Kung Sawa Ka Na Sa Kalagayan Ng Pinas

Andami nang tumataas ngayong panahon na to… una yung mga bangayan sa isyu sa bayan, sunod na tumaas yung presyo ng bigas, sumunod yung pagkain, at pamasahe,…height na lang nga ata ng dakilang ina natin ang hinde tumataas e… di ba?(totoo naman a…) Pero anyway, tumataas na nga lahat… kung noon nga madami pa akong nakakain sa karinderya, ngayon parang di na nga umaabot sa tiyan ko yung inoorder kung kanin…pati pandesal nga natutunaw na sa dila ko pa lang… para nang hostiyas(yun ba yung tamang spelling?), kulang na lang magamen ako pagkatapos kong lunukin yung tagdalawang pisong pandesal ko… Pero yung point ko, e bakit nangyayari sa atin to ngayon?

Isipin nyo nga, nung nakaraang buwan e naririnig ko pa yung babaeng may nunal(kilala nyo na yun… basta hindi si Nora Aunor) na nagsasalita sa t.v. na patuloy na raw na umuunlad ang ating bansa kasi according daw sa statististics e lumalakas yung piso…. Pero bakit ngayon, parang sinehan na yung pila sa NFA rice sa palengke? Sabi nga nung mga opisyal natin, wala rawng rice shortage… ayon pa nga raw sa statistics nag-aankat tayo ng maraming bigas mula sa ibang bansa kaya hindi tayo mauubusan… Pero kung talangang tumataas ng konti ang ekonomiya natin at walang rice shortage ayon sa statistics, bakit maraming nagugutom? Kasali ba to sa pag-unlad natin? Ang sarap naman ng pag-unlad na to… hanep… madaming nagugutom… napredict din ba to ng statistics?

Talagang ganito na nga siguro sa Pinas… Wala raw rice shortage…. siguro wala nga… wala nga sigurong rice shortage ang mga opisyal ng gobyerno… pero yung mga mahihirap… wala ba silang rice shortage?

Habang tayong mga KARANIWANG PINOY ay nagkakandarapang magsurvival of the fittest sa paglinya sa NFA rice at pakikipaglaro ng taguan sa mga inuutangan natin, e abala naman ang gobyerno sa pakikipagtaguan sa atin sa mga under the table nilang mga agenda… ZTE, SWINE SCAM, at IBA PA… wow… idol ko talaga sila… nakukuha pa nilang lokohin ang mga gutom na pinoy.. ang sarap naman ng buhay nila di ba?

Panahon na nga raw ng hirap, pero ang hindi ko rin maintindihan e kung bakit mataas pa rin ang pila sa mga lotto stations? may humihirit pa ngang tumaya suertres kahit naghihikaos na.. Sabi nga nila nagbabakasakali raw… pero ang sa akin lang e bakit hindi na lang natin magawang ipunin na lamang ang mga pantaya natin?

At isa pa, marami pa rin ang mga walang magawa kundi magwelga sa kalye araw araw dahil sa kahirapan… Pero, saludo talaga ako doon sa mga nagwewelga, makinig ka sa mga welga nila at maiintindihan mo ang hinaing ng mga nakararami… Pero doon sa mga nagwewelga pagkatapos ay wala ring ginagawa para sa bayan, doon ako hindi sang-ayon…

Teka lang….Siguro napansin nyong bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin sa blog ko… kung kanina ay ang naamoy nyo ay ang korapsyong nangyayari sa Pinas, ngayon ay naririnig nyo naman ang mga saloobin ko tungkol sa mga pinoy… Well, ang problemang kinakaharap ng Pinas ngayon ay di lang problema ng gobyerno… Problema din natin tong mga pinoy…

oo, marami ngang kurakot sa gobyerno, marami ngang malalaki ang tiyan sa kanila, marami ngang hindi seryoso sa kanila… pero kahit anong argumento pa ang ating daanan ay sea kanila lang naman tayo matatapos… Gustuhin man natin sila o hindi, kelangan din natin sila sa paglutas ng problema natin ngayon. Pero, hindi ko naman sila kinukonsinte, basta naghihirap na tayo ngayon, time-out muna sila sa pagkurakot, anyway malakilaki na naman kahit papaano siguro ang naiipon nila … Ang kelangan ng mga mamayang Pilipino sa kanila ngayon ay ang mga pagtulong nila, hindi ang pagtutulungan nila sa pagloko sa atin…

Kelangan nating magtulong tulong… para sa huli wala nang mag “I am sorry (no?)”….(balewalain nyo na lang yung last 2 words na naka parenthesis…hehe)

Basta gawin lang ng gobyerno ang parte nila…Kung magiging tapat sila ay susunod lahat ng mamamayan sa kanilang mga plano tungo sa kaunlaran… s Basta wag lang nila tayong lokohin…okey na… Mga pinoy naman tayong lahat wag na tayong maglokohan…. Sa halip ay magtulungan tayo….

Kung lokohan lang naman ang pag-uusapan natin, hindi lang to para sa mga opisyal… para din to sa ibang mga retailers at wholesalers ng bigas na nagtatago ng bigas at naghahalo ng NFA rice… para na rin to doon sa mga magkakaratig lugar na hindi nagtutulungan…para na rin to sa mga estudyante na nangduduktor ng mga minasaker na test paper nial (bakit nasali pa yun?) para na rin to sa mga batang nangungumpit sa kanilang mga magulang (kasali ako dito noon)…para na rin to sa mga misis na tinatago ang sweldo ng kanilang mga mister, para na rin to sa mga mister na nangbababae(mahirap kasi kung mangangabit kayo, may kahati kayo, Kung siya sa umga, ikaw sa hapon, at ako sa gabi…ay este siya na naman ulit sa gabi)… Para din to sa mga tambay na walang magawa kundi mag-inuman sa kalye at kumanta ng “engle bert”(jinggle bells) buong magdamag…

Di ba? lahat tayo mga PInoy… kung gusto nating umunlad, kung gusto na natin ng pagbabago, kung sawa na tayo sa mga i am sorry na walang patutunguhan,kung ayaw na natin ng helo garci (kalimutan nyo na lang yung last example), kung gusto nating mamuhay ng walang problema, ay magtulungan tayo, wag tayo maglokohan…

Lahat tayo ay sangkot sa problemang ito…Pero ang maganda ay tayo rin ang solusyon…

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .