Pista ng Wikang Filipino/The Spectacle of the Filipino Language

Pista ng Wikang Filipino

(original Filipino)

   Kadalasan, sa ganitong paraan natin ipinagdiriwang ang “Buwan ng Wika:” magsusuot tayo ng barong at salakot, baro at saya.  Magluluto tayo ng bibingka, magbabalot ng suman.  Maghahanap tayo ng pagkarami-raming kawayan: magbubukod tayo ng ilan para sa tinikling, ang isa’y papahiran natin ng langis para sa palo sebo, at ang nalalabi ay puputulin natin para gumawa ng aparato para sa pabitin.  Sa loob ng isang linggo ng Agosto, o kung di man sa mga Biyernes ng Agosto, lahat ng ating kurso ay itinuturo sa wikang Filipino.

   Maraming nagsasabi na hindi sapat ang isang buwan para ipagdiwang ang wikang Filipino.  Ngunit sa aking palagay, sa tuwing sasapit ang Agosto, madalas na ipinagdiriwang natin ang salitang Filipino, at hindi ang wikang Filipino.  Madalas na ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyon ng bukabularyo: ang pag-unawa natin sa ating sariling wika ay limitado lamang sa nilalaman ng diksyunaryong Filipino, sa mga kumbensyon ng balarila, at sa isang linggong tagubilin na ituro ang mga kurso sa paaralan “sa wikang Filipino.”

   Ngunit limitado ang ganitong pag-unawa: ikinakahon ang wikang Filipino sa isang sistema ng pananalita, sa isang paraan ng komunikasyon.  Madalas na ang wikang Filipino ay limitado sa mga limitasyon ng pagsasalin, sa pagiging bukambibig lamang.  Sa panahon na isinusulat ko ang sanaysay na ito, sumasangguni ako sa isang diksyunaryong nagsasalin ng Ingles sa Filipino: aminado akong limitado ang aking kasanayan sa pagsusulat sa aking sariling wika.  Si Rizal na mismo ang nagsabi: higit akong sanay sa wikang banyaga (Ingles), kung kaya’t higit pa ang amoy ko sa malansang isda.

   Dumanak ang dugo at buhay ang itinaya upang tayo ay magkaroon ng sarili nating wika.  Dumanas ang wikang Filipino ng pagkarami-raming isyu ng pulitika upang maging ating pambansang wika.  Nagbabago ang wikang Filipino upang sumabay sa mga pagbabago ng kultura at kasaysayan.  Kung tutuusin, ang wikang Filipino ay siya na ring nagsisilbing kulturang Filipino: ano man ang mga pagkakaiba natin bilang mga rehiyon, bilang mga katutubo/grupong etniko, kaibahan sa kasarian o antas natin sa buhay, ang wikang Filipino ang siyang nagbubuklod sa atin.  Ang wikang Filipino ang siyang pangunahing pamantayan ng pagiging isang Pilipino.

   Ngunit kasabay ng pagbabago sa kultura at kasaysayan ang “globalisasyon” at pagbabago sa pagtingin sa wikang Filipino.  Sa isang “globalisadong” mundo na Ingles ang siyang “wika ng komersyo at kalakalan,” nakalulungkot na isipin na hindi na tinitingala ang wikang Filipino: kadalasang mas may prayoridad ang kahusayan sa Ingles kaysa sa kahusayan sa sariling wika.  Kadalasang “tunog-mayaman” ang Ingles, na ang kahusayan dito ay puhunan at susi tungo sa pag-unlad ng sarili at ng bayan.

   Ngunit ang ganitong pag-unawa sa wika ang isa sa mga pinakamalaking problema ng wikang Filipino: ang pagtalakay sa wika bilang isang bagay na walang buhay o kabuluhan, bilang isang materyal na konsepto.  Para sa akin, ang wika ay hindi lamang isang koleksyon ng samu’t-saring mga salita na ginagamit ng isang grupo ng mga tao sa isang lugar o panahon.  Ang wika ang siyang pagpapakahulugan ng kultura o isang manipestasyon ng kultura.  O kung hindi man, ang wika ay hindi maiihiwalay sa kultura: maaari nating sabihin na ang wika ay kultura.

   Sa ganitong pagpapakahulugan, nagiging palaisipan sa akin kung bakit “pobre” at “masa” ang pagtingin sa wikang Filipino, at kung bakit sa tuwing sasapit ang Buwan ng Wika ay nagmimistulang may pista sa mga paaralan na kung saan talagang “ipinagdiriwang” ito.  Kung di man nakakatawa ay nakakabahala ang “pagdiwang” sa wika at kultura: hindi ito tumitigil sa tagubiling ituro ang mga klase sa wikang Filipino, kundi sa pagsusuot na rin tuwing Biyernes ng mga pambansang kasuotan tulad ng barong Tagalog at patadyong.  “Ipinagdiriwang” natin ang ating kultura sa pamamagitan ng paligsahan sa pagluto ng bibingka at suman.  May mga patimpalak sa kung sino ang pinakamagaling sa pagsasadula sa trahedya ni Sisa sa “Noli Me Tangere.”  Dito rin natin makikita ang mga sari-saring sayaw tulad ng cariñosa, tinikling, pandanggo sa ilaw at iba pa, at may paligsahan pa nito.  Dito rin natin malalaman kung ano ba talaga ang pambansang ibon (maya ba o agila) sa mga quiz bee.  At pagkatapos ng pistang ito ay babalik muli tayo sa kulturang kolonyal: sa kulturang hindi atin, sa wikang hindi sariling atin.

   Totoong hindi nasusukat ang pagiging makabayan sa pagiging bihasa sa sariling wika.  Kung sa akin lamang, hindi ako nakabababang uri ng makabayang Pilipino dahil lamang hindi ako makapagsulat sa Filipino na walang disksyunaryong pansalin, o di kaya’y dahil hindi ako kumain ng bibingka at nagsuot ng salakot ngayong buwan.  Ngunit hindi rin nasusukat ang pagiging makabayan ng isang lipunan sa pamamagitan ng pagtatabi ng isang buwan o linggo sa kalendaryo para ipagdiwang ang kanyang sariling wika at sariling kultura.

   Para sa akin, ang Buwan ng Wika ay hindi panahon upang magsuot ng barong, magpakabusog sa suman o magpumilit na magsalita o magsulat sa baluktot at mala-librong uri ng Filipino.  Hindi ito panahon upang magnilay-nilay kung bakit si Manuel L. Quezon ang nasa dalawampung piso at hindi si Lope K. Santos.  Hindi ito pagdiriwang ng mga salita sa talasalitaang Filipino at kumbensyon sa balarilang Filipino.  Ito ay pagdiriwang ng kultura.  Ito ay pagdiriwang ng kasaysayan sa ating buhay.  Ito ay pagdiriwang ng Pilipino.  Ito ay pagdiriwang ng wikang Filipino: isip ng Pilipino, salita ng Pilipino, gawa ng Pilipino, diwa ng Pilipino.

   Maraming nagsasabi na hindi sapat ang isang buwan upang ipagdiwang ang wikang Filipino.  Sang-ayon ako dito, kung di man dahil hindi natin sapat na ipinagdiwang ang wikang Filipino.  Nawa’y magsilbing tanda ang Buwan ng Wika na masyadong mayaman at matatag ang wikang Filipino, ang kulturang Filipino – at ang Pilipino mismo – para sa iisang buwan lamang.  Dahil sa lahat na ito, sigurado akong hindi limitado ang Pilipino sa isang balot ng bibingka, at ang kanyang yaman sa wika ay hindi nasusukat sa dalawampung piso na may mukha ni Manuel Quezon.

*      *      *

The Spectacle of the Filipino Language

(English translation)

   Often, this is how we celebrate “Buwan ng Wika:” we wear a barong and a salakot, a baro at saya.  We cook bibingka, we wrap suman.  We look for all lengths and kinds of bamboo: we take a couple lengths for tinikling, we grease one up for palo sebo, and cut up the rest to make a frame for pabitin.  For one week in August, or perhaps all Fridays of August, all our courses in school are taught in Filipino.

   Many people say that a month is not enough to celebrate the Filipino language.  But for me, August becomes a spectacle, a celebration of Filipino words, and not the Filipino language.  Often, Buwan ng Wika becomes a celebration of vocabulary: our understanding of our own language is limited to the words in a dictionary, the conventions of grammar, and the recommendation that for one week, school subjects should be taught “in Filipino.”

   But this understanding is limited: the Filipino language is boxed into a system for conversation, a method of communication.  Often, the Filipino language is limited to the very limitations of translation, that it is a coherent utterance.  At the time I’m writing this essay, I consult from time-to-time with an English-Filipino dictionary: I admit to having a limited grasp in writing in my own language.  I take my cues from Rizal: since I’m more used with a foreign language (English), I reek more of the smell of rotting fish.

   Blood was shed and lives were put at stake that we may have our own language.  The Filipino language went through a gauntlet of politics to be our national language.  Filipino changes to go with the changes and dynamisms of culture and history.  Come to think of it, the Filipino language is itself constitutive of Filipino culture: whatever differences we may have in the way of regional identity, ethnicity, gender or economic class, the Filipino language binds us all in being Filipino.  The Filipino language becomes deterministic of what makes a Filipino.

   But with these dynamic changes in culture and history comes “globalization” and a change in the way we view the Filipino language.  In this “globalized” world where English is the “language of commerce and trade,” it is quite saddening to think that we no longer look at the Filipino language with the same accord and esteem we did back then: often, there is a premium put in English skills and proficiency than skills and proficiency in the language of one’s motherland.  Often, we look at English as “rich,” that English skills are investments and are keys to self-development and national development.

   Understanding our language this way is one of the biggest hurdles confronted by the Filipino language: an understanding of language as lifeless, meaningless, as something inanimate and material.  For me, language is not a mere collection of different words used by a group of people in a point in time and a location in space.  Language is what defines our culture, much less what manifests our culture.  If not, language is inextricable from culture: we can even say that language is culture.

   Given this definition, it puzzles me why the Filipino language is seen as “poor” or “declassé,” and why every time we celebrate Buwan ng Wika we are entreated to a spectacle: particularly in schools where we this is often “celebrated.”  If there’s nothing remotely funny about it, there is something bothersome about the spectacle of language and culture: it doesn’t end with the recommendation to teach classes in the Filipino language, but it is further extended into wearing national costumes like the barong Tagalog and the patadyong on Fridays.  We “celebrate” our culture through cooking contests for bibingka and suman.  We hold contests on who acts out the best portrayal of the tragedy of Sisa in “Noli Me Tangere.”  It is in this spectacle where we see our national dances like the cariñosa, the tinikling, the pandanggo sa ilaw, and others, in the form of dance contests.  It is here that we know what really is the national bird (is it the maya or the monkey-eating eagle) in quiz bees.  After this spectacle, this festival, we go back to our old colonial ways: we go back to a culture which is not ours, a language we cannot call – and never was – our own.

   True: nationalism and national pride cannot be measured in one’s proficiency in one’s own language.  In my case, I don’t consider myself a lower form of a nationalist or that I have no pride for my country because I can’t write in Filipino without a dictionary with translations, much less that I didn’t eat my share of bibingka or wore my straw hat this month.  But nationalism and national pride for a people cannot be measured by setting aside a month or a week in the calendar to “celebrate” its own language and its own culture.

   To me, Buwan ng Wika is not the time to wear a barong, to stuff one’s stomach full with suman, or to force one’s self to speak or write in a crooked bookish kind of Filipino.  This is not a time to wonder and ruminate about why Manuel L. Quezon is in the 20-peso bill and not Lope K. Santos.  This is not a festival of words in the Filipino vocabulary and the rules of Filipino grammar.  This is a constant celebration of culture.  This is a constant celebration of history.  To celebrate Buwan ng Wika is to celebrate the Filipino.  This is indeed Buwan ng Wikang Filipino: the mind of the Filipino, the talk of the Filipino, made by the Filipino, the Filipino spirit.

   Many people say that a month is not enough to celebrate the Filipino language.  I agree: if only because we have not celebrated our language enough beyond the spectacle we have for it.  I hope that Buwan ng Wika serves as a reminder that our language, or culture – the Filipino people themselves – are far too culturally wealthy and culturally diverse for us to confine ourselves to a month of spectacular and superficial celebration.  For all this is worth, I’m quite sure that the Filipino is not limited to a bibingka wrapped in a banana leaf, and that the Filipino’s wealth found in his/her language and his/her culture is not worth the 20-peso bill with Manuel Quezon’s face.

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

15 Responses to “Pista ng Wikang Filipino/The Spectacle of the Filipino Language”
  1. rhed says:

    ahmm.. plss…

    mgpouse nmn po kau ng mga “makabagong talasalitaang pilipino”..

    thankzz po..

  2. anony just asking.... says:

    saan naggaling ang FILIPINO language??? bakit hindi tagalog cebuano ang pambansang WIKA..?? bakit kaya… kng may alam lgay nyo

  3. netherlyn says:

    galing sna my ma22nan aq!!!!!!!!!!!!!

  4. jhaymixie says:

    filipino ang tawag satin,but pwede din xia sa language en the real language is tagalog,pero yung know ng mga taga ibang bansa sa wika ntin ay filipino,but for us pinoy we call our wika as tagalog diba………=) add nio quo jhaymieliciouzzh_09@yahoo.com………tnx xap…!!!!!!!

  5. heart taker says:

    Si Quezon and ama ng wikang pambansa kaya tagalog ang ginagamit sa quezon diba?pero Filipino ang wika natin…dati Pilipino ang sa tao at Filipino sa wika pero dahil sa hiram na salita, nagkaroon ng pagbabago…Filipino= wikang tumutukoy sa lahat ng wika sa bansa natin….hindi tagalog…

  6. reniel says:

    yehey may sulatin na aqouh wahahaha…
    kya qng cnu man ang gumawa ne2 nagpapasalamat aqouh hahaha…

  7. christy says:

    nais ko lang po itanong kung may seminar po bang magaganap para sa Filipino.di ko po kasi masyado maintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa ating wika lalong lalo na sa revisyong 2001 sa ating ortografiyang filipino.

  8. christy says:

    paki send lang po ng answer sa e-mail add ko.salamat

  9. alam mo cute raw ako!!!ayaw mong maniwala?kaw bahala ka kung ayaw mo akung paniwalaan!!!!jejejeje!!!

  10. There’s no such thing as the Filipino language!

  11. Lady jhane says:

    hingi lng poh aqoh ng pabor…pde po ba mgbgay keo ng mga isyu patungkol sa wikang Filipino… salamat poh….!

  12. ahcel says:

    kmusta naman tau jan??????????/pagawa aman assign ng anak q

  13. jocarina badio says:

    itanong nyu po sa mga dayuhan kong bkit filipino ang ating salita ^_^ :)
    bgo lng po ako “_”

  14. i dont need your opinion,i just need pointers right now. stupid bitches

  15. bakit po ba ang mga pinoy mahilig sa kakanin kagaya ng bibingka,puto,suman,at iba pang mga kakanin………………….-_–_–_–_–_–_–_–_-

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .