Aral ng Kasaysayan

Ang mga hibla ng pangunahing ugat ng puno ang siyang nagpapatibay ng tayog nito. Kung gaano niya sasalubungin ang unos na dumating, ay nakasalalay sa kapit ng mga ugat nito pababa sa lupa. Ngunit kapag nalihis ang direksyon nito pataas, hihina ang lakas nito at malamang ito’y mabuwal.

Sa isang progresibong bansa, maliit man o malaki, ang pagkakaisa ay ang pangunahing batayan ng tatag at tibay nito.

Maraming Diyalekto

Kung nakilala ang Pilipinas sa dami ng isla, isa rin tayo sa mga bansang may maraming diyalekto.

Kung isa kang estranghero at babagtasin mo mula Batanes hanggang Jolo, malamang malilito ka sa iba’t-ibang salita ng mga Pilipinong katutubo.

Marahil ay dahil na rin sa mga stratehiyong lugar na naghihiwalay sa bawat isla kaya nagkaroon ng maraming diyalekto ang ating mga ninuno.

Hindi rin natin maiwasang isipin na ang pagkakaroon ng pagkakaiba at sanga-sangang aspeto ng pakikipagtalastasan ang marahil isa sa mga dahilan kung bakit tumagal ng halos 400 taong pananakop sa atin ng mga dayuhan noong unang panahon. Ang hindi pagkakaroon ng isang pangunahing wika ang naging dahilan para naging madali ang pananakop ng mga dayuhan at tuluyang isinuko ng ating mga ninuno ang karapatan nating angkinin ang sariling atin. Paano nga namang makipag tulungan at magkaisa ang ating mga ninuno kung sila mismo ay walang paraan para magkaintindihan.

Tulad ng bansang India na may marami ring lenguahe, naging madali ang pagsakop ng mga Britanya na tumagal ng maraming taon. Ang bansang Tsina na dumaan din sa maraming pag-aalsa ng mga Tsino laban sa pamamalakad ng kanilang bansa.

Ang mga magulong bansa gaya ng Afghanistan, East Timor at Laos na hanggang ngayon ay balakid pa rin ang pagkakaroon ng maraming diyalekto at wika.

Ang lugmok sa kahirapang Congo, Kenya, Nigeria at Pakistan na may maraming wika ngunit mabagal ang progreso ng kanilang ekonomiya.

Sa ating kasaysayan, umiral ang pagiging rehiyonalismo ng ating lahi. May kanya-kanya silang pinuno at pamamaraan ng pamumuhay alinsunod sa kung ano ang nararapat sa kanilang nasasakupan. Walang konkretong pamamalakad at walang pinuno sa buong kapulungan ng Pilipinas kaya’t madaling nasakop ng mga banyaga.

Gustuhin man ng ating mga ninuno na umaklas sa mga dayuhan sa unang bugso ng mga mananakop sa ating bayan, ngunit walang nagawang paraan an gating mga ninuno para pagkakaisa dahil sa depektong komunikasyon ng bawat pinuno ng mga tribu at balangay bunsod ng pagkakaibang diyalekto. Ito marahil ang pangunahing dahilan kung bakit bigo silang makamit ang kasarinlan at tuluyang naging alipin ng mga dayuhan.

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, naging madali sa kanila na tuluyang baguhin ang sistema ng ating lipunan. Unti-unting nabago ang buhay sosyolohikal ng ating mga ninuno sa pagyakap nila ng panibagong kultura na nagpabago sa kanilang kamalayan at nagpatuloy hanggang sa mga sumunod na salinlahi.

Isang Sariling Wika

Hanggang sa pangunahan ni Pangulong Quezon ang pagkakaroon ng isang wika na magbubuklod sa sambayanang Pilipino. Isang wika na magbibigay daan sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino saan mang sulok ng bansa. At dahil dito, umusbong ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bawat isa. Nabawasan ang rehiyonalismo’t pagkamakasarili. Unti-unting nadarama ang tibay ng pagkakaisa ng bawat Pilipino. Nagkaroon ng unawaan sa isa’t-isa na siyang naging bantayog ng pagiging isang malayang bansa.

Maraming Wika

Ngunit sa larangan ng pag-unlad at lalo na sa kalakalang pandaigdigan, hindi sapat ang sariling wika lamang para mabilis ang asenso ng isang bansa. Ang maraming kaalaman sa wikang banyaga ay may adbentahe sa pakikikisalamuha sa mga taga ibang bansa.

Mahirap man gawin, pero napatunayan na rin, kabilang si Gat. Jose Rizal, na kahit may sarili tayong wika, ang kaalaman ng ibang wika ay pasaporte sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa.

Tunay na matatag ang isang bansa kung sa maraming diyalekto ay may nabubukod tanging wika. Ito ang pangunahing ugat na siyang nagpapatibay sa bantayog ng kanilang sariling lipunan. At ang kaalaman ng iba’t ibang lenguahe ay nagbibigay panibagong hamon sa isang matatag at progresibong bansa.

http://www.pinoyblogosphere.com/wika2007/”>PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”

Sponsored by:
http://www.tinig.com/”>Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa http://www.digitalfilipino.com/”>DigitalFilipino.com Club
http://sheeromedia.com/”>Sheero Media Solutions – Web Design and Development
http://www.yehey.com/”>Yehey.com> – Pinoy to p’re
http://www.mb.com.ph/”>The Manila Bulletin Online
http://www.wikipilipinas.org/”>WikiPilipinas>: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

8 Responses to “Aral ng Kasaysayan”
  1. sisigman says:

    You don’t get it do you? That the MARAMING WIKA is referring to Philippine languages, not foreign ones?

    Eliminating other languages/dialects for the sake of nationalism is the Westerner’s way. This goes to show the “European mentality” of Filipinos.

    Nation-building should integrate cultures into one, not kill the thousands in order for one to prosper.

  2. Cut the kid some slack. Let the judges decide on his entry instead.

  3. don says:

    hi sisgman… baka ikaw ang hindi ma-gets..

    Wika is language..not dialect….

    The point is… you should learn to speak, learn and familiarize with more foreign languages which could be an asset for globalization of your motherland…

  4. lyra says:

    Yak ewww!!!!!

  5. Hannah says:

    Dapat iyong wika ay iyong gamitin, wag kang mahiya na gaitin itong wika…

    dapat mo ring malaman
    wikang ingles
    para makausap
    ang
    taga ibang
    bansa….

    THANKYOU!!!!! AND

    GOD BLESS!!!!!!

  6. roman benedict feliciano says:

    Mga dahilan ng madaling pagsakop:
    May 600 sundalong Espanyol lamang ang bumubuo sa hukbong sumakop sa Pilipinas,hindi kabilang ang mindanao at sulu.Ang sumusunod ay mga dahilan kung paano nagawang sakupin ng maliit na pangkat ang buong Luzon at Visayas:
    *1) Walang pagkakaisa ang mga Pilipino noon kahit na pinamumunuan ng kanilang datu o hari ang bawat katutubo.Wala silang pambansang institusyon tulad ng pamahalaan.Hiwahiwalay ang mga tribo at may sariling kalayaan.Ang isang baranggay ay ginagamit ng mga Espanyol upang sakupin ang ibang baranggay.Ang mga Pilipino ay pinag away away nila.Isang halimbawa nito ay ang pag sama ng Panay na mandirigma kay Martin De Goiti sa labanan ng Bangkusay.
    *2)Ang mga Pilipino ay walang pinuno na may malakas na sandatahan di tulad ng mga pinunong Espanyol gaya nina Legaspi,Goiti at Salcedo.Maliban sa laban ni Lapu-Lapu ay walang nagtagunpay na laban ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
    *3)May malakas na armas ang mga Espanyol tulad ng kanyon,arkebus at espada ang kanilang disiplina sa nga labanan ay nakatulong din.

  7. roman benedict feliciano says:

    1.Walang pagkakaisa ang mga pilipino noon kahit na pinamumunuan ng kanilang datu o hari ang bawat katutubo.
    2.Ang mga pilipino ay walang pinuno na may malakas na sandatahan.
    3.May malakas ng armas ang mga Espanyol tulad ng kanyon,arkebus at espada.
    4.Maraming pagkakahawig ang Kristiyanismo sa mga katutubong relihiyon.
    5.Humanga ang mga katutubo sa paraan ng pamumuhay,gawi at kaugalian ng mga Espanyol na unang natutuhan ng kanilang pinuno…………………………………………………………………..:)

  8. roman benedict feliciano says:

    Xelle Joi ヅ Cullen September 19 at 1:37pm
    Mga dahilan ng madaling pagsakop:
    May 600 sundalong Espanyol lamang ang bumubuo sa hukbong sumakop sa Pilipinas,hindi kabilang ang mindanao at sulu.Ang sumusunod ay mga dahilan kung paano nagawang sakupin ng maliit na pangkat ang buong Luzon at Visayas:
    *1) Walang pagkakaisa ang mga Pilipino noon kahit na pinamumunuan ng kanilang datu o hari ang bawat katutubo.Wala silang pambansang institusyon tulad ng pamahalaan.Hiwahiwalay ang mga tribo at may sariling kalayaan.Ang isang baranggay ay ginagamit ng mga Espanyol upang sakupin ang ibang baranggay.Ang mga Pilipino ay pinag away away nila.Isang halimbawa nito ay ang pag sama ng Panay na mandirigma kay Martin De Goiti sa labanan ng Bangkusay.
    *2)Ang mga Pilipino ay walang pinuno na may malakas na sandatahan di tulad ng mga pinunong Espanyol gaya nina Legaspi,Goiti at Salcedo.Maliban sa laban ni Lapu-Lapu ay walang nagtagunpay na laban ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
    *3)May malakas na armas ang mga Espanyol tulad ng kanyon,arkebus at espada ang kanilang disiplina sa nga labanan ay nakatulong din.
    *4)Maraming pagkakahawig ang Kristianismo sa nga katutubong relihiyon.Iilan sa mga ito ay ang pananalig sa isang makapangyarihang Diyos,paniniwala sa mga ispiritu at sa kapangyarihan ng nananampalatayang ninuno.Ito ay naging dahilan upang madaling niyakap ng mga katutubong Pilipino ang kristiyanismo,nanaging sanhi nkaya madaling silang napasuko ng mga espanyol.
    *5)Humanga ang mga katutubo sa paraan ng pamumuhay,gawiat kaugalan ng mga Espanyol na unang natutunan ng kanilang pinuno.Ito ay nagbunsod upang maenganyo silang sumunod din sa mga dayuhan.Dahil dito,naging mas madali ang kanilang pagsunod sa mga Espanyol.

    Roman Benedict M. Feliciano.
    I-C Roxas

    Ang pinag mulan ng kodla ng mga ifugao:
    Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na
    nangngangalang Cabigat at Bugan. Sila ay masasaya dahil marami silang
    nakukuhang pagkain at mga hayop. Isang araw lumabas si Cabigat upang
    mamasyal na karaniwag isinasagawa sa mga kalapit na nayon. Habang sila’y
    wala, inilabas ng kanyang asawang si Bugan ang kanyang panghabi upang
    humabi ng isang tapis. Noong dakong hapon, isinampay niya ang natapos na
    tapis sa silong ng bahay. Sila,y nagbayo ng palay para sa hapunan at agahan.
    Sa ambato, naisipan ni Puwek, ang bathala ng bagyo, na mamasyal sa mga
    kabundukan, burol at lambak. Sinimulan niya ang kanyang paglalakbay sa
    pamamagitan ng pagdaraan sa ilang nayon hanggang sa makarating siya sa
    Lamut. Isa itong mapanirang paglalakbay dahil sa lahat ng naraanang mga
    punongkahoy at pananim ay walang awang nasisisra. Ang panghabi ni Bugan ay
    tinangay din at nasira, ata ang palay na kanyang binayo ay kumalat sa lupa. Ang
    kaawa-awang si Bugan ay umiiyak na napaupo samantalang nagdaraan ang
    nagngangalit na hangin. Pagkatapos ng bagyo, si Cabigat ay umuwi.
    Subalit ano ang kanyang nakita? Nakita niyang ang lahat ng kanyang mga
    punong namumunga ay nabuwal at ang panghabi at palay ay nakakalat sa lupa.
    Namamaga rin ang mga mata ni Bugan dahil sa pag-iyak. Walang kibo si
    Cabigat. Wala siyang masabi kahit isang salita dahil sa ang laman ng kanyang
    puso ay pulos pagkagalit. Matapos na minsan pang pagmasdan ang naging
    masamang kapalaran, madamdaming nasabi ni Cabigat na “Bakit, sino ang
    gumawa ng lahat ng ito?’
    Dahan-dahang itinaas ni Bugan ang kanyang ulo at sumagot, “Dumating sa
    hapong ito si Puwek at walang awing ibinuwal ang lahat n gating mga
    namumungang puno, sinira ang aking panghabi at ikinalat ang lusong.
    Sumisisgaw ako sa pagmamakaawa ngunit hindi niya ako pinakinggan.
    Tulad ng isang ulol na leon, pumasok sa bahay si Cabigat at kinuha ang
    kanyang sibat at palakol. Nagbalot siya ng ilang pandikit at nanaog. At saka
    sinabi sa kanyang asawa, “Bugan dumito ka sa bahay at alagaan ang naiwan
    nating aria-arian. Susundan ko si Puwek, ang bathalaa ng bagyo. Nais
    ipaghiganti ang lahat ng paninirang kanyang dinala sa ating masayang tahanan.”
    At pagkatapos ay di naghintay ng kasagutan, si Cabigat ay nagsimula sa
    kanyang mapanganib na paglalakbay.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .