Commercial Break: Smooth-E Strikes Back
Aoi, the hilarious “transsexual” spokesperson of Smooth-E skin care products in Thailand is back with a vengeance. This time, she gets to touch the lives of seven teenagers with different problems, all of which can be solved with a quick rinse of the bubble-free face wash.
Only three commercials are featured in this post. I can’t find the rest kasi. Watch it after the jump…

Promise!
How to make a paper boat
The other day my eldest son approached me with a piece of paper torn off an old notebook and said – “Mommy gawa mo ako ng boat?” (Mommy can you make me a paper boat?).
I knew that it was easy as I have always been able to make one before when I was young so I eagerly took the paper from him and sat down to start folding.
I stopped and thought for a while. Then I turned the paper around… as if turning it around will suddenly make me remember how to make a paper boat.
I looked at my kid and smiled sheepishly. I realized I couldn’t remember how to make one. He was grinning at me when he said – “Di ka marunong gumawa ng boat?” (You cant make a paper boat?)
Silip sa Wika

Silip sa Wika
ni Raymund Salumbides
Isang malaking pribilehiyo para sa akin ang magsulat ukol sa tema ng selebrasyon ng Wika 2007 na “Maraming Wika, Matatag na Bansa” o “A gift of tongues for a strong nation”. Para sa akin, ang pagsusulat ng “blog entry” ay parang Wika. Ito’y dapat binibigyang-pansin dahil mahalaga ang nilalaman, ito’y dapat palaganapin dahil maraming impormasyon ang maibibigay nito sa atin at dapat natin itong panatilihin dahil maaari natin itong ipasa hanggang sa susunod na henerasyon.Base sa talumpati ni G. Ricardo Ma. Nolasco Ph.D, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang wika ay dapat maging sentro ng kapantasan sa literatura ng mga Pilipino. Ang wika ay dapat pagtibayin maging ito man ay ang wikang pambansa, katutubong wika o wikang pang-banyaga. Ang wika ay dapat itinuturo sa mga kabataan dahil may karapatan silang magkaroon ng kaalaman tungkol sa wika. Masasabi ko rin na ang wika ay mahalaga dahil ito ay para sa edukasyon ng ating mamamayan, pagkakakilanlan ng bansa, pakikipagdebate sa loob at labas ng bansa, sa pag-unlad ng ekonomiya at syempre, para sa ikagaganda ng midyum nating mga Pilipino. Ayon sa pag-aaral ko ng Filipino noong unang taon, sinasabi na ang wika ay pinipili at isinasa-ayos, ang wika ay arbitraryo, ang wika ay nakabatay sa kultura, ang wika ay makapangyarihan, ang wika ay may antas, ang wika ay may halong pulitika, ang wika ay buhay, at ang wika ay pantao
Alam natin na ang Pilipinas ay may humigit-kumulang 170 wika na bumabalot sa pitong libo isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig kahit na alam natin na halos lahat dito ay pawang mga dayalekto lamang. Sa ngayon, ang mga ito’y unti-unti nang napapabayaan dahil sa pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Philippine English. Isa pang kaalaman, maraming mga Pilipino ang hindi alam kung paano magsalita ng Tagalog dahil karamihan sa kanila ay hindi ito ang kinagisnang lenggwahe. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan, ang Filipino. Bawat isang tao sa buong mundo ay hindi lamang iisa ang alam na wika. Ito’y napatunayan ng ilang pag-aaral na ginawa ng mga dalubhasa sa wika. Isang magandang halimbawa ng taong dalubhasa sa wika ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Siya ay nakapagsasalita ng wikang Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga panlokal o katutubong wika ng Pilipinas.
Gaya ng sinabi ko, ang wika ay may kaantasan at ito’y nahahati sa 4 na parte:
Pambansa – ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang Ingles at Wikang Filipino.
- Kolokyalismong Karaniwan – Ginagamit na salita na may “Taglish”
- Kolokyalismong may Talino – Ginagamit sa loob ng Silid-Aralan/ Paaralan
Panlalawigan – Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal / Balbal – pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. Ito’y nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. (Salitang Kalye)
Pampanitikan – wikang sumusunod sa batas ng Balarila at Retorika.
Isang magandang ideya ng pagpapaunlad ng 2 opisyal na wika ay ang gawing tulay ang lokal/katutubong wika upang matutuhan ang Inggles at Filipino. Ang paggamit ng wikang masama sa pandinig ng mga bata ay hindi makatutulong sa kanila dahil wala itong sapat na impormasyon na magsasabing ito’y makabubuti sa kanila at sa kanilang pag-aaral ng akademiks kundi, mas mapapasama lang sila.
Kapag ang isang tao ay nagsasalita ng Filipino at ang kausap nito’y nagsasalita ng Tagalog, sila ay marahil nagkakaintindihan. Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika ngunit para sa ibang tao, sila’y magkaiba. Kung ganon, sila’y nagsasalita ng iisang wika. Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay ang mga mapagpasyang batayan at katwiran ng wikang Filipino.
May mga nagsasabi na ang wika ay mapagpasya o mahirap desisyunan sa pagbubuo ng isang bansa pero bakit marami sa atin ang binabalewala lang ang mga ito? Pinapahayag nito na maraming Pilipino ang umaasa sa ibang tao kahit na alam nila na di lahat ay tutugon sa kanilang adhikain. At panghuli, gaya ng sinabi ni G. Ricardo Ma. Nolasco sa pahayag ng isang katutubong Amerikano tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay na kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon.
*waKas*
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Si Bisoy, sa hamon ng maraming Wika
Nananalaytay sa kanyang dugo ang pagiging laking- Mindanao… Patuloy sya sa paglaki… Patuloy sa pag-unlad… Sa bawat araw ng kanyang paghinga, sa patuloy na pagtahak ng kanyang paglalakbay; ay tuloy sa paglawak ang kanyang kaalaman.
Noong sya’y musmos pa lang hanggang tumuntong sa eskwela, maraming nagbago sa kanyang isipan. Sa kanyang araw- araw na pakikisalamuha, sa pagkawalay nya sa pamilya at sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay.
Mahalaga ang ambag ng wika sa kanyang pag-unlad. Sa kanyang lupang sinilangan, nakagisnan niya ang wikang Bernakyular. Sila na naituring na mga Bisaya. Hanggang sa pagtapak nya sa elementarya, unti-unti nyang natutunan ang salitang Tagalog. At nagiging bihasa sa Ingles nang nasa sekundarya at kolehiyo.
Sa tatlong wikang meron sya, sa anking kakayahang makisalamuha sa ibat-ibang tao, sa anumang sitwasyon; Malaya nyang naipapahayag ang sarili nyang saloobin, makipagpalitang- kuro at maghatid sa iba ng kaalaman.
Kakaiba sya sapagkat kaya nyang makipagsabayan sa anumang agos ng buhay.
Ang papel ng iba’t- ibang wika sa kanyang buhay ay patuloy sa pag-iba. Ang pagbabagong ito ay produkto ng lumalawak nyang kaisipan. Kasabay sa pagbabago na ito, nagbago ang paraan ng kanyang pamumuhay at ang kanyang kapaligiran.
Sa sobrang pagnanasang makipagsabayan sa lahat, dala na rin ng hindi pa ganap na kamalayan, hindi maitatangging malaki ang kontribusyon ng mga wikang meron sya. Ito ang gumabay sa kanyang tagumpay.
…At ito ang tunay na sukatan sa isang matatag na bansa sapagkat ito’y matatamo sa pagyaman at aktibong karunungan na nagsisimula sa kanya-kanyang karunungan ng ibat-ibang wika.
Hindi kailanman maitatangging nakasalalay sa maraming wika ang pagkakaintindihan ng mga Pinoy, anumang relihiyon on saanmang rehiyon. Hindi kailanman napupusyawan ang kahalagahan ng nakagisnang salita, ang wikang Bernakyular sapagkat dito ka namulat. Ang pagsasalita ng Tagalog ay higit na kailangan upang makipagpalitan ng pahayag saang panig ka man ng bansa. At ang wikang Ingles ay syang nagging daan upang makipagsabayan sa ibat- ibang panig ng mundo.
Pilipino, yaman din lamang na maraming wika meron tayo, ano pa ang hinihintay mo. Paunlarin nang husto ang ating bansa, sa pakipagsabayan sa mundo, para sa atin at sa mga susunod pang salinlahi.
Si Bisoy, isang halimbawa… Bisaya, laking- Pinas, isang nurse sa Canada; nagtagumpay.. Isang Pilipino…
I’m No Beauty, So Don’t Expect Me To Be
It always annoys me whenever some guy pretending to be smart and funny and a gentleman, who hasn’t seen me yet, tells me this one line:
I don’t care about your looks.
Ahh. Never fails to earn my ire, really. One word, though: overrated.
Or, the not-so-subtle one: LIAR!!! *imitates Elle Woods in Legally Blonde*
Makabagong Teknolohiya, Pati Pag-ibig Napabilis Na
Sa panahon ngayon, napakabilis na talaga ng pag-ibg, lalo na sa mga kabataan. Bakit hinde? Makinig ka lang sa radio ngayon.. mga awitin ngayon talagang kahit ayaw mo pang mainlab, parang gusto mong mainlab, at masasabi mo pa habang nakikinig…”Hay..nakaka-inlove…” at ayun, parang gusto mo na ding mainlab. Wala naring pinagkaiba pagdating sa mga palabas sa telebisyon. Panay ang tema ay tungkol sa pag-ibig, lalo na sa pag-iibigan at pagkakaroon ng relasyon ng mga kabataan. Kaya tuloy, nakadaragdag ito ng malisya sa isipan ng mga tao. Ang tingin ng mga kabataan sa kapwa nila kabataan ay yaong bilang gustong maging kasintahan, hindi bilang kaibigan.
At sabay pa nito, ang pag-uso ng mga celphone, unlimited text. Kaya makita mo mga kabataan.. teks dito, teks doon. Napabilis na nito ang komunikasyon ng mga tao, at sa panahon ngayon ang mga iba’y ang panliligaw at pagiging nilang mgakasintahan ay sa teks nalang lahat. Napakabilis na ng pag-ibig. Ngunit kung gaano kabilis dumating ang pag-ibig sa mga kabataan, ganun din kabilis mawala. Ang dahilan, hindi kasi ito talagang tunay.
Ang mga iba’y umiibig (kuno) dahil lang sa itsura ng tao o di kaya’y sa pansarili nitong hangarin gaya ng para masabing siya’y may kasintahan na o maaring para matugunan lang ang kanyang pantasya.
Kay kayong mga kabataan, wag pairalin ang kapusukan ng inyong damdamin. Hindi ko naman sinasabing bawal ang magmahal ngunit wag sana kayong padala o pahulog sa mali at hindi totoong pagmamahal. Batid ko naming alam niyo ang syang tama at mali. Ang puso at ang isip ay dapat laging sabay nating gamitin sa lahat na atign mga gagawin at pagpili sa anong siyang tama.
Ano nga ba ang tunay na pag-ibig? Hayaan niyong sabihin ko sa inyo ang tunay nitong kahulugan.
Ang pag-ibig ay matyaga, at magandang loob, hindi mapagmataas, o nagmamapuri, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi ito kinatutuwa ang gawang masama, ngunti ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapatiwala, puno ng pag-asa at higit sa lahat, nagtya-tyaga hanggang wakas.
Wika at Musika
“Bahay kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari…” Marahil ay inawit mo ang mga titik sa loob ng panipi sa halip na basahin ito. Ganyan nga ang wikang Filipino. Ito ay musika na kumukuliling at gumigising sa nahihimbing na kamalayan ng isang lahi. Sa pitong libo isaang daan at mahigit na isla sa ating bansa, tayo ay nabiyayaan ng isang daan at mahigit na wika. Kung ating iisipin, hindi lamang sa likas na yaman mayaman ang ating bansa kungdi maging sa mga katutubong lenggwahe rin. Narining mo na ba ang “Manang Biday” ng mga Ilokano? E ang “Ano Daw Idtong Sa Gogon” ng mga Bicolano? Aba, sigurado akong nadala kayo ng “Atin Cu Pung Singsing” ng mga Pampango. Iba-iba man ang dayalekto, nagkakaisa naman sa pagiging maka-Pilipino.
Marahil kayo ay nagtataka kung bakit ko iniuugnay ang ating wika sa musika. Sa panahon ngayon kung saan Ingles ang pangunahing wika na ginagamit sa buong mundo, hindi kataka-taka na mas piliin ng isang Pilipino na pagsunugan ng kilay ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Minsan akong kumain sa isang “fast food chain” kasama ang aking kaibigan. Sa aming likuran ay may grupo ng mag-aaral na nagkukwentuhan. “Have you heard about the concert of APO Hiking Society this Saturday? Man, I’m so eager to watch that concert.” Nagtataka ako kung bakit nag-Iingles ang mga estudyante samantalang sila ay nasa Pilipinas. Iniisip ko kung sila ba ay nagyayababang sapagkat matatas silang magsalita ng wikang banyaga o baka naman hindi lang talaga sila sanay sa ating wika. Kung titignan naman ang panlabas nilang kaanyuan, hindi sila nalalayo sa isang tunay na Pilipino. Ngunit ako ay nagulat sapagkat sa halip na pag-usapan ang mga bagay tungkol sa Kanluran ay mas pinili pa nilang talakayin ang tungkol sa nalalapit na pagtatanghal ng APO Hiking Society. Oo, isang banda na binubuo ng mga Pilipino na nagbibigay-aliw sa pamamagitan ng pag-awit ng mga kanta gamit ang sarili nating wika.Ganyan nga ang nais kong ipahiwatig sa unahan pa lamang ng sulating ito. Makapangyarihan ang wikang Filipino. Labis akong nagagalak sapagkat sa kasalukuyan ay mas nanaisin ng isang Kabataang Pilipino na tangkilikin ang ating musika kaysa sa musikang banyaga. Ang pagsulpot ng iba’t-ibang banda na ang iba pa nga ay nagbigay karangalan sa ating bansa ay siyang patunay ng ating pagpapahalaga sa sarili nating musika at wika. Hindi ba’t sa tuwing makakarinig tayo ng orihinal na musikang Filipino ay tila may kumukurot sa ating puso at kung minsan pa nga ay nagbibigay ito ng pag-asa sa bawat isa sa atin? Ganyan nga ang wikang Filipino. Pumapaindayog sa diwa ng sinumang makakarinig nito, tunay na maipagmamalaki saan mang sulok ng mundo.
“Hoy! Mas marami nga kaming wika, matatag naman kami!!!”

Nung una, para sa ‘kin, mukhang mali yata’ yung “Maraming wika, Matatag na Bansa”. Paano nga naman magiging matatag ang isang bansa kung sa dami ba naman ng wika nito, eh hindi na magkaintindihan ang mga tao rito. At matapos naman ang pahirapang pagpiga ko sa utak ko at pagpilit sa mga ka-eskwela kong intindihin ‘yung theme na ‘yon, nakuha ko na rin ang nais iparating ng theme ng buwan ng wika ngayong 2007. Pa’no nga ba magiging matatag ang Pilipinas sa pagkakaroon nito ng maraming wika?
Unang pumatak sa utak ko at sa ilang napagtanungan ko, ay ang pagkakaroon natin ng maraming wika, ay pagkakaroon din natin ng marami at iba’t-ibang kultura. Kung papansinin ang istraktura o ang itsura ng bansa sa mapa, mapapansing parang ibinuga lang ng karagatan ang Pilipinas dahil sa kalat-kalat nitong itsura. Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga isla sa bansa ay isang dahilan kung bakit nagkaroon ng marami at ng iba’t-ibang wika ang Pilipinas. At ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika ang nagdudulot ng pagkakaroon din ng Pilipinas ng iba’t-iba at ng maraming kultura. Syempre, kung sinu-sino lamang ‘yung mga nagkakaintindihan ay sila-sila lamang din ang bubuo at ang lilikha ng sarili nilang mga tradisyon at kultura. Gets?
Kung mayaman tayo sa iba’t-ibang kultura na nakasabog sa buong kapuluan, ibig-sabihin n’yan, tataas ang turismo sa bansa. Sa dahilang iba’t-ibang kultura at tradisyon ang maaaring makita ng mga turista sa bawat kapuluan o lugar na nais nilang bisitahin sa bansa, maaaring tumaas ang turismo sa Pilipinas. At ‘pag tumaas ang turismo sa bansa, tataas din ang ekonomiya nito at dahil dyan kaya tatatag ang bansa. Kapag mataas ang ekonomiya ng bansa, kaya na nating makipag-karera sa ilan sa mga pinakamayamang bansa sa mundo tulad ng U.S.A., Japan, at South Korea…posible, kung patuloy nating susuportahan, pangangalagaan, at pahahalagahan ang ating wikang pambansa at ang iba’t-iba pang wika sa bansa.
Sumunod naman, sa kabila ng katotohanang marami at iba-iba nga ang mga wika sa Pilipinas, ay nagiging matatag pa rin tayo. Kung iba’t-iba ang wikang ibinibigkas ng mga dila ng mga tao sa isang bansa, paano nga naman magiging matatag ang bansang ‘yon kung sa wika pa lang eh hindi na sila nagkakaintindihan? Isang malinaw na halimbawa ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa tore ng Babel na pilit pinataas ng mga tao hanggang sa nagka-iba-iba na sila ng salita at hindi nagkaintindihan, sa huli, hindi rin natapos ang tore. Gayunpaman, nananatili pa ring matatag ang Pilipinas at pilit pa rin nitong itinatayo sa mundo ang sarili nitong bandila. At dahil sa pambansang wika natin, masasabi kong kahit na nagkakaiba-iba tayo sa wika, prinsipyo, at opinyon, nagkakaisa pa rin tayo sa iisang layuning makita ang sarili nating bansang maunlad.
Bilang konklusyon sa medyo maikli (maikli nga ba?) kong entry sa Wika2007, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng maraming wika ay hindi lamang palamuti sa bansa na kayang ipagmalaki tulad ng “Hoy! Mas marami kaming wika!”, kundi, pwede ring “Hoy! Mas marami nga kaming wika, matatag naman kami!!!”.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Alitaptap.

Naisip kong sumulat sa Ingles pero pinigil ako ng hiya ko. Oo nga pala, susulat ako ng para sa Buwan ng Wika pero Ingles ang gagamitin ko. Sampal naman yata yun sa pambansang wika natin. Read more
Ang ‘Tag-ray’ at ang Wikang Pinoy!
Ipinanganak ako sa Catbalogan, Samar. Waray ang wika namin doon. Tubong Samar ang aking ama samantalang sa Leyte naman isinilang ang aking ina. Samakatuwid, purong Waray ako. Taong 1990, magtatatlong taong gulang pa lang ako noon nang magdesisyon ang aking mga magulang na manirahan dito sa Maynila. Nagtatrabaho kasi ang aking ama bilang isang seaman at magiging madali para sa amin ang makasama siya ng mas matagal kung dito sa siyudad kami titira. Hindi na niya kinakailangan pang lumuwas sa probinsya sa tuwing uuwi siya rito sa Pilipinas.
Naging mahirap para sa aming magkakapatid ang pagluwas dito. Kinamulatan namin ang wikang Waray. Pati mga kalaro namin noon ay ganito ang wika kaya ang paninirahan namin sa may Valenzuela ay naging mas mahirap. Nakakatawa ang mga una naming usapan dahil halo-halo ang mga salitang ginagamit ko noon. Nagpipilit akong managalog na ewan.
Ngayon, mahigit labin-limang taon mula nang lumipat kami sa Maynila, naririto na kami ngayon sa Bulacan. Kabaligtaran noon, ang Waray naman ang nahihirapan akong gamitin.
Marunong pa rin naman akong magwaray. Dito kasi sa bahay, Waray pa rin naman ang madalas naming gamitin. Pero hindi na ganoon kapulido ang pagsasalita ko nito. Marami pa nga sa mga kaibigan at kaanak ko ang kung minsa’y natatawa sa ilang salita ko dahil nagiging “Tag-ray” (pinaikling Tagalog-Waray) na raw ito.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring kultura. At mula rito, umusbong ang sari-saring mga wika na pinagyayaman ng kani-kanilang lahi. Sa kabila ng pandaigdigang panawagang globalisasyon na naghahayag sa wikang Ingles bilang pangunahing wika, hindi rin nito tuluyang nabasura ang ugat ng pagkakaisa ng lahing Pilipino. Bagkus, nakatulong pa nga ito upang maging maayos ang iba’t ibang bayan sa bansa.
Sa ngayon, naging tila kabute man ang pagsulpot ng mga call centers sa bansa na nangangailangan ng mga Pilipinong bihasa sa wikang Ingles, Espanyol, French, Mandarin at iba pa, damang-dama pa rin ang napakayaman nating mga wika. Mapapansin ding may iba-iba tayong paraan ng pagsasalita at ang diin nito na nakatutulong upang madali nating malaman kung saang bahagi siya ng bansa nanggaling.
Ang ating sariling mga wika, daigin man ng mga wika ng mauunlad na bansa at talikuran man ng mga kababayan natin upang mabayaran ng malaking halaga, hinding hindi nito mapapantayan ang kinang na idinulot nito upang buhayin ang lahing Pilipino. Kabayan, itaas mong Pilipino ka! Ipagmalaki mo!
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Theme: �Maraming Wika, Matatag na Bansa�
Sponsored by:
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club






