Inglish Ispiking?

Ako si Karla Chan, estudyante ng De La Salle Zobel. Ang paaralan namin ay nasa Muntinlupa City, tulad ng San Beda Alabang.

Araw araw nadadaanan ko ang San Beda, minsan nakakapasok pa ako sa loob dahil sinusundo ko ang pinsan kong nagaaral dito. Nagulat na lang ako ng isang araw eh may nakita akong malaking banner na may nakalagay na

San Beda College Alabang is an English speaking School.

Kung naninirahan ka malapit sa mga paaralan namin, eh malamang alam ninyo na “Rival Schools” DAW ang San Beda College Alabang at ang De La Salle Zobel school. Hindi ko alam pano nga ba nagkaroon ng mga ganitong bagay-bagay, pero meron nito sa lugar namin–lalo na saming mga estudyante.

Nabalitaan ko na kapag nahuli ka ng guro na nagsasalita ng ibang wika maliban sa ingles ay malalagutan ka (ewan ko kung anong ibig sabihin ng “malalagutan”). Hindi ko alam kung anong pakay ng eskwelahan, pero negatibo agad ang aking naramdaman tungo sa kanilang patakaran. Maiintindihan ko kung ito ay isang International School, at puro dayuhan ang mga nagaaral dito. Nagaral ang Kuya ko dito at alam kong karamihan sa nagaaral dito ay Pilipino.

Kasabay ng aking pagkakatuwa sa nalaman eh ang kalungkutan. Ang lungkot isipin na ang raming Pinoy na nagpupumilit maging tulad ng mga Amerikano (o mga dayuhan). Hindi lang sa lengguahe, sa pananamit, sa paraan ng pamumuhay, sa paguugali, sa kultura.

Nasabing maraming wika at kultura ang bansang Pilipinas. Marami namang magagaling na pilipino ang nakikilala sa buong mundo, bakit tayo nagpupumilit mag-asal dayuhan? Dahil ba “Cool” ito? Ang pagiging pinoy ba ay hindi “cool”?

Nabiyayaan tayo ng maraming wika, ngunit hindi natin ito maipagmalaki. Masyado tayong abala sa pag-gaya sa ibang bansa. Abala tayo sa pagaaral ng Ingles, Espanyol, Instik, at kung ano pang wikang dayuhan. Tapos nagrereklamo tayo na hindi maunlad ang ating bansa?

Kesa dahil nangungurakot, keysa ganito, keysa ganyan. Lagi na lang natin sinisisi ang mga namumuno. Pero hindi ba natin naisip na, sa sarili pa lamang natin e hindi na natin magawang tumulong sa pagunlad ng ating bansa?

Imbis na magaral ka ng Espanyol, naisip mo bang mag-aral ng Waray? Simpleng bagay lang, nagpapakita na ito ng pagmamahal sa bayan. Paano tayo magiging isang matatag na bayan, kung hindi naman natin magawang mahalin ito? Simulan mo sa hindi paggiging ignorante sa kung anong meron ang bansa mo, malay mo, sa susunod magsisi ka na naisipan mong lumipat ng ibang bansa.

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presentsWika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Theme:Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

One Response to “Inglish Ispiking?”
  1. betty says:

    On the one hand ,learning English is sabi nga nila very important if we want the Philippines to be competitive with other countries kaya nga sa Singapore may “Speak Good English” campaign. pero dapat di rin kalimutan ng mother tongue (also like in Singapore its a requirement to learn either Chinese,Tamil or Malay).

    Pero if the imposition of rules of seaking in English is elitist,thats totally a different thing.Dapat they must be good in both English nd Pilipino and should notbe punished for speaking in the national language

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .