Isang Wika, Matatag na Bansa. Hindi nga?

Paano mo maituturing na isang bentahe ang pagkakaroon ng maraming dialekto ng Pilipinas? Marahil hindi. SiPinoy and Proud!mulat-sapul, ang pagkakaroon ng ating bansa ng kung ilang dialekto ay nagdulot na ng hindi mabilang na hidwaan dala ng hindi pagkakaunawaan.
Napakalaki ng ating bansa, napakarami nating mga Filipino. Higit na mas malaki ang bansang Tsina, at hindi hamak na mas malaki ang populasyon kumpara sa Pilipinas. Ngunit tulad natin, marami ring dialekto and kanilang ginagamit. Tulad din natin, mayroon silang ginagamit na pangkalahatang wika, and Mandarin. Sa Estados Unidos, malaking bentahe ang pagkakadala ng mga Europeo ng wikang Ingles. Dito sa Singapore, bagaman nahahati sa tatlong lahi Instik, Malay at Indian, na may kanya-kanyang wika, Ingles ang pangunahing ginagamit.

Paano mo masasabing matatag and isang bansa? Maganda ang ekonomiya, iginagalang and mga namumuno, walang nag-aaklas at nagproprotesta sa lansangan, walang nangangamba kung ano ang mangyayari kinabukasan, masayang namumuhay ang mga mamamayan. Isang pagmumuni-muni po lamang, kung hindi man, isang napakalaking kalokohan. Alam naman nating lahat na ito’y malayo pa sa katuparan, mana pa, sa katotohanan.

Kahit papaano pagbali-baligtarin ang mundo, matatagalan bago tuluyang matanggap  lahat ng Filipino na isa lang ang wika ng Pilipinas. Tao, hind lang wika, ang magpapatatag ng bansa. Kung hindi mo kayang unawain ang kapwa mo Filipino, kahit na nag-iisa lang ang wika natin, walang mananalo, lahat tayo, Filipino, talo.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Comments

3 Responses to “Isang Wika, Matatag na Bansa. Hindi nga?”
  1. This is not an entry to Wika 2007

  2. Frances says:

    “Kung hindi mo kayang unawain ang kapwa mo Filipino, kahit na nag-iisa lang ang wika natin, walang mananalo, lahat tayo, Filipino, talo.”

    I definitely agree. :)

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. Isang Wika, Matatag na Bansa. Hindi nga?…

    Wika nga ba ang magpapatatag sa bansa?
    Kaya bang magkaisa ng mga Filipino sa tulong ng wika?…



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .