Frankie!!!
June 23, 2008
Say hello ang goodbye to the typhoon!!
It’s been twenty hours mula nung nawalan kami ng kuryente kahapon. Since 2am, the power’s out. (Shucks! walang TV, di makapagcharge, la pating internet! Ouch!)
Nagdadasal na akong sana magkakuryente na before or by seven pm. Haay…
It’s only 12pm pero mukhang 7pm na.
Para mawala ang boredom namin, nagyaya ang mommy ko na mag-scrabble habang nagpapalipas oras.
Hmph. La ako sa mood.
“May 100 ang mananalo”
Ang mga salitang yon ang bumuhay sa dugo ko! Wow, easy money! Wahahaha!
Ako pa naman ang champion sa bahay. Easy peasy.
…
…
Um! Just as predicted I won!
Well, masayang pampalipas oras.. Now what?
Pinagtripan ko nga yun pusa. Nilagayan ko ng tape yung pusa sa iba’t ibang bahagi ng katawan, gaya nung napanood ko sa Youtube.
I’ve had a good laugh, kaya lang hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Sayang! Papanoorin ko pa naman yung Deal or No Deal Around The World.
Makatulog na lang nga.
Paggising ko, la pa ring kuryente. Bad trip! Mag aalas-diyes na. Deal or No Deal na!!
Haay… Pinagtripan ko naman ngayon ang mga kandila sa bahay
Sarap maglaro ng apoy lalo na kug malamig… at bitter ka.
Takte naman… Naalala ko tuloy ang lovelife ko.
Matutulog na nga lang uli ako. Buti na lang malamig dito sa probinsya. Nakahiga na ako nun nang biglang…
“Billy. you idiot!”
Nagbukas ang TV. Yes! May kuryente na!
Nanood kami ng balita para malaman kung may pasok ba bukas.
“…ayon sa CHED, suspendido ang klase sa Metro Manila on all levels dahil sa baha…”
Hooray!! Makakapagmall na kami bukas!
Deal or No Deal? Alas onse na ng gabi. Di ko na siya naabutan.
Tumunog ang theme music.
Hahaha! Mukhang delayed ang air time.
Ok. Manonood ako kahit masarap matulog.
Haay…
Comments
Got something to say?












