May Himig ang Abakada

Maraming wika,
biyaya ng kabihasnan,
sangkap-Pinoy na namumukod tangi.
Iba’t ibang panulat at pananalita,
pinagbuklod ng iisang kultura, damdamin at mithiing
para sa kapwa at sa Inang bansa
.

ABAKADA- iyan ang isa sa mga salita na una kong natutunan noong nagsisimula pa lamang akong mag-aral. Sa katunayan, isang popular na libro ang naging una kong guro, ang dilaw na libro ng abakada.

Sa aking paglaki, unti-unti akong namulat sa iba pang wikang umusbong at yumabong sa Pilipinas. Dati rati, sa aking murang pag-iisip, nag-iisa lamang ang itinatangi kong Abakada, na wala nang iba pang wika ang nag-ugat, nagka-ugat, maririnig at mababasa sa ating bansa kundi ang Abakada. Laking gulat ko nang malaman kong humigit sa 100 ang wika natin sa bansa.

Naitanong ko tuloy sa aking sarili, “Ano naman ang magandang maidudulot nito sa aming bansa? Hindi ba’t mas magulo at mahirap magkainitindihan kapag napakarami nating wikang ginagamit at naririnig?”

Dumaan ang mga araw, napilas na ang mga buwan sa kalendaryo, nakailang palit na rin ng presidente ang Pilipinas, wala pa ring naging kasagutan sa mga katanungang minsang naglaro sa aking diwa. Hanggang sa nakalimutan ko na ang mga tanong. Binura na ito ng mga bago kong pinagkaabalahan ngayong lumaki ako, nagkaisip at nag kolehiyo.

Sa isang iglap, sa isang tik tak ng orasan at pagtaas ng usok sa himpapawid, mabilis na bumalik sa akin ang mga mumunting bagay na minsan nang naglaro sa aking isipan nuong bata pa ako. Sa tema ng Buwan ng Wika ngayong taon, nagbalik ang lahat. Ngayong mulat na ako at hindi lang Abakada ang alam na bigkasin, masumpungan ko na kaya ang kasagutan sa matagal ko nang katanungan?

Nagtanung tanong ako sa mga kaibigan, kaklase, guro, kasambahay pati na rin sa mga kasamahan ko sa simbahan. Napakunot ang noo nila sa tema na tinutukoy ko. Wala sila halos masabing kagandahan ng pagkakaroon ng maraming wika tungo sa matatag na bansa. Niratrat ako ng mga katanungan, “Paano naman mangyayari iyon?”, “Hindi ba’t contradicting ‘yun?” at marami pang katulad na katanungan. Hindi raw maganda ang maidudulot ng pagkakaroon ng maraming wika. Inilalagay lamang tayo nito sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan. Wala raw tayong magiging pagkakaisa bilang isang nasyon, nagkakaroon lamang daw ng pagbubukod bukod ng iba pang maliliit na nasyon sa Pilipinas tulad ng Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, Bisaya, Waray, Tausug, Dumagat at marami pang iba. Tulad ng isang cold war sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano dulot ng magkaibang pananamplataya at nauwi sa pag kakanya kanya, ganito raw ang kasuklam suklam na dulot ng pagkakaroon ng maraming wika.

Tunay nga bang ganito lamang ang ating kahihinatnan sa paggamit ng maraming wika? Hindi ba ito ang magbibigay liwanag at gigising sa matagal nang pagkakahimbing ng ating bansa?

Mayaman ang ating bansa, sa likas na yaman, magagandang tanawin, mga mamamayang hitik sa talento at kasanayan. Iniwanan tayo ng ating mga ninuno ng isang malakas na sandata tungo sa mga laban na susuungin ng ating bayan. Walang dudang napakayaman ng ating kultura, isang bagay na dapat nating ipagmalaki. At ang pagkakaroon ng maraming wika ang isang unang manipestasyon ng pagkakaroon ng isang mayamang bansa.

Napakarami nating maaaring gamitin upang makabangon at muling kilalanin sa buong mundo bilang isang matatag na bansa. Tamang paggamit at nararapat na distribusyon ng yaman ang sagot sa matagal nang suliranin sa bansa. Walang kahirapan kung walang mga taong mapagsamantala. Nasaan na ang magagandang asal na minana natin sa ating mga ninuno? Kasabay ba itong nawala ng ating kumpiyansa na makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng maraming wikang ipinamana nila? Kung negatibo ang tingin natin sa lahat ng bagay at hindi susurii’t titignan ang kabilang anggulo ng mga ito tulad ng pagkakaroon ng maraming wika, hindi na ako magtataka kung bakit magulo ang takbo at usad pagong ang bansa natin sa ngayon.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking guro na ang mga Amerikano at hindi tayong mga Pilipino ang pinakamahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa niya, ang mga Amerikano raw ang gumagamit ng wikang Ingles sa araw-araw nilang pamumuhay at sa kanila na ito nagmula at umunlad. Hindi natin masasabing mas mahusay ang isang foreigner na magsalita ng Tagalog kahit gaano pa siya kahusay. Ang katutubong wika ng bansa ang siyang puso ng mga mamamayan. Hindi sapat ang pagiging mas mahusay natin sa gramatika upang sabihing mas mahusay tayong gumamit ng wika nila.

Kung magkagayon, maaari rin nating sabihin na tayo higit sa ano pa mang lahi ang pinakamahusay na magsalita ng wikang Filipino kasama ang iba’t iba pang wika sa ating bansa. Tayo rin ang tanging makapagpapayaman nito. Tayo ang siyang dapat na nagmamahal dito, tayo ang siyang dapat na nagmamalasakit at umaaruga rito. Hindi sila, hindi sa kung sino pa man. Ikaw nga! Pinoy ka, hindi ba?

Minsan, kailangan lamang nating tumahimik, damhin ang dugong dumadaloy sa ating mga ugat, ang tibok ng puso, ang himaymay ng laman, dugong bayaning isinalin sa atin ng ating mga ninuno, isang mabunying lahi na tunay na maipagmamalaki. Gamit ang tangi nating lakas ng pagkakaroon ng mayamang kultura na pinatunayan ng pagkakaroon ng maraming wika, magsama sama tayo, kapit bisig, walang bibitaw sa iisa nating layuning ibangon at iluklok ang bansa sa iniwan nitong pedestal. Gamit ang maraming wika, pagyamanin natin ang sarili nating kakayahan, magsama sama ang maliliit na nasyon gamit ang kulturang minana sa ating mga ninuno. Tulad ng super regions na binabanggit ng ating pamahalaan, hikayatin natin ang bawat isa na paunlarin ang bawat yaman sa kani kaniyang lugar, pandayin ang yamang nakukubli ng mga hindi magagandang pangyayari at matapos nating mailabas ang tunay na kinang ng mga ito, pagsamasamahin natin ito gamit ang iisang damdaming makaalpas sa kahirapan dulot ng hindi pagkakaisa.

Iisang layunin, iisang hangarin. Maraming wika ngunit iisang tinig. May isang himig ang Abakada, tulad ng mga Abakada sa iba’t ibang wika ng bansa. Pagkakaisa, pagdadamayan, pagpapaunlad at pagpapanday sa yamang iniwan ng ating mga ninuno. Iyan ang himig na matagal ko nang hindi naririnig, himig na naging mailap sa aking pandinig. Hindi ang pagkakaroon ng maraming wika ang hadlang sa pag-unlad, bagkus isa ito sa makatutulong sa pag-abot sa ating mga pangarap. Iisa lamang ang ating kailangan, iisa lamang ang hinihingi ng tagumpay, tulad ng himig ng Abakada, pagsamasamahin natin ang ating mga tinig tungo sa iisang layunin, iisang damdamin. Magkaroon ng iisang puso, iisang Pilipino sa laban ng pagiging matatag na bansa.

Kaisa ba ng himig ng aking Abakada ang ibinubulong ng sa iyo? Magkaiba man sa titik at pananalita, alam kong iisang musika ang inaawit ng mga ito.

