Pudra

My Official Entry To Pinoy Blogosphere Wika 2007 Blog Writing Contest About The Filipino Language.

Lumaki akong hindi ko nasilayan ang aking ama. isa kasi ako sa mga libo-libong bata na iniwan ng kanilang mga amang sundalong amerikano o sa pinasosyal na salita isa akong Amerasian. ngunit kahit ganunpaman hindi ako nagalit sa tatay ko ni hindi ko nga sya hinanap sa nanay ko.

Pano hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin alam pano ko itatanong sa nanay ko na parang wala lang ayoko kasi ng drama eh.

Naisip ko sana may wika para dun. kaya naman sabi ko sa sarili ko tsaka ko nalang itatanong sa nanay ko yan pag nahanap ko na ang mga tamang salita para diyan.lumaki akong kalkalero kalkal dito kalkal doon pero wag kayong mag-alala gamit lang namen ang kinakalkal ko mga lumang papeles,lumang litrato at kung anu-ano pa sa kabinet ni mama. pero ni isang sulat o litrato ng tatay ko wala naman akong nahahanap minsan tuloy naiisip ko chena lang yata si daddy eh.

 

Lumipas pa ang mga panahon ngunit wala pa rin akong nahahanap na impormasyon tungkol sa tatay ko ni wala parin akong nahahanap na tamang salita o wika para mag-tanong sa nanay ko. hanggang sa ako’y magtatapos na sa elementarya nakalimutan ko muna ang misyon kung yun.

Siyempre high school na yata ako kailangan isipin ko muna ang sarili ko ito na yata ang panahon ng paglalakwatsa at pakikipagsosyalan. sa mga panahong iyon marami akong mga nakasalumuha tagalog,visaya,ilokano may mga taga ibang bansa pa nga kaya naman naisip ko hindi kaya isa sa mga wikang ito ang kailangan ko para sa aking misyon?

Naging makulay talaga ang aking high school life maliban sa aking mga nikilala, dito rin ako unang umibig at nasaktan pano ba naman kasi feeling ko babae ako eh hindi naman ayun. halos hindi ako makagradweyt ng high school sa sobrang colorful nito. pero salamat naman kahit papaano nakatapos naman ako. hindi ko na muna tinangkang mag college after ng high school feeling ko kasi hindi pa ako ready marami pa akong gustong ayusin muna sa buhay ko gusto ko munang sagutin ang mga tanong na bumabagabag sa akin since childhood. Sino ba si Daddy? Nasaan ba sya? Bakit nya ba tayo iniwan?

Diba ang o.a tatlong tanong na hindi ko matanong sa nanay ko for almost 16 years pati pag kakacollege ko nadamay pa.

Habang ako ay nakabakasyon sa aking pag-aaral sumasama parin naman ako sa gimik ng barkada so kung sino ang mga new friends nila friends ko din. sa part na to nakilala ko si Karla hindi siya babae bading din siya pero amaze na amaze ako sa kanya kasi naman ang galing galing niya mag latir o mag gaylingo. puro nalang chenes,chuva,eklavu,chorva ang lumalabas sa bibig niya napakanatural nang dating parang ito ang kailangan ko para masagot ang mga tanong sa buhay ko.

Kaya patuloy ako sa pakikinig kay karla at sa kanyang mga latir hanggang sa ako’y makabuo ng mga tanong para kay mama halimbawa nang “Mudra Wersung ba si Pudra” sabay sabi nang chena, o diba napakanatural nang dating walang drama walang kung anik anik na emosyon. pero paano ako sasagutin ni mama eh kung hindi naman niya naiintindihan ang tanong ko? so naisip ko problema nanaman to, pero madali kong nagawan nang paraan ang problemang ito. simple lang palaganapin ang latir sa buong kabahayan kaya naman araw-araw kung isinasama si karla sa bahay. at hinahayaan ko siyang pumutak ng pumutak lalo na pag nandiyan sila mama at mga kapatid ko.

Pagkalipas ng ilang buwan naririnig ko na si mama na sinasambit ang mga katagang “Was Ako Kuray” at “Machena Talaga Kayo No” sa kanyang pang araw-araw na buhay, haha di ko mapigilang matawa si mama naglalatir na din, at lumipas pa ang mga araw medyo naging fluent narin si mama sa gaylingo. kaya nang minsan kami ay nanonood ni mama ng t.v at ang palabas ay tungkol sa isang pamilyang iniwan ng tatay nila, napaisip ako siguro ito na ang panahon para itanong kay mama ang mga tanong ko, isa pa wala nang panahon tumatanda na ako. kaya naman walang anu-ano nasabi ko nalang kay mama na “Ma Nasaan Ba Si Daddy” nagulat ako nang bigla siyang sumagot ng “Nasa Amerika anak bakit? Gusto mo bang hanapin?” haaaaayyyyyyy napabuntong hininga nalang ako inabot ako ng halos dalawang dekada sa paghahanap ng tamang salita para masabi ko kay mama ang aking mga katanungan ngunit simula’t simula pala ay alam ko na ang mga salitang dapat gamitin. hindi English,French o Latir kundi Tagalog.

Kamakailan lang nahanap ko na ang tatay ko hindi naging madali ang aking paghahanap pero sa tulong ng diyos,ni mama at ng aking determinasyon nahanap ko rin siya. naitanong ko kay mama ang mga tanong ko sa natural na paraan sa pamamagitan ng isang wika na ang ilan sa atin ay pilit ng kinakalimutan at ikinakahiya dahil sa kagustuhang maging sosyal.

Sa puntong iyon ng buhay ko narealise ko na ganun pala kahalaga ang isang wika kaya pala nitong baguhin ang buhay ng isang tao kaya naman hindi malayong ang isang matatag na wika ay kaya ring paunlarin ang isang bansa. kung sa aking ikatlong kasarian karapatan at tungkulin kong palaganapin ang salitang bading, bilang isang mamayang Pilipino naman ay tungkulin kong palaganipin ang ating wikang pambansa sapagkat ito ay simbolo nang ating pagiging Pilipino na kailan man ay hinding hindi natin pwedeng talikuran mag-aral ka man ng French o mag ala Harry Potter accent ka pa.

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

 
Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .