Kung Hei Fat Choi!

by: Pinoy Bochong

Hindi ko lubos mailarawan ang natunghayan, naranasan, at napag-isip-isip ko sa buong magdamag. Mali pala kung pumupuna ka lamang sa mga bagay bagay ngunit wala ka naman doon habang ang mga tinaguriang panggulo sa lipunan ay isinasalaysay ang kanilang panig – mga istorya, katwiran, ang realidad.

O Recto! O Recto! Himlayan ng mga pagawaan ng pekeng dokumento. Sinamahan namin ni Cla si Aileen habang papanayamin niya ang mga nagtitinda at gumagawa ng mga pekeng dokumento sa Recto. Sa una’y kami’y nag-undercover at nagkunwaring magpapagawa ng birth certificate at diploma. Napakamura lamang! Sa presyong 700 pesos ay mayroon ka ng UP diploma. Inisip ko, ano ba naman itong mga taong ito? Winawasak nila ang ating lipunan.

Kinabahan kami ng husto mula sa aming pagpapanggap at lalong lalo na ng kami’y umamin sa aming tunay na intensiyon sapagkat inakala namin na kami’y itataboy, babatuhin, at mumurahin ng mga tao sa aming paligid. Ngunit nabigla kaming tatlo nang ipaunlak ni Mang Rommy ang aming mga katanungan. Kami ay pinagbigyan……..

Read More: http://pinoy-bochong.blogspot.com/

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .