Hindi Ito Entry Sa Wika 2007 Blog Writing Contest
August 18, 2007
Joke lang.
Huwag na tayong maglokohan. Sino bang sumali dito sa pakontes na ito nang dahil sa may nag-aalab na pagmamahal sa wika? Ikaw? Haha. Neknek mo. Kurutin mo na singit ko pero hindi mo pa rin ako mapapaniniwala. Sino ba naman kasi ang hindi gaganahang magsulat para sa kontes na ito kahit na mas masayang magpagulong-gulong sa napakalambot na kama at iipit sa hita ang mas malambot na unan sa panahong ito kung ang kapalit naman ng paghalukay (ube?) ng bokabularyo sa Filipino at pagdudugo ng ilong sa pagtatagni-tagni ng mga pangungusap ay tumataginting na limang libo at domain hosting. Parang napakasarap nga naman sa daliring pindutin ang mga titik na bumubuo sa akosimamangsorbetero.com. Kaso taghirap ang lolo niyo, kaya dito na lamang umaasa. Pero magseseryoso na ako. Nagnilay-nilay ako kung ano nga ba ang pakialam ko sa at pakialam sa akin ng Wikang Filipino. At naalala ko ang huling taon ko sa hayskul.
Nagkaroon kami ng editorial exam para sa Filipino schoolpaper. At dahil isa ako sa mga nakikipagtalbugan ng galing (YABANG!) sa pagsulat noon ay siyempre takbo ang sorbetero sa Journalism Room. Nakalimutan ko na kung tungkol sa anong paksa ‘yung pinasulat sa amin at kung ilan kaming kumuha. Kunwari na lang mahirap ang paksa, tulad ng kung paano magagamit ang mga recent discoveries tungkol sa DNA at RNA sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas at kunwari na rin sobrang dami as in libu-libo ang kumuha para itodo ko na ang pagyayabang dahil sa huli, ako rin ang naging punong patnugot. Aba, marunong palang gumanung lebel ang sorbetero.
Pero paikliin natin ang masaklap na istorya. Hindi rin natuloy ang aking pag-upo sa trono ng punong patnugot. Mahirap isabay sa mga hinayupak na Chemistry, Biology, Physics, Math, at Research. At para na rin hindi na pahabain pa ang pagdadahilan, ang masasabi ko na lang, NEKNEK NG ADBAYSER NG SCHOOLPAPER NA ‘YAN. Galit? Pasensya na. Hindi ko man pinahalata sa sangkatauhan, pero napakalaki ng epekto sa akin nito. Bumaba ang aking tingin sa aking sarili. Hindi ko na naisipang humawak ng papel at bolpen para pagsulat, liban na lang kung exam, may kailangang isulat, o kung may tambay na tutukan ako ng kutsilyo sa leeg at bulyawan akong, Magsulat ka! Siyempre wala nang alinlangan ‘yung huli, tanungin ko pa ‘yung tambay, Ano, nobela? Pero seryoso na, hindi na talaga ako sumulat pa para ipamalas ang aking mga “artistic outpour” sa buong universe. Isinumpa ko ang papel at bolpen.
At nagpatuloy ang aking buhay. Photoshoot diyan, shooting doon, presscon sa ilalim ng lupa, pero pagsulat? Wala na talaga. Ibinaon ko sa limot. Pinaamag.
Malamang hindi pa ending ‘yan no. Siyempre kailangan ng ala-Rejoice moment na may turning point at kahit anong buhaghag ng buhok ko, bigla akong makakahanap ng solusyon at biglang, Kering keri susunod sa aking galaw na ang drama. O kaya walang sabit na. At blogging nga ang naging Rejoice ng buhay ko. (Hoy Rejoice, bayad ko?)
Hindi ko na maalala kung kailan pa pero matagal na rin akong nagba-blog. Dati nagsimula siyang isang labasan lamang ng hinanakit sa napakadungis na mundong ito. (Hoy, OA mo ah.) Pero hindi naglaon ay naisipan kong lagyan na rin siya ng aking mga akda. Nakagawa pa nga ako ng love story sa isa kong blog. Nag-blog na rin ako ng mga sanaysay na nagawa ko. Pero kadalasan, dito ko binabahagi ang kuro-kuro ko sa paraang pinepreserba ko ang dignidad ng lenggwahe. Galit kasi ako sa text language na nakikita ko sa blog. Kung gusto
mo ng text language, magtext ka. Huwag ka magblog. Pero ibang usapan na ‘yan.
