Maraming Wika, Matatag na Bansa

Noong una kong marinig ang temang “Maraming Wika, Matatag na Bansa” ay naguluhan na agad ako. Paano ba naman magiging matatag ang isang bansa kung sa wika palang ay wala ng pagkakakaisa. Inisip kong maaring nagkamali lang ako ng dinig. Ilang saglit pa ay napaisip ako muli. Hindi ba talaga tayo pwedeng maging matatag sa likod ng mapait na katotohanang hindi tayo nagkakaisa sa isang wika? Kung noo’y ito ang ating sinisisi sa ating mabagal nating pag-unlad, hindi ba natin itong pwede gawing instrumento sa pag-unlad? Mahirap naman sigurong ibalewala ang ilan sa mga wikang ito sapagkat naging bahagi na ito ng ating kultura. Para sa akin, tila bang “parinig” o “tawag” ang dating nito. Parinig na hindi raw naririnig ng mga nagbibingihan; parinig na dapat aksyunan ng natatamaan.

Tama rin naman ako, bakit hindi natin ito gamiting instrumento sa pag-unlad? Ngunit kung papaano ang unang pumapasok sa isip niyo, kung tama man ako. Isipin niyo nalang, paano niyo ginagawan ng paraan ang mga bagay na nais niyong mangyari? Dyan naman tayo magaling di ba, sa paggawa ng paraan. Hamak na man na mas madali kung ninanais natin ito. Sa tingin ko, ang pagnanais lang na ito ang wala sa atin. Ang ilan sa atin ay masyado na siguro naging makasarili at hindi na natin naisip ang mga bagay na ito.

Kung tayo’y magkapitbisig patungo sa iisang layuning aksyunan ang tawag na ito ay siguradong magtatagumpay tayo. Huwag na nating hayaang maging hadlang ito sa ating ikauunlad. Tayo nalang ang gagawa ng paraan kung papaano nga ba. Kababayan, alam kong natin itong aksyunan. Kababayan, umaksyon ka! Pilipinas, umunlad ka!

PBS Wika2007 Badge

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

author’s blog

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .