Lord of the Potters: Isang 12-Paged na Parody Komik

Noong nakaraang linggo, marami sa atin ang natutong magdasal para lang ma-suspend ang mga klase sa lahat ng antas ng mga ilang araw. Sa dami siguro ng mga dasal na nanggaling sa mga tinatamad pumasok at sa mga umiiwas sa mga quizzes, pinagbigyan narin tayo ng itaas para tayo ay makapagpahinga at makapagliwaliw. Ang kapalit nga lang e, puspusan na paghahabol ng mga lectures pagdating ng pasukan.Magpopost sana ako ng isang mahabang artikulo tunkol kay Malu Fernandez (Yung Filipina na nangbastos sa mga OFW – Hanapin sa Google at makisama sa mga taong galit sa kanya) kaso biglang ang daming pinagawa sa amin sa eskwelahan bilang paghahabol sa mga namiss naming lectures.

Kaya naman imbes na gumawa ng article, naisipan kong ipost dito sa Buhay Kubo ang isa sa aking “critically aclaimed” na komik na ginawa ko noon. Ito ay ang Lord of the Potters: Episode 1.

Ang Lord of the Potters ay isang parody comic ng Harry Potter and Lord of the Rings series. Ginawa ko itong 12 na pahina na komik na ito para sa lampoon issue ng school paper namin sa Mapua noon. Ngayon ay ihahatid ko naman siya dito sa internet para mas lalong maraming tao ang makalimot sa kanilang mga problema, kahit sandali lang.

Ang istorya ng unang episode ay tungkol sa paghaharap nina Harry Porter, Frodo Braggins, Hermione Ranger, at Gollum Bagollum habang sila ay nagwi-window shopping sa may SM City Manila.

Babala: Ang komik na ito ay naglalaman ng mga hindi magagandang salita at mga eksena. Viewer discretion is advised.

Ipagpatuloy ang pagbabasa…

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .