Maraming *Reklamo, Matatag na Patimpalak

August 22, 2007

Una sa lahat ako’y nagpapasalamat sa lahat ng sumali at nagbigay ng kani-kanilang mga entry para sa Wika2007 Blog Writing Contest. Lubos po kaming natuwa sa dami ng mga sumali at sumuporta.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang kinikilatis ng ating pitong (7) hurado ang mga entry at kasabay nito ay tumatakbo na rin ang botohan sa Pintig. Matatapos ang judging at voting sa sabado, ika-25 ng Agosto.

Sa hindi inaasahang mga pangyayari ay biglang lumabas ang isyu tungkol sa 50% ng total rating na magmumula sa Poll. Nakakabigla kasi sa simula pa lang naman ay nakalagay na sa Wika2007 page ang impormasyon na iyon at kami’y nagtataka bakit ngayon lang nailabas ang gantong mga reklamo (kung reklamo nga ba itong maituturing). Kung hindi man reklamong maituturing ay pwede rin natin sigurong tawaging mga suhestiyon o kaya pampaganda at pang-iwas sa anumang mga duda. Ang tanong kung bakit ngayon lang ay hindi rin namin alam ang dahilan. Nangangahulugan ba ito na hindi nabasa ng mga sumali ang gantong patakaran noong sila’y sumali? o kaya kung nabasa man nila ay nahihiya pa silang magsabi ng kanilang mga saloobin sa kadahilanang hindi pa sila nakakasali? Bakit nga ba ngayon lang? Kung sana’y napa-aga na nailabas ang mga reklamo at nabigyang pansin ang bagay na ito, sana’y mas natutukan at naremedyohan ng mas maaga. Sana lang naman.

Pero ganon pa man, ang isyu ay nandiyan na. Hahanapan natin ng paraan at dedesisyonan ng naaayon sa mga kuro-kuro, suhestiyon, reklamo, idea at boses ng mga nagmamalasakit at naghahangad na mapatatag ang patimpalak at mga naglalayon na maging matagumpay ang nasimulan. Tignan na lang natin ang mas magandang dulot nitong isyu na ‘to. Sa pamamagitan nito mas napapatatag natin ang pundasyon ng ating patimpalak na siya naman nating kapupulutan ng mga aral para sa mga susunod pang mga aktibidad na ating ilulunsad at pagyayamanin. Nakikita natin dito na sa mga boses ng marami ay nakakamit natin ang katatagan ng ating mga isinusulong at kalinawan ng mga bagay-bagay habang tayo’y nagbabatuhan ng mga idea na minsan ay nasa porma ng reklamo.

Huwag kayo mag-alala, maaayos natin ‘to. Sa tulong niyo at sa pagkakaisa ng lahat, papasaan ba at sa tagumpay lang din ang kahahantungan ng ating Wika2007 ;) Mabuhay po tayong lahat! 

* Pasensiya na sa term na nagamit. Kung negative man ang dating eh ipagpaumanhin ninyo at wala ako maisip na ibang akmang salita sa ngayon.

Related posts:

 

 

Comments


10 Responses to “Maraming *Reklamo, Matatag na Patimpalak”

  1. Filipinayzd on August 22nd, 2007 3:04 am

    Hahaha ang galing ng taytel! Maugong ang Wika2007 (take it as a compliment).

    Ipinost ko ang “Vote for my Wika2007 entry” upang ipakita na posibilidad na maaaring abusuhin ang poll, nang mariyalayz ko na makaboboto ang sinumang magrerejister. Buong akala ko (maraming nagkakamali sa akala), yung mga naglalagay ng post at ng kopya ng kanilang mga post dito (akala ko dati aggregator ito) ang mga boboto:

    Authors
    pbsadmin (10)
    admin (71)
    mythos07 (1)
    dyudyu (59)
    Baddie (17)
    Mike+Lopez (2)
    monicai (1)
    (1)
    bratyfly (9)
    jepoy (3)
    j4s0n (3)
    (50)
    selaplana (10)
    fluxbyrne (2)
    kapamilyaone (1)
    L.A (11)
    Carlo+Roxas (5)
    Benj+Arriola (6)
    jammed (31)
    nostalgiamanila (24)
    mjolnir (4)
    ardyll_jay (18)
    exsanguinatrix (2)
    cheeseter (3)
    elfie749 (2)
    (1)
    ChrisH (89)
    edelweiss (7)
    ApplesH (102)
    rexted (52)
    JaypeeOnline (11)
    g0ma (4)
    Shari (44)
    nascent26 (2)
    jonathan_tabianan (2)
    the+jester-in-exile (2)
    skopun (33)
    Bean (8)
    Euri (1)
    Prudence (72)
    mon+paningbatan (6)
    batingaw (1)
    bakla (10)
    (1)
    (1)
    jun.anteola (3)
    Jhed (1)
    jjjunio (22)
    maryan_descallar (1)
    dodi0143 (1)
    bratyfly (12)
    keysinunez.com (2)
    ascolti (3)
    savitri001 (1)
    spoiledgeek (1)
    misterhubs (2)
    (6)
    (10)
    liz (1)
    empressmaruja (81)
    gmtristan (26)
    Laibeus+Lord (1)
    Ann (2)
    ericzoo (1)
    charles_gwapo23 (25)
    pinoy (4)
    (9)
    (1)
    fjordz (1)
    AnitoKid (1)
    sirmartin (2)
    charleslemark (29)
    McKee (7)
    dreamflow (18)
    noneed4ink (10)
    erisac (8)
    itos_success (1)
    virniel (1)
    arelente2 (19)
    MustBeThatGirl (1)
    guilar (1)
    Chino+Yray (2)
    (7)
    gibo (4)
    (39)
    raredog (13)
    johnrulz20032003 (20)
    aaronjames (3)
    leiryll (2)
    peterganzon (5)
    Shutter+Box+PHilippines (35)
    ebudae88 (1)
    lostluna (3)
    bluepanjeet (1)
    invisiblewings (9)
    (11)
    ajay (1)
    sphaggy (3)
    sarahcada (2)
    karlom87 (47)
    pinoyblogero (47)
    ninong (1)
    Hermitanyo (1)
    royluga (10)
    EG-ONLINE (1)
    kidglove (26)
    atomicgirl (11)
    Frances (14)
    nina+bumanglag (18)
    jackryan68 (13)
    pinoysaamerika (1)
    glassyeyed (1)
    Ella (1)
    battik (2)
    (1)
    cokskiblue (6)
    neil_alexandro (2)
    bingskee (1)
    %60ch13f (1)
    transformer (7)
    Em+Dy (9)
    mcaethen (3)
    aclworld (2)
    animohosting (1)
    lapak2002 (1)
    inboundpass (2)
    lenalei (1)
    mikodsantos (1)
    gurugeek (4)
    ericclarksu (6)
    vertito (1)
    quincyjohn (18)
    mongster (14)
    djoshuatree (3)
    franco (1)
    tanom (1)
    nandhithabharath (1)
    blogie (1)
    Lestat_m (2)
    lestat (4)
    vaugnfreech (1)
    chardinet (2)
    caffeinesparks (18)
    inkblots (18)
    close (1)
    LinkedPH (3)
    (1)
    hatchzel (11)
    babymex (1)
    Coiledice (1)
    silkenhut (6)
    daracks (2)
    Fritz+Tentativa (7)
    (1)
    MelGeah05 (1)
    empressbalita (13)
    micamyx (1)
    EatMyBooger (1)
    smartalkings (1)
    leonmagnus02 (1)
    Mike810 (2)
    bamertz (1)
    santigwar (2)
    councilorlavina (1)
    heneroso (1)
    jeimaru (1)
    hazelsheryll (7)
    TanniX (1)
    AOLionheart (1)
    kotsengkuba (2)
    sisigman (1)
    rozeh (1)
    mcrey (1)
    Alex+Reden (2)
    ynon (1)
    timlight (2)
    gee_ace (1)
    paulvincent (1)
    sardonyx (1)
    don (1)
    niessuh (1)
    Laarni (1)
    akosimamangsorbetero (1)
    (1)
    filipinayzd (2)
    denibjosette (1)
    raymund23 (1)
    garryvictor1 (1)
    pulsecircle (1)
    letsgotophilippines (1)
    kcvictoria (1)
    icarus05 (1)
    chibicolana (1)
    marocharim (1)
    (1)
    Culture+Shiok (2)
    cars (1)
    Lester_Cavestany (1)
    karlaloveschocolate (1)
    donald+bercasio (1)
    edgarallanregala (1)
    ladybeebomb (4)
    shin_shin (1)

    Wala akong problema sa concept. Hindi ko intensyon na guluhin ang contest na ito. Inilabas ko kaagad ang opinyon ko sa very moment ng realization. Isinusulong ko ang wika at mga wikang Filipino. Marami pa lang Bicolano rito! :)

  2. dYu on August 22nd, 2007 3:26 am

    salamat sa kompliment kabayan :) pagpasensiyahan nyo na at unang taon pa lang ‘to ng Wika Blog Writing Contest ng PBS. Sigurado sa mga susunod na taon ay mas maayos at mas maganda at mas matatag siyempre :D nang dahil sa tulong niyong lahat.

  3. dYu on August 22nd, 2007 3:28 am

    at pangalawang aktibidad pa lamang ito… una yung Kalayaan2007 :D ano kaya ang susunod? hmmmmmm.

    may suhestiyon ba kayo?

  4. empress maruja on August 22nd, 2007 4:35 am

    I just realized that I’m the second biggest ‘ho in PBS, with 81 entries…hahaha!

  5. Filipinayzd on August 22nd, 2007 4:56 am

    I just realized that “Vote for my Wika 2007 entry” is the second most commented after “Wika2007″, with 49 comments…hahaha!

  6. ynon on August 22nd, 2007 8:17 am

    I for one, at this very early stage, would like to congratulate this collective effort of Philippine blogging community. Now we know how strong and effective blogging is in bringing out the nationalistic pride that most Filipinos thought had vanished from our hearts.

    As for the “reklamo”. I think the organizers should not be alarmed of the comments, questions and suggestions from any parties and in any medium or venue concerning the Wika2007. This is a very healthy social human intercourse. We can always treat them constructively with positive results. ;)

  7. dYu on August 22nd, 2007 1:30 pm

    Maraming salamat sa lahat ng nagkoment at nagbigay ng mga saloobin :) Hindi nga dapat “Reklamo” ang term na ginamit ko hehe. Sensiya na po ;) “Komento” pala dapat. Maraming salamat ulit at ipagpatuloy nyo po ang pagbibigay ng mga Komento at kung sakali man na sa ibang blog nyo ilagay ang mga komento nyo tungkol sa Wika2007, ipinapakiusap po namin na sana’y ma-inform nyo kami tungkol sa inyong komento at paki-send po sa amin ang URL ng post kung saan nakalagay ang mga komento nyo nang sa gayon ay mabasa at masagot namin kung sakali mang kakailanganin naming sagutin. Hindi po namin masasagot ang mga komento nyo kung hindi nyo ipapa-alam sa amin at kung hindi namin mababasa. Paki-email na lang po sa wika2007[at]pinoyblogosphere.com ang mga Komento niyo na nakalagay sa ibang blogs. Yun lang po at lubos po ulit kaming nagpapasalamat sa inyong lahat.

  8. andianka on August 22nd, 2007 3:34 pm

    hahahah! MAbuhay ang wika2007… :) mabuhay dahil buhay na buhay ang pagpapalitan ng komento, suhestiyon, at ideya. sa mga participantes at mga mambabasa, kung inyo pong makikita, patuloy nating itataguyod sa mundong ito ang malayang pagpapahayag. sana lang ay gamitin ito ng maayos.

    o cya.. trabaho na at ituloy ang pagpapatakbo ng programang ito. nyahahahha! :P

  9. Frances on August 23rd, 2007 5:49 am

    I agree that the organizers should not be swayed so much by the comments and concerns raised by other people (including myself).

    Don’t worry, I will respect your decision. I am even open to deletion of duplicate IP Address votes if that’s what the organizers decide.

    Although everyone must respect organizers’ decisions, siyempre respect can’t be imposed. And we can’t please everyone, right?

    Ako, after I said my piece I just let it be, I didn’t even go back to my post nor Filipinayd’s post.

    I only went back today to read this entry because when I saw the words “maraming reklamo” in my inbox, I wanted to know kung gaano ka daming reklamo at kung reklamo nga ba sila or concern lang.

    Well, I still have class so I only read this post and Shari’s.

    Good luck to us. :)

  10. ynon on August 23rd, 2007 8:00 am

    I guess dYu cleared it out that it’s not “reklamo” anymore. ;) Thanks dYu. :)

    As for the ruling, the organizers have my respect. It may not be the best decision but at least you considered one of the concerns(DUPLICATE IP ADDRESS) of some participants here (including myself).

    Rest assured that you have my support to all your endeavors such as this. Keep the democratic process going.

    Mabuhay tayong lahat.

    :)

Got something to say?





Your Ad Here
. . . . . . . . . . . . .