lipunan ng mga multo. Hindi ko man sila maintindihan, kailangan kong mabuhay kasama ang mga multong ito ng aking buhay. Maraming mga multo sa paaralan namin. Ewan ko, dala siguro yun ng kasaysayan ng tinitirikang lugar…
Madalas magpakita ang mga multo tuwing English class, Math, Science pero hinding-hindi sa Filipino class namin. Marahil takot lang sila sa guro ko noong mga oras na iyon. Pero, sa tuwing sasapit ng Filipino class, tuwang-tuwa ako sapagkat hindi ko na kailangan pang makakita at makarining ng mga multo.
Sabi ng mga teacher ko, kailangan naming matututong makisalamuha sa mga multo ng aming buhay sapagkat una: hindi naman nila kami sasakatan at ikalawa: sila ang magtataguyod sa aming buhay pagdating ng araw. Kaya maging multo na rin daw kami!
Walang araw na hindi ko sinubukang magpaka-multo. Yaong tipong, multong-multo sa paningin pati na rin sa pandinig. Araw-araw akong nag-eensayo upang sa gayun ay maging multo na rin ako. Sugod lang ng sugod…walang pagod na pag-aaral ng proseso ng mga multo. Mahirap, pero masarap!
2nd year hayskul ako noong una akong hagupitin ng bangis ng mga multo. Napahiya ako sa klase kasi pinabasa ako ng titser ko ng mala-multong linggwahe. Hindi ko nga mabasa ng husto…tagalog pa nga lang nabubulol na ako, ingles pa kaya? Tiniis ko ang kahihiyang dulot ng mga multo ng aking buhay, pero sa paglipas ng mga araw – kahit dala-dala ko ang poot dahil sa kahihiyang naranasan ay hindi ko namalayang unti-unti na rin pala akong naging multo. Usap dito, usap doon; debate dito, debate doon…nakipaglaban ako sa iba pang mga multo. Bagaman may nayayabangan sa tuwing nagta-transform ako mula sa pagiging tao sa pagiging multo, hindi ko na lang iniinda yun, Takot lang kayo sa sarili n’yong multo!
Ngayon, ang katotohanan ay tuluyan nang nanuot sa aking isipan…ayos din naman pa lang maging multo…sa katunayan, kung multo ka, iba ka! Angat ka sa iba. Magiging madali sa iyo ang lahat. Makukuha ka sa iyong larangan sa ibang bansa at matutulungan mo ang iyong bansa upang itaguyod ito para sa kaunlaran. (Nyah, ang drama?) Totoo naman kasi… wala kang mararating na malayo kung ililimita mo ang iyong sarili sa iisang tunog na sinasalita. Sabi nga ng friend ko, mediocrity blocks us to success, in tagalog, ang pagiging kontento sa kung ano lang ang kaya mo (gayung mayroon ka pang ibubuga) ay ang magpapabagsak sa iyo.
Ngayon, hindi na sapat na multo ka lang ng isang bansa…kailangan mong makakilala ng iba pang mga multo sa ibang bansa. Parang ang pambansang bayani natin na si Dr. Jose Rizal…tawag ko sa kayan, The Great Ghost of all time. Kasi, halos lahat na yata ng linggwahe ay alam n’ya na.
Noon, takot ako sa multo, sa sarili kong multo. Pero ngayon, isa na akong multo at patuloy akong lalakad at ilalapat ang aking mga paa sa lupain ng iba pang mga multo. Hindi na ako matatakot dahil simula ngayon, ako naman ang mananakot upang hikayatin ang iba na labanan ang takot at maging multo na rin!
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Comments
3 Responses to “Bayang minumulto…”
Got something to say?











Mahirap dahil sa magaling tayo maghanap ng pera sa madaling paraan. Maraming nasasagasaan. Bahala na c batman para makabili ng bato. O sa ating mga bisyo. Kabit, shopping, malling, alak or Jollibbee, McDo. Bakit di natin baguhin ang atin sarili, tulad ng di paninigarilyo, magbasa kesa magtong-its o kaya magtanim ng puno, marami tayong magagawa, Huwag tularan ang nakakatanda, ang maghingi ng tulong sa mga pulitiko, kaya nga nangugurakot yan dahil hingi tayo ng hingi. Kung meron kayong comment sumbatan nyo ako. Dahil totoo hehehe!!
Kung meron kayong comment sumbatan nyo ako. Dahil totoo hehehe!!
Mahirap dahil sa magaling tayo maghanap ng pera sa madaling paraan. Maraming nasasagasaan. Bahala na c batman para makabili ng bato. O sa ating mga bisyo. Kabit, shopping, malling, alak or Jollibbee, McDo. Bakit di natin baguhin ang atin sarili, tulad ng di paninigarilyo, magbasa kesa magtong-its o kaya magtanim ng puno, marami tayong magagawa, Huwag tularan ang nakakatanda, ang maghingi ng tulong sa mga pulitiko, kaya nga nangugurakot yan dahil hingi tayo ng hingi. Kung meron kayong comment sumbatan nyo ako. Dahil totoo hehehe!!
Kung meron kayong comment sumbatan nyo ako. Dahil totoo hehehe!!
http://bayanpinoy.wordpress.com/2007/12/19/bakit-mahirap-ang-pinoy/
Hay abg pinoy nga naman