Official Entry sa Wika2007
Hello mga kaibigan,
Sorry at late ang posting nito… ngayon lang kasi naka-Internet uli matapos ang libong taon… Heto ang official entry ko sa paligsahan… ayon kasi sa rules eh kailangan i-post dito ang ilang bahagi ng sulat, at heto na siya:
Maraming Wika, Matatag Na Bansa
Akda ni Deyey, siya’y di makata
(Simple ang layunin, ng entry na ito
Para Sa Wika2007 itong sinulat ko)
Ang bansang Pilipinas, may iba’t-ibang isla
Alam natin na tayo’y may iba’t-ibang probinsiya
Ito ang dahilan kung ba’t maraming wika
Lahat tayo Pinoy, iba-iba man ang salita
Nakakatuwang isipin na lamang ang Tagalog
Sa lahat ng wika, siya ang nasa tugatog
Pero kahit ganito, masasabi ko sa inyo
Sikat din ang Visaya, Ilonggo at Bicolano
Sa dami ng wika sa iisang bansa
Masarap isiping tayo pa ri’y payapa
Walang yabangan at wala ding gulo
Sa totoo lang meron… silang nasa gobyerno
Basahin ang karugtong nito sa: http://dakilangbum.multiply.com/journal/item/136/Maraming_Wika_Matatag_Na_Bansa
(Iboto niyo na rin… hehehe!)
Inglish Ispiking?
Ako si Karla Chan, estudyante ng De La Salle Zobel. Ang paaralan namin ay nasa Muntinlupa City, tulad ng San Beda Alabang.
Araw araw nadadaanan ko ang San Beda, minsan nakakapasok pa ako sa loob dahil sinusundo ko ang pinsan kong nagaaral dito. Nagulat na lang ako ng isang araw eh may nakita akong malaking banner na may nakalagay na
San Beda College Alabang is an English speaking School.
Kung naninirahan ka malapit sa mga paaralan namin, eh malamang alam ninyo na “Rival Schools” DAW ang San Beda College Alabang at ang De La Salle Zobel school. Hindi ko alam pano nga ba nagkaroon ng mga ganitong bagay-bagay, pero meron nito sa lugar namin–lalo na saming mga estudyante.
Nabalitaan ko na kapag nahuli ka ng guro na nagsasalita ng ibang wika maliban sa ingles ay malalagutan ka (ewan ko kung anong ibig sabihin ng “malalagutan”). Hindi ko alam kung anong pakay ng eskwelahan, pero negatibo agad ang aking naramdaman tungo sa kanilang patakaran. Maiintindihan ko kung ito ay isang International School, at puro dayuhan ang mga nagaaral dito. Nagaral ang Kuya ko dito at alam kong karamihan sa nagaaral dito ay Pilipino.
Posible Kaya?
Dito ako nag-umpisa. Dito sa pagsulat, pagtalumpati, at pagpapahayag sa sariling wika. Kaya nang mabasa ko ang anunsiyo tungkol sa timpalak na ito, ako ay napahinto; napatigil nang matagal-tagal. Sa ilalim ng damit at dibdib na ito na bagama’t nabasa ng ulan sa labas, may kung anong bagay ang sumiklab, pagkatapos ay umalab; at hindi naglao’y, tulad ng bunton ng kahoy na nabuhusan ng ga-as, ito ay tuluyang nagningas.
Nadadramahan na ba kayo? Hayaan nyo na ako. Matagal na – sobrang tagal na – nang huli akong sumulat at nagpahayag nang ganito. Subalit hindi ba’t tunay na masarap bigkasin ang mga salita ng ating Wikang Pambansa?
