Imperyalistang Maynila: A Wika2007 Entry
Imperyalistang Maynila : A Wika2007 Entry
sa panulat ni Baklang AJ
(English translation at the bottom of the entry)
Walang pagsisisi. Isa ako sa mga nakararami na naniniwalang ang pagsisisi sa mga bagay na nagawa at naranasan ay pag-aaksaya lamang ng panahon. Hindi ako nabubuhay sa nakaraan at hindi ko rin ugali ang pagnilayan ang mga pagkakamali ng kahapon. Natututo na lamang ako sa kanila. Marahil ito ay dulot ng aking paniniwalang ang mga naturang pagkakamali ay hindi sinasadyang maging ganoon. Naniniwala ako na ang lahat ng aking mga pagpapasiya sa nakalipas ay yaong mga pasyang itinuturing kong tama at nararapat sa mga panahong iyon.
Isa sa mga disisyong ito ay ang pagbabalik ko sa Metro Manila upang manirahan at maghanap ng trabaho. Simula pagkabata ay akin nang pinangarap na maglakad sa mga kalye ng Makati na nakadamit pang opisina, yung tinatawag nilang corporate. Naisip kong napakagandang tignan ang aking sariling nakakurbata. Pinangarap ko ring magkaroon ng sariling condominium unit sa Makati. Marami ang nagsabing ako’y isang hunghang at ang mga pangarap ko’y walang maidudulot na mabuti. Maraming nagpayo sa akin na wala ring kahihinatnan ang aking paghahanap ng trabaho at ako’y hindi magtatagumpay. Wari nila’y isang maling disisyon ang pagbabalik ng Metro Manila sapagkat noong ako’y magtatapos na sa unibersidad, maraming kumpanya ang nag-aalok sa akin ng magandang trabaho. Akin pa ring pinilit ang aking sarili na makamtan ang aking pangarap. Alam kong mahihirapan ako ngunit hindi ito naging dahilan upang aking isawalang bahala ang aking pangarap. Maraming rason upang ako’y mangamba ngunit hinanda ko na ang aking sarili. 
Isa sa mga ito ay ang aking tinatawag na Imperial Manila at ang mga nakatira rito. Base sa mga napapanood sa telebisyon at sa pinapakita ng media, natatanging-uri at mas mataas ang antas ng mga taga-Maynila kung ikukumpara sa mga galing probinsiya. Hindi ito maitatawa ng sinuman, kahit na sabihin nilang wala itong katotohanan. Para sa mga taga-probinsya, lalo na saMindanao, mababa ang tingin sa kanila ng mga taga-Maynila.
Nariyan ang mga pangungutya tungkol sa sibilisasyon sa probinsiya, “Nakakakita ka ba ng mga kalabaw sa daan tuwing papasok ka sa eskwela noong araw?” Tanong ng isang kaibigan. Sa pagkainis ay sinagot ko siya ng, “Oo, at ang mga kalabaw na ito ay abala sa pagbabasa ng balita mula sa kanilang mga laptop na konektado sa wireless hotspot ng lungsod.” Sarkastikong sagot lang ang makakapagpatahimik sa mga ito.
Nariyan rin ang pangungutya sa accent ng mga hindi taga-Maynila: “Bisaya! Ang tigas ng dila!” Pinagtatawanan kaming mga promdi dahil sa pesteng accent na ito. Naranasan ko ang walang humpay na pangungutyang ito noong ako ay nag-aral sa isang pribadong high school sa Pasig. Simula noon ay pinag-aralan ko ng maigi ang “Tagalog accent” na sa pagkakaalam ko ay maling katawagan, dapat ay “Filipino accent” (kung meron mang ganito) ang itawag dito. Ang Filipino ang wikang pambansa, Tagalog ay ang salita ng mga nasa Katagalugan. Malaking bahagi ng Filipino ay base sa Tagalog ngunit hindi ibig sabihin nito na ang Filipino at Tagalog ay iisa. Bumalik ako sa Davao, saMindanao, upang makapagtapos ng kolehiyo.
Isa ako sa mga unang nakapagtapos ng kursong Communication Arts major in Speech Communication sa Unibersidad ng Pilipinas saMindanao (UP Min). Sa limang taon (oo, limang taon kong binuno ang kolehiyo dahil kumuha muna ako ng BS Applied Mathematics sa unang dalawang taon bago lumipat sa CommArts) ko sa UPMindanao, marami akong natutunan, isa na rito ang pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng personalidad at karakter ng mga tao. Natutunan ko rin na hindi mahalaga kung ang isang tao ay magaling magsalita ng Cebuano o Filipino o Tagalog sapagkat nagkakaintindihan naman kami. Isa marahil sa mga dahilan nito ay ang wikang banyagang Ingles. Oo, kahit sa bulubundukin ng Mindanao ay nangingibabaw pa rin ang Ingles. Masakit man sa loob ko ay aking inamin sa sarili na mas maigi ang makipagtalastasan at makipag-usap sa aking mga kaklase at kaibigan sa wikang Ingles.
Napaisip ako, mas maigi bang palitan na lamang ang wikang pambansa? Tutal, hindi naman lahat ng Pilipino ang nakakapagsalita at nakakaintindi ng Tagalog, kung saan hango ang Filipino? Kung gawin kayang Bisaya ang pambansang wika? Pagtatawanan pa kaya ako ng aking mga kaklase at kaibigang taga-Maynila? Maiiba kaya ang pagtingin nila sa mga galing probinsiya?
“Bukas, o samakalawa, malalaman ko ang sagot,” sinabi ko sa aking sarili.
Apat na taon na mula ng ako ay magtapos sa kolehiyo. Apat na taon na rin mula nang tanungin ko ang aking sarili tungkol sa wikang pambansa. Naiba kaya ang aking pananaw ukol dito? Kinalimutan ko na nga lang ba ito sapagkat ako’y na-impluwensiyahan na ng Imperial Manila? Naging isang imperyalistang Manilenyo na ba ako dahil ako’y isang Makati Boy na? Pinagsisihan ko ba ang disisyong lumipat dito?
Hindi.
Sa apat na taong pakikipagsabayan, apat na taong paglusong sa baha, apat na taong paglangoy sa karagatan ng mga taga-Maynila, iilang mga aral ang aking natutunan at nanatili (at patuloy na mananatili) sa aking puso: hindi mahalaga kung paano mo bigkasin ang iyong mga salita, hindi mahalaga kung ikaw ay may Bisaya or Batangenyo accent, hindi mahalaga kung napakagaling mo sa Ingles. Ang mahalaga ay lahat ng wikain mo ay galing sa puso. Aking hinahangad na ito’y maramdaman din ng ating mga kababayan: taga-Maynila o hinde, Bisaya o Bikolano, bata o matanda, lalake o babae, bakla o hinde. Iba’t iba man ang ating mga salita, lahat tayo’y Pilipino. Filipino, Tagalog, o Bisaya man, basta’t galing sa puso.
Wikang Taos-puso, ito ang tunay na wikang pambansa.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
English Translation:
Imperial Manila: A Wika2007 Entry
by Baklang AJ
I have no regrets. I am one of those few who believe that regretting about things done is a waste of time. I don’t delve on the past and think about my mistakes. Instead, I learn from them. This is because of my belief that these so-called mistakes were not really meant to be that way. I believe that my decisions in the past were the ones that I deemed rightful and reasonable during those times.
One of these decisions was my return to Metro Manila to settle and find a job. Growing up, I have always wished that someday, I’d be able to walk along the streets ofMakati in corporate attire – complete with necktie and all. I also dreamed of living in aMakati condominium. Many people have discouraged me to go on and fulfill this lifelong dream – telling me that I’m nuts. Unsolicited advices, coming from all directions, were thrown at me, telling me that my dreams will amount to nothing. It was, they told me, a really bad decision to go back to Metro Manila considering that many companies were already offering me jobs.
I still pursued my dream. I knew that it was gonna be a difficult ride, but it didn’t stop me from reaching for that dream. There were a lot of reasons for me to get scared, but I prepared myself. This was gonna be a bumpy ride, but I’m holding tight.
One of these reasons is what I’d like to call as Imperial Manila and its residents. Television and the media has portrayed people from Metro Manila as superior and first class citizens, compared to those coming from the provinces. Some will say that this isn’t true, but sadly, it is. For those who are promdi (from the province), especially those fromMindanao, they feel insecure around people from Metro Manila. They feel as if they are looked down upon.
There’s the usual rub about civilization, “Did you ever see carabaos along the streets everytime you went to school?” Asked a friend. To my disgust, I replied curtly, “Yes. And these carabaos were busy reading the news on their laptops which were connected to the wireless hotspots of the city.” Sarcasm on my part helped these “imperialists” shut up.
And then there’s the bit about the accents of those who’re not from Manila: “Bisaya! Ang tigas ng dila!” We were laughed at and upon because of this goddamn accent. When I was in high school (inPasigCity), my accent was the butt of jokes for some classmates. That was when I decided to study the “Tagalog accent”, which I knew was a misnomer since it should be called “Filipino accent” (if there is such a thing). Filipino is the national language. Tagalong is the language spoken in the Tagalog region. A big chunk of the Filipino language is based on Tagalog, but this does not automatically mean that Filipino and Tagalog are one and the same.
I went back to Davao, in Mindanao, to finish college. I was one of the first graduates of the University of the Philippines inMindanao’s Communication Arts major in Speech Communication program. In all of the five years (yes, I spent five years in college because I initially took up BS Applied Mathematics – for two years – and later on shifted to CommArts) sa UP Min, I learned a lot of things. I learned how to relate with and coexist in peace with different kinds of personalities and characters. I also learned that it doesn’t matter if one spoke good Cebuano, Filipino, or Tagalog, because no matter what language we used, we understood each other. One probable reason could be the English language. Yes, even in the boondocks of Mindanao, English still sometimes overpowers all our native languages, combined. I did not want to admit it, but I knew that it was a whole lot better talking with others in English.
I thought to myself, “Would it be better if we changed the national language?” After all, not all Filipinos can speak and understand tagalong, the base language of Filipino. What if they made Bisaya the national language? Would I, and others like me, be subjected to relentless jokes about my accent by people from Metro Manila? Would they look at me differently?
“Tomorrow, or the day after, I will have an answer,” I thought to myself.
It’s been four years since I graduated from college. Four years since I asked myself about the national language. Has my opinion on it changed? Have I forgotten about it because I have already been influenced by Imperial Manila? Have I become one of them because I’m now a Makati Boy? Am I regretting the move to Metro Manila?
No.
In the four years of going with the flow, four years of bracing the floods, four years of swimming in the oceans of Metro Manilans, I’ve learned some things which remain (and will always remain) close to my heart: it is not important how you speak, it doesn’t matter if you’ve got a Bisaya or Batangueño accent, nor does it matter if you speak exceptional English. What matters is that everything that you say comes from the heart.
All I’m hoping for right now is for every Filipino – from Metro Manila or not, Bisaya or Bikolano, young or old, male or female, gay or not – to realize what I have realized. We may speak different languages, we’re all Filipinos; you may speak Filipino, Tagalog, or Bisaya for as long as it comes from the heart.
A language from the heart, this is the true language of the nation.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia






