Bagong Mundo

Masaya magsulat dito dahil walang nakakakilala sakin. Wala akong mga personal friends na ininvite dito dahil gusto kong bumuo ng bagong mundo.

Bagong mundo kung san pwede maging ako

Bagong mundo kung san pwede ko sabihin lahat ng aking nanaisin

at

Bagong mundo kung san ako pwede mangback stab ng mga taong nasa totoong mundo ko.

(joke lang, hindi ako back stabber)

Masaya magkoron ng isa pang mundo kung saan pwede mo gawin lahat ng gusto mo ng walang inhibitions. Pigil kasi ako sa mundong ginagalawan ko. Masaya naman sa mundo ko, pero sa sobrang saya nya, parang wala ka ng karapatan maging malungkot. Aminin man natin o sa hindi, masaya maging malungkot.

Siguro masaya rin ung feeling na maski hindi talaga kayo magkakilala e parang nagkakaintindihan kayo through writing. Paminsan kasi sa mundo ko, pag medyo naglalabas na ako ng ramdom thoughts ko, pinagtatawanan at inaasar nila ako. I don’t take it the wrong way though. Paminsan kasi gusto mo lang maglabas ng mga naiisip mo hoping na may mga sasangayon sayo. Yung hindi ka pagtatawanan at ung ipaparamdam sayo na. “oo, maski walang kwenta ang mga naiisip mo, I respect and acknowledge it.”

Nakakatawa dahil muka na akong desperada. Pero who knows, this new outlet of mine might work.

Sana para sainyo nagmamake ako ng sense.

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .