Ano nga ba ang bastos?
Ano ngayon kung TITI o PUKI?
Bastos kung nagpakita ka ng ari? Bastos kung sumayaw ka ng may hawak na ari? Bastos kung banggitin ang titi o puki sa harap ng iba? Bastos kumanta ng may katagang titi o puki? Bastos kung hinawakan sa maselang parte ng katawan? Ano ba talaga ang bastos?
Noong una, naguguluhan rin ako kung ano nga ba ang bastos at paano maituturing na bastos ang isang bagay o gawain kaya sinubukan kong maghanap ng kahulugan nito. Ayon sa Pinoy Dictionary online, ang bastos ay nangangahulugan ng mga sumusunod: (1) walang galang; (2) hindi pino; (3) masagwa; (4) mahalay; (5) malaswa; (6) magaslaw; (7) makapal ang mukha; at (8) mapangahas. Wala talaga akong mahanap na komprehensibong pagaanalisa kung ano nga ba ang bastos at kung papaano mo ba ito masasabing mahalay o masagwa. Sa tingin ko, nakasalalay ang pagiging bastos depende sa kung ano ang intension ng gumagawa nito, gayundin kung paano ba ito bibigyan ng malisya ng makatatanggap ng mensahe. Halimbawa, ang pagsusuot ng damit na may plunging neckline ay posibleng bastos sa iba ngunit hindi naman para sa iba. Maaari rin na hindi ito bastos para sa nagsusuot at nais lamang niyang ipakita na komportable siya sa kanyang katawan. Depende na lamang sa makakakita kung iisipin niyang nagdadamit lamang ang babae ng ganun upang mang-akit ng lalake. Katulad sa dokumentaryong lukayo ng i-Witness ng GMA7, ang intensyon ng mga mananayaw ay upang hilingan ng kasaganaan ang mga bagong kasal sa pamamagitan ng ritwal at sa pagpaparada ng mga sumisimbolo sa titi, ngunit sa tingin naman ng iba ay nagiging mahalay sila lalo pa at isa itong probinsya.
Konserbatibo ang kulturang Pilipino lalo na at karamihan ay Katoliko kung kaya sensitibo ang mga ganitong isyu na mapagusapan man lamang sa lipunan ay marami na ang naeeskandalo. Ang pagiging bastos ay nakadepende sa kung paano ito tatanggapin ng mga nakakakita o ginagawan. Maaari na ang bastos ngayon ay hindi na bastos para sa mga susunod na henerasyon.
Bukod pa rito, ang pagiging bastos ay hindi lamang tumutukoy sa usaping sekswalidad kung hindi pati na rin sa kagaspangan ng ugali. Katulad ng pagsagot ng pabalang sa mga magulang o pagdura sa kalsada. Ang pagiging bastos ay kung mayroon kang masasaktan na damdamin, o maiinsulto dahil sa mga ginawa mo o kung hindi mo magawang igalang ang iyong kapwa.
Unang beses kong narinig ang selebrasyon na ‘’Lukayo’’, gayundin kung ano ba ang ginagawa at ipinagdiriwang ditto. Isa itong okasyon na nakaugalian na ng mga mamamayan sa Laguna king saan sinasalubong ang bagong kasal ng mga kababaihang karamihan ay mga matatanda. Nakadamit sila ng mga makukulay na kasuotan, iba iba at maihahalintulad sa isang payaso. At ang pinakanakasisindak sa mga manunuod lalo pa at kung konserbatibo ay ang pagdadala ng iba’t ibang sukat at kulay ng titi. Minsan naman ay nakasuot ito sa pagitan ng mga hita ng babae na katulad kung nasaan ito sa lalaki. Kitang-kita agad ito at mayroon ngang isang ale na mayroong hawak na titi na kasing-laki ng buong braso. Titi bilang fertility symbol – yun ang pinakakonsepto ng ritwal na ito.
Sa tingin ko, hindi ito bastos lalo pa at kung ito ay nakasanayan na at parte na ng isang kultura. Bastos marahil ang mga taong sa tingin nila ang ganitong pagdiriwang ay bastos. Sila ang dapat na ituring na ganun dahil sa pagbibigay nila ng malisya sa mga gawain ng mga mamamayan. Isa lamang itong simpleng ritwal na nagpupugay sa isang parte ng katawan na wala naming ipinagkaiba sa bibig o tenga. Ayon nga kay Michael Tan ng Philippine Daily Inquirer ‘’ The MTRCB’s decision reflects a cruder definition of the word, a censorial term that sees anything sexual, including nudity, as lewd and obscene. The decision lacks a contextual understanding of how the dancing is so much part of local culture, one which has been done for many years, out in the streets.”
Kung parte na ito ng isang kultura, bakit naman pipilitin ng ilan na baguhin kung ano ang nakasanayan na para lamang umayon sa kung ano ang gusto o hindi gusto ng isang lipunan. Naeeskandalo ang ilang manunuod, ngunit sa tingin ko nga ay napakaipokrita nila para hindi amining bastos nga ang pagpapakita ng simbolo ng titi. Nagpapatunay lamang nito na ang mga babaing sumasayaw ng lukayo ay niyayakap ang kanilang sekswalidad at kalayaan upang sumali sa isang ritwal na itinatakwil ng lipunan at simbahan. At dahil dito, unti-unting namamatay ang isang ritwal dahil sa paniniwala na rin ng iba. Kung tutuusin, sa kwento ni Adan at Eba, noong una ay inosente sila ngunit ng bigyan na nila ng malisya kung ano ang kanilang katayuan, nalaman nila na bastos ang pagiging hubad. At bakit hindi pinahintulutang ipalabas ang ganitong dokumentaryo na makatutulong sa mga manunod na maging komportable sa kanilang sekswalidad. Na hindi lahat ng tao ay itinatakwil ang lahat ng usapin at gawain na tungkol sa sex. Sa muli, nagiging bastos lamang ang mga bagay at gawain kung intensyon talaga ng gumagawa nito na bastusin ang makakakita at gayundin kung lalagyan ng malisya kung anuman ang nakikita ng mga mata.




ah … so ganun ang bastos sa paningin mu ? e anu namn .. hahahhahah .. sge pa blog pa ate!! tas manlibre ka .. wag kang bastos ha ..
well,it’s nice 2 read article.tnx….4 me it’s up 2 d person naman kz….hahahaha……have a blessed day!