Cinco de Junio. Ah, sa Pasay ito. Sa may FB Harrison at malapit sa Cartimar at Libertad. Dekada Otsenta. Dito ako dinala ng aking alaala. Dito nag-umpisa ang paggamit ko ng wikang pambansa, ang Tagalog o Pilipino kung tawagin noon. Bagama’t Bikol ang unang wikang natutunan, madali naman akong natuto ng wikang aking ginamit nang maraming taong pag-aaral ko sa Maynila. Sa pamamagitan ng wikang ito, nalaman ko ang kwento ng ating kasaysayan; naipakilala sa akin ang ating nakaraan bilang isang lahi at ang ating mga magigiting na ninuno’t bayani; at naipaintindi sa akin ang mga samu’t saring bagay pa dito sa mundo. Sa pamamagitan din ng wikang ito unang umusbong ang hilig ko sa Arte o Sining. Sa kanyang mapangpukaw na diwa sumibol ang aking pagmamahal sa ating Inang Bayan – at ito’y ipinakita ko sa pamamagitan ng pagsulat, pagtalumpati, at kahit pag-arte sa entablado.
Paglipas
Aking itong isinulat ilang taon na ang nakalipas. May pinagbago ba?
Pilipinas…Philippines — ano ang pagkakaiba? Ano ang mas kaaya-aya sa ating pandinig? Katulad nga ng nakasaad sa kasabihan, “Ang rosas sa kahit anong pangalan ay patuloy pa ring hahalimuyak.” Iyan din ang ating bayan. Iyan ang tinaguriang Perlas ng Silanganan. Bawat Pilipino’y taas-noo sa harap ng mga dayuhan.
Ngunit bakit? Bakit parang ang laki na ng pinagbago? Ating pagsasalita’y linigaw na ng ating dila. Parang nawala na sa ating mga puso ang ating pagka-Pilipino. Ang iba diyan ay pasosyal-sosyal pa. Halatang ikinahihiya ang kayumangging balat sa iba. Minsan ay hindi ka na talaga makapaniwala sa mga naririnig. Wala nang paggalang ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Mapapatanong ka na lamang: Ano na nga ba ang mga nangyayari? Wala na ba tayong ibang maisip kung hindi ang sarili? Paano na ang bansa nagluwal sa atin? Huwag ninyong sabihing ang Pilipinas ay palubog na kasama natin.
Paggising pa lamang sa umaga ay bubungad na agad ang banyagang tinig sa radyo. Kung mapapakinggan mong magsalita, tila mas magaling pa sa Amerikano. Pati mga awitin, patuloy nang nag-iiba. – ‘tunog-puti at negro’ na lamang ang laging nasa tema. Oo nga may sumisikat ngang taga-Asya. Ngunit saan ba iyon nanggaling – hindi ba at sa Taiwan pa? Mas napupusuan pa ng mga pinoy ang mga awiting hindi nila maunawaan. Kung tutuusin, sa garbo at pagwapuhan lamang ang pinapakitang labanan. Ngunit bakit nga ba nalunod na ang tunog-pinoy at hindi na alintana? Pati mga mang-aawit natin ay tila dinala na ng agos — mga kantang purong Pilipino, parang isa-isa nang nawawala.
Wika2007 deadline
Submission of Wika2007 entries will be until
August 18, 2007 11:59:59pm
For wika2007 concerns, kindly contact the organizers at wika2007@pinoyblogosphere.com
Ang Mother Tounge at Lingua Franca
Ako po ay isang guro sa elementarya. Sa paaralan kung saan ako nagtuturo, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sapagka’t ang mga mag-aaral namin ay mula sa tatlumpo’t anim na bansa.
Para sa mga magulang ng aming paaralan, may dalawang bagay na kinakailangan upang maging ganap ang pag-aaral ng wika ng kanilang mga anak. Ang una ay ang tinatawag na mother tongue at ang ikalawa ay may kinalaman sa lingua franca.
Ano ba ang mother tongue?
Ang mother tongue, na kung minsan ay tinatawag na native tongue, ay pwede rin nating tawagin sa Tagalog na kinagisnang wika. Ang mother tongue ay ang unang wikang natututunan ng isang bata mula sa kanyang mga magulang at sa kanyang pamilya. Halimbawa, kung ang mga magulang mo’y pinanganak at lumaki sa Maynila at ipinanganak ka sa Maynila, ang iyong mother tongue ay Tagalog sapagka’t ito ang wikang maririnig mo at ginagamit mo sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa iyong mga magulang at sa ibang tao. Subalit’ kung ang mga magulang mo ay ipinanganak at lumaki sa Cebu at sila’y lumipat lamang sa Maynila, malaki ang tsansa na ang iyong mother tongue ay Cebuano sapagka’t ito ang salitaan ng iyong mga magulang at pamilya sa bahay. Pero siyempre, dahil lumaki ka sa Maynila, natural lamang na matuto ka rin ng Tagalog dahil ito ang wikang gagamitin mo para makipag-usap sa mga taong hindi marunong mag-Cebuano.
Ang Katulong (Singapore)
Ika-pitong buwan sa Chinese lunar calendar, nagbubukas and pintuan impiyerno. Nagbabalik sa lupa ang mga kaluluwang hindi matahimik. Marahil mayroon silang hindi naisaayos bago sila pumanaw. Ang paniwala ng mga Intsik, kailangan mag-alay ng mga materyal na bagay gaya ng pagkain, inumin, damit, at kasangkapan upang mayroon silang magamit sa kanilang patutunguhan. Ngunit mayroon ding nagbabalik, hindi para sa mga materyal na bagay…
Mahigit isang taon na akong namamasukan sa Singapore nang makilala ko si Rosa. Bata pa siya, wala pa yatang veinte anos. Hindi ko na naitanong kung saang probinsya siya galing. Mabait si Rosa, maganda at masunurin. Doon siya napasok sa pamilyang Teo, sa mag-asawang nagpapatakbo ng makalumang Chinese opera.
Hindi sinasadya, nawalis ni Rosa ang abo ng sinunog na pekeng perang papel na alay para sa mga kaluluwa… (may kasunod)
Anthem of Nations

I’m not all that fluent in the vernacular. It takes every strand of my humility to say that. I do not say this with my forehead held high, as some would; rather, I say this with my head bowed down. I blame this on my parent’s and our country’s (seemingly) ultimate goal of globalization. I grew up in a world of Barbie dolls and imported race cars, English-speaking cousins and a no-Tagalog-policy home. I was deprived of the usual dose of childhood patintero and tumbang preso, in fact, I grew up alone. I grew up in the comfort of only my toys and my parents, seeing as my neighbors were either too old or too young.
Globalization.
It has been one of the visions of our country. We dream of belonging to the booming economies of the first world countries. The notion that the universal language is the all-around remedy for globalization is so rampant that it makes our minds think that this is our only way. It becomes, what we think, the only solution. But why do we choose globalization when the answer to all our problems is right under our flat noses?
Nosebleed

Siguro sa pamagat pa lamang ng blog post ko na ito ay alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko. Kadalasan, ang mga katagang Ingles na “nose bleed” ay tampulan ng katatawanan bilang sakit ng maraming Pilipino ngayon; ang kahinaan sa pagsasalita ng wikang Ingles. Pero sa katotohanan, mas karapat dapat na dumugo ang ilong natin sa pagiging ignorante sa sarili nating wika.
Ang Obra
Ang post na ito ay aking isasali ko sa Wika 2007 Blog Writing contest ng Pinoy Blogosphere. Sana manalo. Hahaha. Gusto mo akong tulungan? Pwede. Kailangan mo lang akong iboto. Pero saka na natin pag-usapan yan, basahin mo muna ang aking kwento. n_n Sa August 20 pa naman ang botohan.
Nung nagsabog ang langit ng iba’t ibang wika, isa ang Pilipinas sa nauna sa pila. Dala-dala nito ang isang malaking bayong upang paglagyan ng mga wika. Hinakot nito ang karamihan sa mga wika: Tagalog, Hiligaynon, Cebuano, Ilokano, Bikol, Kapampangan, Waray, Maranao at iba pa.
Natawa ang ibang bansa dahil sa dami ng kanyang kinuha. Nag-aagawan naman ang ibang bansa para makuha ang Ingles, Mandarin at Russian.
Sabi ng Alemanya pagkakuha nito ng wikang Aleman, “Pilipinas, ang dami mo namang kinuha. Aanhin mo ba ang mga iyan? Isa lang naman ang kailangan natin para mabuo.”
Ngumiti ang Pilipinas habang tangan ang mabigat nitong bayong at pagkatapos ay sinabi, “Gagawa ako ng obra.”