———————————————————————————————–

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Love is a decision

When you are in the state of being “in love”, your life becomes blissfully colorful and interesting. You live and breathe for your object of interest and you walk around with a certain bounce and flair. You scribble that one special name on your notes with hearts and arrows all around it and spend sleepless nights dreaming and hoping for sweet moments together, if not reliving them. With the advancement of technology, chances are you even spend hours chatting over instant messenger or send each other SMS with mushy endings like “labyu labyu, mwamwamwahhhh!” in an attempt to convey your overflowing emotions of love and loyalty despite the physical and geographical distance. Of course, flowers, chocolates, teddy bears and whispered sweet nothings become the highlight of your togetherness, you get giddy at the sight and smell of him even if he is “amoy -araw” already and his kind words feed your soul. Everything about him and every single moment you share together are kilig-factors that renew your spirit. And then, in a snap, everything just falls apart, perhaps because he “wasn’t man enough” for you or you woke up one morning and felt you’re dreading the sight and smell of him, in short, you’ve “fallen out of love”. There can be numerous reasons, you know, but the bottom line is, “it just did not work out”. Well, that’s the bottom line for you. When friends and relatives ask about the break up, that’s what you say, and why not? It’s more convenient to use that one liner than to go into details, because as you do, you get lost in a myriad of reasons and finger-pointing (like who really is to blame???). And the recovery process for the injured party becomes extremely difficult, because in truth, you both forgot one thing: to make each other a decision, not an option.

click here for more…

Bakit Ba Hindi Ako Nag-Filipino Major?

Wika 2007 badgeMinsan kong naitanong iyan sa aking sarili matapos magturo sa mga batang napakahuhusay magsalita ng Ingles.

Wala! Tiklop ako at ang pagiging Communication Arts graduate ko. Muntik na nga yatang dumugo ang ilong ko sa kasasalita sa wikang hindi naman akin sa loob ng mahigit isang oras.

Bakit nga ba ako hindi nag-Filipino major?

Hindi ko kasi alam na may ganoon palang kurso. Marahil hindi ko na rin siya inurirat dahil naisip ko, Pinoy naman ako. Filipino major by birth, kung baga. Sapat na ang mga klase ko sa Filipino para malaman ang mga dapat kong malaman. Isa pa, araw araw naman akong nagta-Tagalog. Kundi pa ba naman ako mahasa noon, ewan ko na lang!

Yon nga lang. Nakalimutan ko ang isang glitch: malabnaw ang Tagalog na kinalakhan ko. Palibhasa sa Maynila na ako pinanganak at nagkamalay, corrupted Tagalog tuloy ang nakagisnan ko. Yun bang may halong salitang kanto, pop, at bakla. Puno rin ng salitang hiram na karamihan ay galing sa mga Kano.

Kaya naman kapag malalim na Tagalog na ang binabato sa akin, napapanganga na lamang ako. Hindi pa naman ganoon kadaling maghanap ng mapagkakatiwalaang diksyunaryong Filipino. Samantalang ang mga English dictionary ay naglipana at ika nga, “they come in all sizes.”

Dagdag pa pala sa nagpalabnaw sa Tagalog ko ay ang mga ligaw na salitang Cebuano sa aking bukabularyo. Bisaya kasi ang mommy ko. At kahit dugay na siya sa Manila, Bisayang-bisaya pa gihapon! [Kahit matagal na siya sa Manila, bisayang-bisaya pa rin talaga!]

Madalas, maski ako ay nalilito kung Tagalog nga ba o Cebuano ang ilan sa mga salitang alam ko. Bagaman dahilan ng pagkalito ko ang pagkakaroon dalawang dialekto sa aming bahay, hindi naman ako nagrereklamo. Ayos nga e! Bukod sa Tagalog, kasabot pa ako ug gamay na Bisaya [nakakaintindi pa ako ng kaunting Bisaya].

Noong tumuntong ako sa kolehiya at napasok sa Unibersidad ng Pilipinas, nagulat ang isa sa mga grupo sa klase ko nang minsang sumabat ako sa usapan Binisaya nila. May nagtanong tuloy, “Ngano man kasabot ka ug Bisaya? [Bakit nakakaintindi ka ng Bisaya?]”

Ang tanging sagot ko, “It’s a Jedi Trait!

Kung iisipin, astig siya. Sino ba ang mag-aakala na ang Manila girl na kausap nila e nakakaintindi at minsa’y nakakasalita pa ng Cebuano? Heto nga’t naglipana na ang mga Bisaya dito sa Maynila. Kahit papaano, kaya kong makipag-usap sa kanila sa wikang malapit sa puso nila. At salamat sa Sesame Street, 11 taon sa isang private school, at ilang taon sa kolehiyo, pati mga puti ay kaya ko na ring kausapin! Kahit di ako katangkaran at may kaiklian ang mga biyas, mahaba naman ang kaya kong abutin dahil sa mga wikang alam ko.

Para mas madama ko pa ang pagiging isang certified polyglot o mas kilala ng marami sa tawag na multilinggwal, ipagmamalaki ko na rin ang anim na units ng Nihonggo na ipinasa ko noong kolehiyo. Kaya ko pa rin naman magsalita ng konting Hapon gaya ng atsui [mainit], itai [aray], sumimasen [excuse me], gomenasai [paumanhin], kudasai [pakiusap], at ilan pang mga bulol na pangungusap na pihadong maiintindihan naman ng mga singkit na medyo sakang. At dahil naaalala ko pa rin naman ang Hiragana at Katakana, mga alpabetong Hapon, nakakabasa pa rin ako ng mga sulat sa Nihonggo kahit na maliit na porsyento lamang ang naiintindihan ko. Kahit papaano, nalalaman ko kung ano ang mga pinagsasabi ng isang package na imported mula sa Japan at kung anu-anong pangalan ang pinapakita sa TV ng larong Naruto sa Playstation ng kapatid ko.

Kagaya ng mga sinasabi ng mga Bisayang nakausap ko, dili na mi mabaligya [hindi na ako mabebenta]. Sa kaunting naiintindihan ko, mahuhuli ko na kung sino ang nag-tritrip lang at kung sino ang tunay na matitinong kausap.

Maaari ko ring ipagyabang ang ilang pagbati sa iba’t iba pang lengwahe na natutunan ko noong bata pa ako. Nandyan yung sawa dee ka, kap koon ka, guttenmorgen, merci, kamsamida, añongaseyo, merhaba, tutche at iba pang salita na hindi ko alam ang tamang baybay at di ko na rin maalala kung saang bansa ginagamit. Kapag may makasalubong na lang ako na banyaga, pwede akong mag-trial and error para madiskubre kung papaano ko sila babatiin. At kung maka-binggo ako, dagdag puntos na iyon sa pinagmamamalaki nating Pinoy hospitality.

Ngunit sa bandang huli, isa pa rin ang hindi ko maitatanggi. Bano ako sa sarili kong wika. Nakakahiya man aminin pero heto ako, 27 taon nang nabubuhay at naninirahan sa Pilipinas pero nanghuhula pa rin pagdating sa tuntunin ng balarilang Filipino.

Nang makasalamuha ko ang mga batang Inglisera na muntik nang magpadugo sa ilong ko, nalungkot ako dahil sa aking napagtanto. Magagaling nga sila pero mukhang limitado lang talaga ang kaalaman nila sa wikang Filipino gayong karamihan sa kanila ay Pinoy at lahat sila ay kasalukuyang naninirahan dito sa Pilipinas. Kahit na sabihin ko pang mas ginagamit ko ang wikang Filipino kesa sa kanila, wala rin kaming pinagkaiba sa isa’t isa dahil pare-pareho naming napabayaan ang pambansang wika ng mga Pinoy dahil sa aming kagustuhang maging “globally competent“.

Wala namang masama sa pagpapakadalubhasa sa wikang bayaga. Ayos nga iyon dahil nadaragdagan ang kapangyarihan natin bilang Pinoy na pasukin ang kultura at kalakaran ng mga ibang lahi. Napakatalentado pa naman nating mga Pinoy pagdating sa panggagaya ng banyagang pananalita. Madali nating nagagaya ang accent ng kung anumang bansa ang ipagaya sa atin. Kaya naman patok na patok ang call center sa atin.

Sabi sa itinuro ng guro ko sa Filipino noong hayskul, “ang wika ang sumasalamin sa isang bansa.” Ang pambansa wika natin ay punung-puno ng implwensya ng iba’t ibang lahi na sumakop sa atin at pati na rin nga mga bansa nakipagkalakaran sa atin noon. Patunay lamang kung gaano kakulay ang ating bayan. Pinapakita rin ng ating wika ang ating kakayahang makipagsabayan sa mga makakapangyarihan bansa sa mundo. Kayang-kaya nating hubugin ang ating mga sarili para maging kasinggaling nila o higit pa.

Mahalaga lang talaga na pagkatapos nating hubarin ang mga hiram nating salita, alam natin kung papaano babalikan ang tunay na atin. Kung hindi na natin magawang maging kumportable sa sarili nating wika, paano na tayo? Sino na tayo? Para saan pa ang pagpapasikat natin sa mga banyaga?

Oo, maaaring tayu-tayong naninirahan sa 7,107 na isla ng Pilipinas ay madalas na di nagkakaintindihan. Ang dami kasi nating iba’t ibang dialekto! Pero kung alam natin kung sino tayo, kung ano ang nagbibigkis sa ating lahat, hindi tayo mabubuwag ninuman. At sa puntos na iyon, maipagmamalaki natin na ang mayaman nating wika ang nabubuhay na saksi sa katatagan ng atin pagiging Pinoy, Filipino major man o hindi.

 * * *

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Pudra

My Official Entry To Pinoy Blogosphere Wika 2007 Blog Writing Contest About The Filipino Language.

Lumaki akong hindi ko nasilayan ang aking ama. isa kasi ako sa mga libo-libong bata na iniwan ng kanilang mga amang sundalong amerikano o sa pinasosyal na salita isa akong Amerasian. ngunit kahit ganunpaman hindi ako nagalit sa tatay ko ni hindi ko nga sya hinanap sa nanay ko.

Pano hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin alam pano ko itatanong sa nanay ko na parang wala lang ayoko kasi ng drama eh.

Naisip ko sana may wika para dun. kaya naman sabi ko sa sarili ko tsaka ko nalang itatanong sa nanay ko yan pag nahanap ko na ang mga tamang salita para diyan.lumaki akong kalkalero kalkal dito kalkal doon pero wag kayong mag-alala gamit lang namen ang kinakalkal ko mga lumang papeles,lumang litrato at kung anu-ano pa sa kabinet ni mama. pero ni isang sulat o litrato ng tatay ko wala naman akong nahahanap minsan tuloy naiisip ko chena lang yata si daddy eh.

Read more

Show Malu Fernandez What ‘Wit’ Is: Be Intellectually Mean

After the Carl Ocab ghostwriting issue and the Misrepresentation issue, here now comes another sizzling hot scandal (though not blogging related anymore) that hits the blogosphere. Though initially I have promised NOT to write a reaction about this anymore because there are lots of posts about it already, reading some disturbing comments on some of the posts pushed me to voice out my opinion and some concerns.

What “sizzling hot scandal” am I talking about here?

For those of you who still don’t know, there’s a Manila Standard columnist, Malu Fernandez, who wrote an article entitled “From Boracay to Greece” and published in the People Asia magazine. In the article, she made some condescending remarks about OFWs such as:

However I forgot that the hub was in Dubai and the majority of the OFWs (overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them.

While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of “HOY! Kumusta ka na? At taga sann ka? Domestic helper ka rin ba?” Translation: “Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?” I though I had died and God had sent me to my very own private hell.

On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while Jo Malone evaporated into thin air.

To read the full article, click on the thumbnails:

people-asia-p30.jpg people-asia-p31.jpg

These images, together with enraged blog posts and comments, spread in the internet like wildfire. And as if to throw more wood to the fire, she wrote a second article which seemed worse than the first one.

Here are some excerpts:

Continue reading this entry

Thoughts Aside

For 642-892 as well as 642-901, it is important to have at least 642-642 under your belt. If not, at least try for a 642-812.

Just Bitching

I don’t feel like writing something. Though my mind is filled with ridiculous ideas waiting to make an entrance out from my mental orifice. Still I feel lifeless despite the fact that I gave up my Greta Garbo mode (with the matching hand on the forehead) regarding on my recent problems. Because bitch it is getting so depressing here and since there are other people who got bigger problems than I have. I should be more thankful that there are people out there who really cared for me and be optimistic. I think it is the right attitude when one is down in the dumps.

Anyway, I miss the weather last week when it was all sunny and you can see half naked guys or girls sunbathing on the park in the city. Oh the place is indeed full of vitamin As (or eyecandy) which was too much for my queer eyes. I didn’t manage to get pictures of the guys sunbathing (bummer!) but I got this one instead:

Read some more baby…

Pitong Libong Pulo: Binigkis ng Iisang Wika

This is my official entry for Pinoy Blogosphere’s Wika 2007 Writing Project with the theme “Maraming Wika, Matatag na Bansa”.Original Entry at http://micamyx.i.ph/blogs/micamyx/2007/08/17/pitong-libong-pulo-binigkis-ng-iisang-wika/
———————————–

Isa sa mga katangi-tanging impormasyon ukol sa Perlas ng Silanganan ay ang pagkakaroon nito ng mahigit kumulang pitong libong pulo na nahahati sa iba’t ibang rehiyon at ang pagkakaroon ng bawat lalawigan ng kani-kanyang dialekto.

Noong ako’y nasa elementarya pa lamang, pinagdiriwang naming sa eskwelahan ang Buwan ng Wikang Filipino at ito na rin ang nagsisilbing pagbibigay-pugay ng mga estudyante sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Presidente Manuel L. Quezon. Siya ang dapat natin pasalamatan kung bakit meron tayong isang wika na ating ginagamit upang makihalubilo sa kapwa natin Pilipino. Sa buwan na ito natin pinagyayaman ang ating kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at nauuuso din ang mga iba’t ibang patimpalak kung saan natin maipapakita ang ating tunay na kinagisnan ng ating mga ninuno.

Napagdebatihan din naming minsan sa aming klase kung isa nga bang hadlang ang dami ng dialekto ng ating bansa sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa ating bansa?

Kung ikaw ay isang taong dayuhan sa isang probinsya, malalaman mo ang pagkakaiba ng bawat taong naninirahan dito. Ang mga ilokano ay kilala sa pagiging matipid at pagiging masinop nito. Ang kanilang boses ay karaniwa’y malumanay ngunit parang mga reyna ng kidlat kung magalit. Ang mga batangueno naman ay tunay na malalakas na kitang-kita rin sa kanilang pananalita at sa mga produkto kung saan sila kilala. Ang mga taga-Pangasinan ay likas na masiyahin at matulungin ngunit iba kung ito’y masaktan. Ang dialekto ay sumasalamin din sa isang lugar.

Isa sa mga nagiging problema ng mga Pilipinong lumaki sa iba’t ibang probinsya ay nagkakaroon din ng mga hindi pagkakaunawaan dahil may mga salitang parehong nasa kanilang diksyonaryo ngunit magkakaiba ang kahulugan. Halimbawa na lamang ang salitang “Utot”. Sa mga sanay gumamit ng tagalog, ito ay ang hangin na lumalabas sa isang parte ng ating katawan na may kakaibang amoy. Sa mga ilokano, ito ay nangangahulugang daga. Basahin ang sumusunod na pangyayari:

Tagalog: Ang baho ng utot!

Ilocano: Utot? Nasaan ang utot?

Tagalog: Syempre hindi ito makikita

Ilocano: Bakit naman hindi yun makikita?

Tagalog: Kasi nasa hangin na

Ilocano: Ewan ko sayo niloloko mo ako!

Kahit ang salitang “bao” ay maaaring makapagumpisa ng hindi pagkakaintindihan. Sa tagalog, ito ay galing sa buko na ginagawang palaman. Sa mga Pangasinense, may halo na itong kabastusan.

Hindi lang sa pagkakatugma ng mga salita na magkaiba ang kahulugan tayo nagkakaproblema. Ang punto ay isa rin sa nakikitang problema. Tila hindi mo malaman kung galit nga ba o nagpapaliwanag lang ang isang tao tulad na lamang noong ako’y napunta sa isang lalawigan. Akala ko pinapagalitan ako noong jeepney driver yun pala likas na malalakas ang mga boses ng mga taga-roon.

Ang ilan sa ating mga kababayan na lumaki sa marangyang buhay ay sinasanay ng kanilang mga magulang na gumamit na lamang ng wikang ingles. Walang masama sa paggamit ng ingles dahil ito ang nagsisilbing medium para makausap natin ang mga banyaga mula sa ibang bansa, ngunit tama bang isantabi natin ang ating sariling wika? Tama ba na ni hindi alam ng ating mga anak kung ano ang pandiwa at pang-uri? Tama ba na wala man lang silang alam sa lalawigan kung saan sila nangngaling?

Sa aking sariling pananaw, ang pagkakaroon ng iba’t ibang dialekto ng isang bansa ay hindi hadlang kundi isang elemento para magkaisa ang ating bansa. Bakit? Dahil tayo ay binubuklod ng Wikang Filipino. Sapagkat dahil sa wika at mga dialekto ay nagkakaroon tayo ng interes para kilalanin pa ang isa’t isa. Ano kaya ang ibig sabihin ng ganitong salita sa kanila? Ano kaya ang kanilang ikinabubuhay? Ano kaya ang kanilang mga pinagmamalaking pasyalan? Sino kaya sa mga sikat na personalidad ang lumaki sa lugar na iyon? Ano ang alamat nila? Ano ang kanilang sinaunang kasuotan? Ang listahan ng mga katanungan ay nadaragdagan at ito ang rason kung bakit kahit na tayo’y magkakahiwalay, Ikaw, Ako, Tayo – ay karapat-dapat na tawaging PILIPINO.

Liham pasasalamat kay PILIPINO

—————————————————————————————————————————

Mahal kong Pilipinong WIKA,

A-BA-KA-DA ang una kong nabasa at naintindihan nong nasa grade school pa ako, don kita nakilala at naging A-B-C-D-E ng magturo sa akin ang teacher ko, don ko rin nakita si ENGLISH. Pagdating sa amin, “Mama, maayong hapon” – isang paggalang sa matatanda, nakilahok rin si BISAYA. nang naghighschool ako, lagi si ENGLISH ang kasama ko, ” Hello! Hi! How are you? I’m Mark and may i know your name?” pero ni minsan di ko nakalimutan ang amigo kung BISAYA. Ngayong, katatapos ko lang magkolehiyo at may trabaho na, marami narin akong natutunan at nakilala na mga WIKA. Nakichat narin sa akin si FRENCH, nagemail narin sa akin si SPANISH at nakipagusap narin sa akin si JAPANESE, marami pala kayong mga pamilyang WIKA no? At gusto kong malaman mo na dahil sa iyo eh, natanggap ako sa work ko ngayon bilang IT Technical Support. Sorry nga pala kasi minsan pag night shift ako eh puro si ENGLISH yong pinaglalabas ng bunganga ko. Pero ikaw lagi ang nasa puso at isipan ko.

At higit sa lahat pala, nagpapasalamat ako kung di dahil sa iyo at sa ibang kapatid mong WIKA na nameet ko eh di ako aasenso at maging matagumpay at matatag sa buhay. At dahil sa inyo, lalong aasenso ang bayan dahil sa pagasenso ng mga tao dito.

Salamat sa inyo lahat! lalo kana Pilipinong WIKA!

Nagmamahal,

Mark

—————————————————————————————————————————

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

  . .