MAINIT NA KWARTO/ EATBULAGA/ ICED TEA

Ehem. Di ko alam kung bakit nandito ako sa Blog site na to. Yoko makipagsbayan sa mga Ingliserong bloggers dito. Di ko talaga alam kung bagay ba ako sa site na to.

Ahh. Wala naman akong pakialam kung may magbabasa nito. Di naman yun ang habol ko. Gusto ko lang tangalin ang kati ng kamay ko sa pagpindot ng keyboard habang hinahabol ng aso ko ang mga ideya sa utak ko.

Isa akong Professional tambay. Hindi dahil mahirap magtrabaho, kundi dahil gusto kong pagyamanin ang aking mga kakayahan. Sa aking opinyon, wala akong natutunan sa 2 taon kong paninilbihan sa isang Ad Agency bilang Graphic artist at Video editor.  Mahal ko ang trabaho ko pero pinilit akong lisanin to dahil sa shitstemang bumabalot dito.

1. Sinungaling na PR

2. Di makatarungang deadline

3. Deduction at kaltas

4. Mayayabang na Creative director

5. Feeling Diyos na EP at Director

6. Hari ng mga concept na Writer

7. Maangal na PA

8. Tsismosang mga HR

9. Bwisit na Kliyente

10. Mapuna at mapanlait na Boss

11. Nakakasukang mga Ex Deal na give away

12. Out of town na walang tulugan ( sumasakay sa eroplano kahit hindi pa naliligo)

 Madami pa. Madami pa akong nalalaman at ipaparating ko ito sa pamamagitan ng blog. Kung may makakabasa man, pls bigyan nyo ako ng Tamang Blog site na nauukol sa mga topic at estilo ko. Salamat.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .