Language and the Heaven-sent story

Language and the Heaven-sent story
Wika at ang Kuwento na Hulog ng Langit
Friend, it’s time to tell a story!
Kaibigan, oras na para magkuwento!
Before you do that, let’s read a short story that has been translated in three languages (Tagalog, English, and Taglish). Three languages, one story. You can choose your language.
Bago mo gawin iyan, basahin natin ang maikling kuwento na isinalin sa tatlong wika (Tagalog, English, at Taglish). Tatlong wika, iisang kuwento. Piliin mo ang iyong wika.
Let the words speak to you. Are you ready?
Hayaan mo na mangusap ang mga salita. Handa ka na ba?
Hulog ng Langit
(Tagalog)
Siya ay sumiyap sa kaniyang tainga at tumingin sa kaniya na may mga matang nagniningning kasama ang pag-asang tulad sa dalisay na bughaw na himpapawid. Kaniyang naramdaman ang kapalaran nang muling pagbuksan nitong pinto nang nagsara ang mga bintana ng langit at napigilan ang ulan ng kawalang pag-asa. Ang lumipas na kakila-kilabot na klima ay wala na. Pumapasok ngayon ang araw ng pagkakataon.
May apatnapung araw na mula pa nang makita niya ang araw ng kapalaran, at kaniyang narinig na mga ilang buwan pa ang dapat magdaan bago ang mga tubig ng lumbay ay kumaunti. Tila binaha siya ng mga balitang malupit na ay malamig pa at nakakabagabag. Nguni’t ang lahat ng ito – ang mga makalangit na paalala, ang pagkawala ng araw mula sa himpapawid, ang halos walang-tigil na marahas na ulan, ang baha na nagdulot ng pagkalunod ng sangkatauhan, at ang nakapagtatakang hiwaga ng dambuhalang barko na nagligtas ng walong tao at mga daan-daang hayop – ay lumikha ng malaking sapantaha na sa kanya. Siya sa ngayon ay isa ng naniniwala sa masamang balita. Hindi iyon dahil sa siya ay nagiginhawaan nito. Siya ay isang mapagmasid, isang saksi, at siya ay nasindak sa kaniyang nakita. Maliban dito, siya ay hindi nakasumpong ng kapahingaan para sa talampakan ng kaniyang paa. Kaya siya ay bumalik sa barko ng walang anomang mabuting balita.
Mga ilang oras na lumipas ang kaniyang matandang kaibigan ay nakatayo na sa karatig na dungawan ng barko at nagpahayag ng isa pang masamang ulat. Iyon ay tungkol sa malaki at nangingintab na itim na ibon, isang uwak. Ang matakaw na uwak ay dapat naghahanap ng tuyong lupa. Ang hinala ng ilan ang ibon ay lumilipad-lipad lamang, marahil kahit karneng bulok na na naglutangan sa mabahong tubig ay kinakain. Oo, ang walang utang na loob na isang iyon noong araw ring iyon ay kaylan ma’y hindi na nagbalik. Yaong uwak ay sa dakong iyon sukat ba namang pabalik-balik lamang, kaylan ma’y hindi na bumalik hanggang ang tubig ay nangatuyo na sa balat ng lupa.
Noong sandaling isalaysay ng lalaki ang malungkot na kuwento mukhang naiintindihan niya na ang isang taong laman, tulad sa uwak, ay nagagalak sa sangdaigdigan, matiyagang pinapakanin ang kaniyang likas na kahayupan, ang makalaman niyang kalibugan. Naaalala rin niya ang dating sandaidigan kung saan siya ay minsang nanirahan. Iyon ay isang mundong madilim kung saan ang kapalaran ay bathala – walang hangad, walang pananampalataya. Walang kabuluhan. Bagkus siya ay nanatiling matatag, hindi naliligaw sa kaniyang sariling paniniwala.
Mabilis na lumipas ang pitong araw. Ang ginintuang araw ay nagpasiyang muling umpisahan ang buhay. Ang mga paunang oras sa umaga ay sariwa, malamig at maliwanag. Nguni’t ang mapagmasid ay lumabas na pagputok ng bukang-liwayway patungo sa malwalhating silangan. Ngayon ang kaniyang pag-asa ay mas malakas na umuusbong. Siya ay hindi nakaramdam ng anumang dalamhati. Siya ay magalak na umilanglang sa malawak na kalangitan. Kahi’t ang biglang hihip ng hangin ay nag-utos sa kaniyang diwa na umilanglang gayon din. Siya ay laging naniniwala na ang paglalakbay sa himpapawid ay nagtuturo kahi’t kanino man ng tunay na pagtanaw sa buhay at lalong magaling na ulirat sa paggawi. Siya ay natuto ring magbago ng landas kapag ang lakas ng kalikasan ay nag-uurong sulong. Pero ngayon na may kaayaayang panahon, siya ay naaliw. Bukod pa, siya ay pinatotohanan nang kaniyang nakita ang tumutubong damo, ang mga pamumulaklak ng mga bulaklak, at ang mga bungang-kahoy na nagsimulang lumitaw. Isang bagong pasimula. A, iyon ay kalugodlugod!
Sa wakas ang gabi ay nagsimulang malaglag, anopa’t napakaliwanag ng buwan, walang matanaw ni isang ulap, at ang mga bituin ay sumayaw ng ubod ng saya, nagkislapan nang mag-init. Siya ay tumigil para masdan at, sa isang sandali, nalugod sa simoy ng mahinahong hangin. Saka siya ay nagbalik sa barko at may dala pang dahon ng olibo. Sa gayon ang kaniyang matandang kaibigan ay malalaman na na ang malamlam na tubig ay nababawasan.
Siya ay bumalik sa kaniyang kaibigan, ang obispo, na gasino pagdaka kikilalaning natatanging tulay na nagdurugtong sa luma at bagong mundo. Ang misyon niya na kasama ang kaibigan ay dakila. At si Noa ay pinagpasalamatan siya. Siya ay ganap na hulog ng langit.
Heaven-sent
(English)
She cooed in his ear and looked at him with eyes gleaming with hope like the clear blue sky. She sensed that chance had once again opened its door when the windows of heaven were closed and the rain of despair was restrained. The previously terrible climate had faded away. Entering now was daylight of opportunity.
It had been forty days since she had seen the sun of chance, and she heard that months must pass before the waters of sorrow would abate. Such news inundated her as being unpleasantly cold and upsetting. But all this – the divine warnings, the nonappearance of sun from sky, the almost never-ending torrential rain, the flood that caused the drowning of mankind, and the baffling mystery of the gargantuan vessel that saved eight humans and hundreds of animals – made a grand impression on her already. She was now a believer of bad news. It was not because she was at ease with it. She was an observer, a witness, and she was appalled at what she saw. Besides, she had found no rest for the sole of her foot. So she went back to the ship without any good news.
A few hours later her old friend stood near the vessel’s window and announced one more bad report. It was about a large and shiny black bird, a raven. The ravenous raven was supposed to look for dry land. It was suspected by some that the bird went flying about, maybe even feeding on carrions that floated on the foul-smelling waters. Yes, the ungrateful one never came back that day. That raven just went forth to and fro, never returned until the waters were dried up from the face of the earth.
The moment he narrated that sad story she seemed to understand that a carnal man, like the raven, enjoys the world, constantly nourishing its animal nature, its fleshly lusts. She also remembered that old world where she once lived. It was a dark world where chance was god – without purpose, without faith. Meaningless. But she had remained steadfast, unswerving in her conviction.
Seven days had passed quickly. The golden sun resolved to start life anew. The first morning hours were fresh, cool and clear. But the observer went out at the crack of dawn toward the glorious east. Today her hope had grown stronger. She felt no distress whatsoever. She joyously soared on the vast firmament. Even the whoosh of the wind had sent her spirits soaring as well. She had always believed that sky travel would teach anyone positive outlook on life and better sense of direction. She had learned to change ways too when the forces of nature vacillate. But now with that pleasant weather, she was consoled. She was further reassured when she saw the growing grass, the flowers blossoming, and the fruit trees that had began to surface. A new beginning. Ah, it was delightful!
At last evening began to fall, so bright was the moonlight, not a single cloud in sight, and the stars danced merrily, glittering in excitement. She paused to watch and, for a moment, took pleasure in the gentle breeze. Then she went back to the ark and brought an olive leaf. So her old friend would know that the murky waters were subsiding.
She returned to her friend, the patriarch, who would soon be known as the sole bridge connecting the old and the new world. Her mission with him was magnificent. And Noah was thankful for her. She was absolutely heaven-sent.
Padala ng Heaven
(Taglish)
She cooed in his ear at tumingin sa kaniya na may mga matang nagniningning with hope like the clear blue sky. She sensed that chance had once again opened its door nang nagsara ang windows ng langit at napigilan ang ulan ng despair. The previously terrible climate ay wala na. Pumapasok ngayon ang daylight of opportunity.
It had been forty days since makita niya ang araw ng kapalaran, at kaniyang narinig that months must pass before ang waters of sorrow ay kumaunti. Tila binaha siya ng mga balitang malupit na cold and upsetting pa. But all this – ang mga divine warnings, ang pagkawala ng araw from sky, ang halos walang-tigil na torrential rain, ang flood that caused the drowning ng mankind, and ang nakapagtatakang mystery ng dambuhalang vessel na nag-saved ng eight humans and hundreds of animals – made a grand impression sa kanya already. Siya sa ngayon ay isa ng believer of bad news. Hindi iyon dahil she was at ease with it. She was an observer, isang saksi, at siya ay nasindak sa kaniyang nakita. Besides, she had found no rest para sa sole ng kaniyang paa. So she went back to the ship ng walang anomang good news.
A few hours later her old friend ay nakatayo na near the vessel’s window and announced one more bad report. It was about a large and shiny black bird, isang uwak. Ang matakaw na uwak ay supposed to look for dry land. Ang hinala ng ilan the bird went flying about, marahil kahit karneng bulok that floated on mabahong tubig ay kinakain. Yes, ang walang utang na loob na isang iyon never came back that day. That uwak just went forth pabalik-balik lamang, never na bumalik hanggang ang tubig ay dried up na sa face of the earth.
The moment he narrated that sad story mukhang naiintindihan niya na ang isang taong carnal, like the uwak, enjoys the world, matiyagang pinapakanin ang kaniyang animal nature, ang kaniyang fleshly lusts. She also remembered ang dating world where she once nanirahan. It was a dark world kung saan ang chance ay god – walang purpose, walang faith Meaningless. But she had remained matatag, hindi naliligaw sa kaniyang conviction.
Mabilis na lumipas ang seven days. The golden sun ay nagpasiyang muling umpisahan ang buhay. Ang first morning hours ay fresh, cool and clear. But the observer went out pagputok ng bukang-liwayway patungo sa glorious east. Ngayon ang kaniyang hope ay mas malakas na umuusbong. Siya ay hindi nakaramdam ng distress whatsoever. Siya ay joyously na umilanglang on the vast kalangitan. Even the hihip ng hangin ay nag-utos sa kaniyang spirits na umilanglang as well. She had always believed that ang sky travel ay nagtuturo kahi’t kanino man ng positive outlook on life and better sense of direction. Siya ay natuto ring magbago ng landas kapag ang forces of nature ay nag-uurong sulong. Pero ngayon na may pleasant weather, siya ay naaliw. Bukod pa, siya ay reassured nang kaniyang nakita ang tumutubong grass, ang mga pamumulaklak ng mga flowers, and the fruit trees na nagsimulang lumitaw. Isang new beginning. A, iyon ay delightful!
At last evening began to fall, anopa’t napakaliwanag ng buwan, walang matanaw ni isang cloud, at ang mga stars ay sumayaw ng ubod ng saya, nagkislapan in excitement. She paused para masdan and, for a moment, nalugod sa gentle breeze. Then she went back sa barko at may dala pang dahon ng olive. So her old friend would know na ang murky waters were subsiding.
She returned to her friend, ang obispo, who would soon be known as the sole bridge connecting the old and the new world. Ang mission niya with him ay magnificent. At si Noah ay thankful for her. Siya ay absolutely padala ng heaven.
STANDPOINT
At this point in time the Philippines have 170 languages. We can’t all become linguists, but we can surely learn more about our language. Come to think of it, we have 3 languages (Tagalog, English, Taglish) that help us express ourselves. Although these languages differ in expressions, still we must do our best to communicate clearly with all men.
Language makes a nation. Language is absolutely heaven-sent.
KATAYUAN
(Tagalog translation of Standpoint)
Dito sa panahon natin ang Pilipinas ay may 170 na wika. Hindi lahat sa atin ay magiging bihasa sa iba’t ibang wika, pero ang totoo ay maaari nating mas higit pang mapag-aaralan ang ating wika. Kung iisipin natin, tayo ay may tatlong wika (Tagalog, English, Taglish) na tumutulong sa atin para maihayag ang ating mga sarili. Bagaman ang mga wikang ito ay magkakaiba sa pamamahayag, dapat pa rin nating pagbutihin ang pakikipag-usap ng malinaw sa lahat ng tao.
Ang wika ay lumalalang ng nasyon. Ang wika ay ganap na hulog ng langit.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa“
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia





natuwa ako sa Taglish version…
Darang Sisa: thanks for reading & I’m glad you like d the Taglish version of Heaven-sent