Iwasang tumakbo baka mapaisip ka.

Iwasang tumakbo baka mapaisip ka.

may isang superhero na lumilipad sa kalawakan… ngunit hindi ito ang aking nais iparating.

Umaga na naman, nagsisitayuan na ang mga taong may kanya-kanyang buhay. Nandiyan ang mga negosyanteng naka amerikano at nanjan naman yung mga nagtitinda sa palengke. Mga estudyanteng kakaligo at ngumunguya pang palabas ng kani-kanilang bahay at mga estudyanteng gusot pa ang buhok at damit halatang kagigising lamang. Mga gurong naka-abang na sa gilid ng kalsada para pumasok at manira ng araw ng mga estudyanteng naglalaway pa sa kanilang mga mesa. Mga magtataho na halos maputol na ang ugat sa leeg makapagbenta lamang, mga asong nagsisitahulan tila may mangyayaring di maganda sa paligid. Mga magbabalot na nagpapainit na ng tubig na pagpapakuluan ng kanilang ibebenta sa buong araw.

Ganyan ang simula ng aking buhay araw-araw. Kailangang i-charge ang cellphone para hindi ma-lowbat sa school.  Kadalasang, 8-9 ang pagtayo ko sa kama, minsan pa nga ay makakatulog ako ulit dahil sa sarap ng paghiga. Hindi na ako nag-aamusal dahil kapag ginawa ko pa yan, naku mahuhuli na ako sa klase ni Ma’am D. Kailangang magmadali sa paliligo ngunit ‘di kokayang madaliin sapagkat may mga ritwal akong ginagawa (hahaha). Normal lang sa mga estudyanteng tulad ko sa college ang maranasang mahuli sa klase o sa kagandahang palad ay ang mag-absent (sa ibang mga pagkakataon). MAtapos maligo ay kailangang kasing bilis ka ni ’superman’ sa pagpapalit. Madalas akong dumaan sa “Mercury drugstore” bumibili ng ‘wilkins’ , masarap kasi ang tubig na ‘yan. Pakiramdam ko kapag umiinom ako ng tubig na ‘yan eh lumalakas ang buong katawan ko. Hindi naman tungkol sa tubig ang punto ko rito, tungkol sa buhay ko, mo, nating lahat dito sa mundong ibabaw at (isali na natin ang mga nasa underworld).

Ayun, nahanap ko na si superman, ako na nga si wonderwoman. Nahanap ko na rin ang justice league, pati na rin ang mga villains. Sa bawat storya ng ating buhay may mga kontrabidang nagpapaka-hero effect pa talaga, nakakaasar ‘yung mga ganun diba? oo kasi nga kontrabida ang parte nila sa buhay natin, ko pala. Oo, buhay mo na rin binabasa mo ito eh. Ayun, mga pamilya mo rin isa sakanila magiging alam mo na yun, (basta alam mo na wag mapilit). Naging mabuti akong geek sa school, as in geek nga, naka-sali na rin ako sa mga “Dean’s Lister.” Hinangaan ko ang sarili ko sapagkat. WOW kaya ko pala ang maka-abot sa ganung level.Level up na nga ako eh. Tuwang-tuwa ang buong pagkatao ko sa nangyaring ‘yun. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ako masaya. Matapos ang masasayang araw ng aking pagiging henyo sa mga larangang pinagtatalunan ng mga taong walang alam sa buhay bookworm na tulad ko. Sa dami ng nabasa kong libro nalimutan ko na ang mga pamagat nito. Pero ngayong umaga (sa wakas) napatulala ako sa langit, katatapos ko lamang mag-jogging, napaisip lang ako paano na ang buhay ko matapos ang kursong ito? sinu-sino ang makakasama ko? saan ako tutungo? anong trabaho ang papasukan ko bago mag-Law? kami pa rin kaya hanggang sa oras na mga yun? nais kong matutong mag-gitara ‘yung sobrang galing paano? ang ilan sa mga tanong na ito ay masasagot ko, mag-law ako after ng pol sc,  pumasok sa musical school sa may maharlika, Ngunit ang ilan naman ay tila kailangan ko pang pag-isipang mabuti bago mahanap ang mga sagot. Itutuloy… malilate na ako eh. Salamat sa pagbabasa. :P

Disclaimer: PinoyBlogoSphere.com(PBS) claims no credit for any content(posts, articles, texts, images, videos) featured on this site unless otherwise noted. All contents are copyright to their owners/sources. PBS is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the content, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be removed.
Your Ad Here

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

  . .