Isa pang kinaaaliwan ko sa mundo ng blogging ay ang pakikisalamuha ko sa iba’t ibang lenggwahe. Andiyan siyempre ang English. Kahit na dinudugo ako minsan sa mga hifalutin words eh kinakaya ko naman at namamangha na lang ako sa kagalingan nila mag-English, lalo na’t isa lamang hamak na TH sa English itong sorbeterong ito. Nakwento ko na rin ang tungkol sa German blogger na naligaw dito, at kung paanong hindi ko maintindihan ang mga nakalagay dun sa blog niya. Pasalamat pa rin akong kahit siguro dinugo ang ilong niya nung makita niya itong blog ko, eh nag-iwan pa siya ng message. Isa pa yung Cantilangnon blogger na naligaw rin sa kasamaang palad. Kahit na hindi ko maintindihan ang kaniyang Cantelangnon, ay keri lang naman. May mga kaibigan rin akong nagha-Hapon at natatawa na lang ako dahil sa dinami-daming mga Kanji, Hiragana, at Katakana at kung anu-ano pa eh wala akong ma-gets. At siyempre ang munti niyong sorbetero eh TH mag-Koreano, pero tinamad na ako mag-aral eh.
At sa exposure kong ito sa napakaraming wika, isa lang ang napaparamdam nilang lahat sa akin: Naiisip kong pag-igihin ang kagalingan ko sa Wikang Filipino. Baka sabihin niyo namang binobola ko lang kayo kasi kailangan kong ilevel-up ang Wikang Filipino dahil required, pero seryoso ako. Gusto ko rin kasing matuto kahit yung basics ng iba’t ibang lenggwahe. Masaya nga namang sa kaliwa ko eh naga-anyong haseyo ako sa isang Koreano, tapos sa kanan nagda-daijoubu naman sa Hapon, sa baba (?) ko eh nagu-ukininam ako sa isang kababayang Ilokano, at sa taas (? ulit) naman ay nagpapausok at nagsisiga ako dahil iyon ang form of communication na alam ng kausap ko. Pero, ayoko kasing maging ipokrito. Ayokong sa gitna ng pagda-daijoubu at anyong haseyo ko eh may mag-pop question sa akin ng: Spell ‘nakakapagpabagabag’. At ako ay sumagot ng ganito:
N-A-uhm..-K-uhm..-G? Pwedeng ‘red’ na lang?
Ang sagwa diba? Kung sila eh magaling sa wikang gusto nila, ako ay gagalingan ko sa wikang gusto ko. Filipino.
Hindi napagtatanto ng maraming tao ang epekto ng komunikasyon, at ang problema ng miskomunikasyon. Masyadong mahaba kung akin pang iisa-isahin, pero sigurado akong sa pagkakaroon ng miskomunikasyon, imposible ang isang solidong bayan. Hinding-hindi makakamit ng bawat Pilipino ang pag-iisa ng lahat. At hindi ako naniniwalang sa pagkakaroon ng bawat rehiyon ng kanilang sariling dialect lenggwahe ay pagkakabuklod-buklod ang kahihinatnan nito. Hindi natin, bilang isang bansa, kinakailangan ng IISA LAMANG na wika. Ang kailangan ay ang matinding kaalaman sa sariling dialect wika. Hindi ko alam kung paano, pero alam kong pagkakaunawaan ang madudulot nito. Sa buong pusong pagpapahayag sa sariling dialect wika, kahit hindi bawat salita ay maiintindihan ng mababasa, alam kong sa bawat emosyong pinakawalan ng sumulat, sa kahoy, sa papel, o sa blog man iyan, maipapahiwatig ng sumulat sa makababasa ang nais niyang iparating. Malabo alam ko, pero posible. Kailangan lang ng kaalaman. Matinding kaalaman. At sa pagkakaunawaang ito, kaakibat na ang unti-unting pag-iisa ng Pilipino. Dahil sa magandang komunikasyon. Dahil sa pagkakaintindi sa bawat isa. Hindi dahil sa pagkakapareho ng binibigkas na salita, ngunit sa damdaming nag-uugnay sa kanila. Ang damdaming Pilipino. Ang damdaming nag-uugnay sa bawat taong nakakaintindi ng sinulat ko dito.
Mabuhay ang Pilipino!
Mabuhay!
Punitin ang cedula!
Ulul! Ano ka si Andres Bonifacio? Kami pa ginago mo, sorbetero.
- - -

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
- - -
Makikita rin ito DITO.
Comments
One Response to “Hindi Ito Entry Sa Wika 2007 Blog Writing Contest”
Got something to say?











FILIPINOS PARA KAY
JOEY DE VENECIA
ISANG BUKAS NA LIHAM
Ako po si Jose de Venecia III o Joey kung tawagin ng pamilya at mga kaibigan.
Napakahalaga po ng isinampa kong reklamo sa Kongreso upang ma-impeach ang Pangulo. Ako po ngayon ay bahagi na ng makulay na kasaysayan ng ating bansa. Kinailangan ko po ng buong lakas na katapangan upang gawin ito. Sigurado ako na susuportahan ito ng mga tao dahil naniniwala sila sa aking katapatan at sinseridad.
Nais ko pong siguraduhin sa inyo na wala ni anuman po akong pabor or kontrata na hiniling o naging transaksyon sa gubyerno sa kabila ng pagiging Speaker ng aking ama. Ang aking hangad lamang ay matulungan ang aking kapwa Pilipino.
Inaamin ko pong sangkot ang aking ama sa anomalya sa napakaraming transaksyon ng pamahalaan mula pa noong panahon ni Marcos, Aquino, Ramos, Estrada at ng kasalukyang administrasyon, tulad ng NBN-ZTE at Northrail Project. Subali’t nakahanda po ang aking ama na harapin ang parusa kung kinakailangan.
Ako po ay nakikiisa sa inyong mga hinaing at tunay naman pong walang patutunguhan ang Pilipinas kong mahal! Dahil ang mga kandidato ay datihan nang mga pulitiko at personal na interes lang ang pakay sa sambayanang Pilipino. Kung papalitan sana ng mga bata at may tunay na pagmamahal sa bayan ang mga kandidato, siguradong uunlad ang Pilipinas!
Huwag na po natin hayaang manumbalik sa poder ang mga trapo! (traditional politicians). Ang mga pulitiko daw ay tunay na lingkod ng bayan nguni’t ito ay tunay na kasuka-suka! Kapag naihalal na sila ng mga pobreng botante, kakalimutan lahat ng plataporma, programa at mga pangako.
Sa isang banda ay may kasalanan din tayong mga botante. Kung tawagin nga tayo ng ibang bansa ay mga botanteng mang-mang! Hindi ba masakit pakinggan ito? Maski walang alam sa pulitika ay ating iboboto. Maski sikat lamang ang apelyido ay ihahalal. Maski bigyan lang ng konting barya ay ibebenta ang sagradong balota.
Hayaan po ninyo na ako’y makapaglingkod sa inyo. Sama-sama nating ipaglaban ang mga sumusunod:
Kabuhayan at sapat na pagkakakitaan batay sa sariling kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino;
Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo;
Pagtatanggol sa karapatang pantao at pagsupil sa anumang uri ng diskriminasyon;
Pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng wastong paggamit nito rasyon; at
Isulong at ipaglaban kung anong naaayon sa batas.
Maraming salamat at sana ay magsama-sama tayo sa 2010. Mabuhay ang Pilipino!
Sumasainyo,
(SGD) JOSE ‘JOEY’ DE VENECIA III
–
“An early death is a useless life.” (Goethe)
Jose de Venecia III
0917-532-2468
0917-814-2038
ano itong kalokohan na ito ni JOEY de VENECIA, Hindi niya alam ang kanyang pinaggagagawa..baliw