“Matatag na Wika2007″ Update
Noong lunes ay sinimulan natin ang Judging period ng ating patimpalak at halos kasabay nito ay nagsimula din ang iba’t ibang mga reklamo komento tungkol sa nakasaad sa Mechanics na ang 50% ng kabuuang rating ng mga entries ay manggagaling sa Online Poll.
Sa post ni filipinayzd makikita ang karamihan ng mga komento ng mga kasapi sa patimpalak. Makikita doon ang mga iba-ibang reaction at saloobin ng mga sumali sa contest. Nasundan ito ng post ni Frances tungkol sa kanyang Reflections tungkol sa Online Poll ethics. Sumunod namang nag-post si timlight at inilahad naman nya ang kanyang mga Observations sa judging issues.
Di nagtagal ay sumagot at nag-post na rin ang isa sa mga organizers ng patimpalak na si andianka. Nag-post din si dYu ng kanyang maikling sagot. At ganon din naman ang ginawang pag-post ng isa sa mga sponsors na si shari.
Bilang preparasyon sa gagawing final decision ng mga organizers tungkol sa isyung ito, sinikap nilang hingin ang opinyon ng bawat isa sa 57 na kalahok. Layunin ng organizers na malaman ang kabuuang bilang ng mga kalahok na gustong mabago ang dati nang nakalatag na patakaran. Gusto nilang makita kung dapat nga ba o hindi na baguhin ang mechanics sa kalagitnaan ng judging period.
Nagpapasalamat ang mga organizers sa mainit at naguumapaw na partisipasyon ng mga kalahok. Ang lahat ng mga komento, suhestiyon at mga ideang inyong ibinigay ay makakatulong at kapupulutan ng mga aral upang lalong mapaganda, mapatatag at mapagtibay ang ating patimpalak sa mga susunod pang mga taon.
Nang matapos ngang makuha ng mga organizers ang mga sagot at komento ng mga kalahok at pagkatapos ng kanilang deliberasyon ay napag-desisyunan nila na ngayong taon ay walang babaguhin sa dati nang nakasaad na computation na 50% ng kabuuang rating ay ang poll rating at 50% din naman ang judges’ rating.
The winners of the contest shall be the entries with the highest scores. Fifty percent of an entry’s score shall come from votes from online poll, and the other fifty percent shall be from the panel of judges.
Sana’y maunawaan ng lahat kung bakit ganyan ang desisyon ng mga organizers.
Para naman sa kaalaman ng lahat, heto ang computation na gagamitin:
we will get the total number of registered users who voted for all the wika2007 entries. yes just those who voted for the wika2007 entries and that would be our denominator.
our numerator will be the number of votes (or users who voted) for a particular entry…
so if there are 1000 registered voters and let’s say participant Juan dela Cruz (JDC) gets 750 votes, JDC’s rating will be 750/1000 * 100 = 75%
and so 75% will be JDC’s rating for the Poll.
next we would combine the poll results with the result from the panel of judges and get the average.
if JDC gets 60% rating from the judges then we’ll compute JDC’s total rating as follows:
(PollRating + Judges’Rating) / 2 = FinalRating
(75% + 60%) / 2 = 67.5%or
(50% of PollRating) + (50% of Judges’Rating) = FinalRating
75%/2 + 60%/2 = 67.5%
At kung bigla naman kayong napa-isip at napatanong ng ganito: “will votefarming affect the other 50% of the criteria’s judging?”… heto ang pwedeng sagot sa tanong na yan…
-
2. Filipinayzd |
We over-analyzed the poll.
As of now:
Statistics
Members: 1059 (or less kasi hindi naman lahat ng ito bumuto, kasama sa bilang yung mga nagrejister na hindi bumuto, kung meron man, at bumuto nga pero hindi sa WIKA 2007 entries)
Total Links: 232
Published: 232
Queued: 0
Votes: 2612
Comments: 182dYu: “we will get the total number of users who voted for all the wika2007 entries. yes just those who voted for the wika2007 entries and that would be our denominator.”
There are only 3 entries with more than 105 votes (will get at least 10% in the poll X 50% = 5%), only 2 entries with more than 53 votes (at least 5% X 50% = 2.5%) etc. Meaning, even 50% ang sa poll, close at maliit lang ang makukuha dito. Kaya nasa judges ang huling halakhak.
-
3. ynon |
hehehe, you are right Filipinayzd. It’s still on the judges’ hands. The poll votes are merely tie breaker points. At this point, it seems insignificant.

-
4. andianka |
that’s what we’ve been trying to say the whole time… di lang namin maayos na napapaliwanag because of the hullabaloos.. ahehehe… ngayon obvious na, na sa judges parin talaga nakasalalay ang mananalo.
-
5. Filipinayzd |
The more new accounts/voters, mas mababa ang makukuha sa 50% ng mga entries. Malaki na ang 10%. Kaya sana maraming entries ang iboto natin hindi lang isa.
Sana’y malinaw na sa lahat ang mga bagay-bagay. Kapag may mga komento pa kayo at mga suhestiyon, katanungan o kung ano pa mang concerns tungkol sa Wika2007, ipagbigay-alam lang po ninyo sa amin. Mag-comment lang kayo dito o kaya i-email sa wika2007[at]pinoyblogosphere.com
Maraming salamat. Good luck sa mga participants. Mapagpalaya at mapayapang umaga sa inyong lahat. Mabuhay po tayong lahat!
Related posts:
- Vote for my Wika 2007 entry
- Reflections on Online Poll Ethics (Wika2007)
- Observations on Wika2007 Judging Issues
- DONE WITH SILENCE
- WHY NOW? Thoughts on Wika 2007 Poll Voting Complaints
- Poll Rating Computation
- We over-analyzed the poll
- < < YourPost >>
Wika2007 Blog Writing Contest
http://www.pinoyblogosphere.com/wika2007





Magulo po ang sistema ninyo. Sana noong una pa ay sinabi na ninyo para po hindi na namin pinalitan ung ads sa GUrbi ng PBS “Vote for my entry” Badge. Sa kabilang banda, marami talagang magaganda sa mga entry sana lang po ay maging patas ang mga hurado sa pagpili ng mananalo.
Magulo po? Saan ka po naguluhan? Alin po don and dapat dati pa ay nasabi na? May mga katanungan ka po bang hindi pa po nasasagot at hindi pa nakalagay sa Wika2007 page? Magsabi ka lang po at baka masagot namin nang maliwanagan ka po at hindi ka na maguluhan. Yun lang po at hihintayin po namin ang inyong mga susunod na komento, katanungan at mga suhestiyon. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo.
GUrbi, san ka po naguluhan? kung iyo pong babasahing muli, wala po kaming binago sa dating patakaran na alam nyo at nakasulat simula’t sapol sa wika2007 contest page. mas madali po siguro kung maieexplain mo saamin kung san ka nalito?
Ang alam ko po kasi ang makakakuha ng pinakamataas na boto ang magkakaroon ng 50% parang sa Star Struck. Hehehe… E di kahit highest po ako napakaliit pa rin ng percent na makukuha ng entry ko? Just want to clear things lang po. Tnx po.
Ganon po ba. Hindi po katulad ng sa star struck ang computation. Pasensya na kung iba ang expectation mo sa gagamitin na computation. Kung may suggestion ka para sa ikagaganda ng contest para sa susunod na taon, huwag ka pong mahiyang ipagbigay-alam sa mga organizers. Ang rating mo sa poll ay idadagdag pa sa rating ng panel of judges kaya huwag ka mag-alala makikita nating lahat ang resulta pagdating ng araw.
Ok. Salamat po.