It’s Been A Year Since My Brother Passed Away
July 24, 2008 marked the day when my brother, Nichi, celebrated his first year in heaven.
He lost his 6-year battle with leukemia but he won himself a special spot in heaven.
I wish to thank Pinoyblogosphere and every one who sent their prayers and support when we needed help so badly last year and I think even the year before that, when Nichi’s fight was at its toughest. Nichi didn’t get that bone marrow transplant he needed but the little money I was able to raise made a lot of kids like Nichi happy last Christmas.
To end, I am posting my dad’s thank-you letter for everyone who’d been there for:
Our dear friends,
This Thursday, July 24, will be a year since our Nichi left us to join the angels in heaven. You all have been part of his life and our family’s life. Allow us to thank you again for all the things you have done for Nichi and for being there when we felt we were alone.
May the God Almighty Bless you and your family and keep you all in good
health.Always,
willie, tess, windale, warren, tyrene, jowin, migs & yzee
Time Out Muna ang Turista
Malapit na akong ma-overdue bilang isang turista sa bansang Singapore. Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa akin: 1. Palayasin ako ng immigration dito (Matapos akong i-cane. Que Horor!) or 2. Yakapin ako ng bansang ito at gawin akong “one of them.”
Kung anu’t ano man, nais kong gamitin ang oras na ito upang pagmuni-munihan ang mga bagay bagay na napansin ko sa tatlong linggong pamamalagi ko rito.
Halos nagre-rave ang mga taong nakausap ko tungkol sa bansang ito. Kesyo maganda raw, malinis at mapayapa. And true enough, ganoon nga siya. Bagaman, mukhang masyado yatang na-build-up ng mga manghang manghang mga taong iyon ang imahe ng bansang ito. Naging sobrang taas tuloy ng expectation ko.
To be honest about it, this place did not blow me away, contrary to what I expected. At gaya nga ng nabanggit ko, ina-attribute ko ito sa exag na description ng mga taong nagprovide sa akin ng vicarious sneak preview sa unang bansang napuntahan ko bukod sa Pinas.
Sa tuwing nakikita kong may kalat sa paligid, di ko mapigilang ihirit na, “akala ko ba walang kalat sa Singapore?” Siguro nga imposible naman talaga ang bansang zero litter. Mayroon siguradong pasaway na magtatapon ng used tissue paper, empty juice tetrapack at kung ano pang papel sa labas ng basurahan.
Sa mga nakaka-chat o text ko mula sa Pinas, madalas kong matanggap ang tanong na, “Maganda ba talaga diyan?” kung saan ang kaya ko lang isagot ay isang nonchalant na, “OK lang.”
May I beg Your Pardon?
That’s something I learned in grade one. Ms. Valdez, my homeroom adviser and English teacher who I felt did not particularly like me, taught us that polite way of asking someone to repeat what s/he just said.
According to her, it’s more courteous than blurting out, “What?”
* * *
Last week, President Gloria Macapagal-Arroyo granted executive clemency to Former President Joseph Ejercito Estrada thereby restoring the convicted ex-president’s civil and political rights.
Wow, how compassionate of our president!
An absolute pardon.
Excuse me but I really have to say this, “What?!?”
* * *
Here’s the deal. We are raised in such a way that we are most likely inclined to do the right things. And so we get punished for every blunder we commit. Somehow we realize where we went wrong and how that harmed or could have harmed us or others. And if we keep an open mind, we learn our lesson and do better next time.
Erap, he screwed up. He screwed not himself, not his family, but the whole Filipino people. He did that at the ripe old age of 63. (Well at least that’s when he got caught.)
He was detained for 6 ½ years, not on some cold and cramped prison cell, but on a rather comfy camp. And I bet his food still tasted great. I don’t think that at that long a time, he was ever deprived of an aid—someone who’d clean his stuff, including his pants and underpants.
The whole time, Erap never pleaded guilty to plunder nor perjury. He never diplayed any sign of remorse for doing the country ill. And he keeps on wearing that dang wristband with the presidential logo.
Something tells me nobody learned anything.
If I had things my way, I’d say two people are in badly need of spanking: the one who got away without learning anything, and the one who’s trying to sneak out as if we wouldn’t notice what she’s doing.
Sino pa’ng magsasalita?
(Originally posted at Battik’s Workshop last Sept. 1, 2007)
Nagsalita na si Joey De Leon ukol sa drama ispeysyal ni Willie Revillame.
Maraming bumabatikos kay Joey. Kesyo bakit kailangan pa niyang magsalita? Mayroon pang mga patudtsada sa pagkatao niya.
Kinailangang sumagot ni Joey dahil hinamon siya ni Willie nang walang sapat na dahilan. Natural lamang na ipagtanggol niya ang kanyang sarili. Ginamit siya ni Willie para maibaling ang spotlight mula sa kapalpakan ni Willie at ng show niya patungo sa pagkatao ni Joey. Pinersonal ni Willie si Joey para magalit ang mga tao sa huli. Sa paraang iyon, na-guarantee ni Willie na sa kanya pa rin ang simpatya ng mga tagasunod nya. Kaya naman kalokohan ang sinabi niya kay Joey na, “Sa yo na ang ratings mo!” Dahil sa pagngawa niya na parang bata, ginawan na rin niya ng paraan para masiguradong di siya iiwan ng kanyang mga tagasunod.
Bakit Ba Hindi Ako Nag-Filipino Major?
Minsan kong naitanong iyan sa aking sarili matapos magturo sa mga batang napakahuhusay magsalita ng Ingles.
Wala! Tiklop ako at ang pagiging Communication Arts graduate ko. Muntik na nga yatang dumugo ang ilong ko sa kasasalita sa wikang hindi naman akin sa loob ng mahigit isang oras.
Bakit nga ba ako hindi nag-Filipino major?
Hindi ko kasi alam na may ganoon palang kurso. Marahil hindi ko na rin siya inurirat dahil naisip ko, Pinoy naman ako. Filipino major by birth, kung baga. Sapat na ang mga klase ko sa Filipino para malaman ang mga dapat kong malaman. Isa pa, araw araw naman akong nagta-Tagalog. Kundi pa ba naman ako mahasa noon, ewan ko na lang!
Yon nga lang. Nakalimutan ko ang isang glitch: malabnaw ang Tagalog na kinalakhan ko. Palibhasa sa Maynila na ako pinanganak at nagkamalay, corrupted Tagalog tuloy ang nakagisnan ko. Yun bang may halong salitang kanto, pop, at bakla. Puno rin ng salitang hiram na karamihan ay galing sa mga Kano.
Kaya naman kapag malalim na Tagalog na ang binabato sa akin, napapanganga na lamang ako. Hindi pa naman ganoon kadaling maghanap ng mapagkakatiwalaang diksyunaryong Filipino. Samantalang ang mga English dictionary ay naglipana at ika nga, “they come in all sizes.”
Dagdag pa pala sa nagpalabnaw sa Tagalog ko ay ang mga ligaw na salitang Cebuano sa aking bukabularyo. Bisaya kasi ang mommy ko. At kahit dugay na siya sa Manila, Bisayang-bisaya pa gihapon! [Kahit matagal na siya sa Manila, bisayang-bisaya pa rin talaga!]
Madalas, maski ako ay nalilito kung Tagalog nga ba o Cebuano ang ilan sa mga salitang alam ko. Bagaman dahilan ng pagkalito ko ang pagkakaroon dalawang dialekto sa aming bahay, hindi naman ako nagrereklamo. Ayos nga e! Bukod sa Tagalog, kasabot pa ako ug gamay na Bisaya [nakakaintindi pa ako ng kaunting Bisaya].
Noong tumuntong ako sa kolehiya at napasok sa Unibersidad ng Pilipinas, nagulat ang isa sa mga grupo sa klase ko nang minsang sumabat ako sa usapan Binisaya nila. May nagtanong tuloy, “Ngano man kasabot ka ug Bisaya? [Bakit nakakaintindi ka ng Bisaya?]”
Ang tanging sagot ko, “It’s a Jedi Trait!”
Kung iisipin, astig siya. Sino ba ang mag-aakala na ang Manila girl na kausap nila e nakakaintindi at minsa’y nakakasalita pa ng Cebuano? Heto nga’t naglipana na ang mga Bisaya dito sa Maynila. Kahit papaano, kaya kong makipag-usap sa kanila sa wikang malapit sa puso nila. At salamat sa Sesame Street, 11 taon sa isang private school, at ilang taon sa kolehiyo, pati mga puti ay kaya ko na ring kausapin! Kahit di ako katangkaran at may kaiklian ang mga biyas, mahaba naman ang kaya kong abutin dahil sa mga wikang alam ko.
Para mas madama ko pa ang pagiging isang certified polyglot o mas kilala ng marami sa tawag na multilinggwal, ipagmamalaki ko na rin ang anim na units ng Nihonggo na ipinasa ko noong kolehiyo. Kaya ko pa rin naman magsalita ng konting Hapon gaya ng atsui [mainit], itai [aray], sumimasen [excuse me], gomenasai [paumanhin], kudasai [pakiusap], at ilan pang mga bulol na pangungusap na pihadong maiintindihan naman ng mga singkit na medyo sakang. At dahil naaalala ko pa rin naman ang Hiragana at Katakana, mga alpabetong Hapon, nakakabasa pa rin ako ng mga sulat sa Nihonggo kahit na maliit na porsyento lamang ang naiintindihan ko. Kahit papaano, nalalaman ko kung ano ang mga pinagsasabi ng isang package na imported mula sa Japan at kung anu-anong pangalan ang pinapakita sa TV ng larong Naruto sa Playstation ng kapatid ko.
Kagaya ng mga sinasabi ng mga Bisayang nakausap ko, dili na mi mabaligya [hindi na ako mabebenta]. Sa kaunting naiintindihan ko, mahuhuli ko na kung sino ang nag-tritrip lang at kung sino ang tunay na matitinong kausap.
Maaari ko ring ipagyabang ang ilang pagbati sa iba’t iba pang lengwahe na natutunan ko noong bata pa ako. Nandyan yung sawa dee ka, kap koon ka, guttenmorgen, merci, kamsamida, añongaseyo, merhaba, tutche at iba pang salita na hindi ko alam ang tamang baybay at di ko na rin maalala kung saang bansa ginagamit. Kapag may makasalubong na lang ako na banyaga, pwede akong mag-trial and error para madiskubre kung papaano ko sila babatiin. At kung maka-binggo ako, dagdag puntos na iyon sa pinagmamamalaki nating Pinoy hospitality.
Ngunit sa bandang huli, isa pa rin ang hindi ko maitatanggi. Bano ako sa sarili kong wika. Nakakahiya man aminin pero heto ako, 27 taon nang nabubuhay at naninirahan sa Pilipinas pero nanghuhula pa rin pagdating sa tuntunin ng balarilang Filipino.
Nang makasalamuha ko ang mga batang Inglisera na muntik nang magpadugo sa ilong ko, nalungkot ako dahil sa aking napagtanto. Magagaling nga sila pero mukhang limitado lang talaga ang kaalaman nila sa wikang Filipino gayong karamihan sa kanila ay Pinoy at lahat sila ay kasalukuyang naninirahan dito sa Pilipinas. Kahit na sabihin ko pang mas ginagamit ko ang wikang Filipino kesa sa kanila, wala rin kaming pinagkaiba sa isa’t isa dahil pare-pareho naming napabayaan ang pambansang wika ng mga Pinoy dahil sa aming kagustuhang maging “globally competent“.
Wala namang masama sa pagpapakadalubhasa sa wikang bayaga. Ayos nga iyon dahil nadaragdagan ang kapangyarihan natin bilang Pinoy na pasukin ang kultura at kalakaran ng mga ibang lahi. Napakatalentado pa naman nating mga Pinoy pagdating sa panggagaya ng banyagang pananalita. Madali nating nagagaya ang accent ng kung anumang bansa ang ipagaya sa atin. Kaya naman patok na patok ang call center sa atin.
Sabi sa itinuro ng guro ko sa Filipino noong hayskul, “ang wika ang sumasalamin sa isang bansa.” Ang pambansa wika natin ay punung-puno ng implwensya ng iba’t ibang lahi na sumakop sa atin at pati na rin nga mga bansa nakipagkalakaran sa atin noon. Patunay lamang kung gaano kakulay ang ating bayan. Pinapakita rin ng ating wika ang ating kakayahang makipagsabayan sa mga makakapangyarihan bansa sa mundo. Kayang-kaya nating hubugin ang ating mga sarili para maging kasinggaling nila o higit pa.
Mahalaga lang talaga na pagkatapos nating hubarin ang mga hiram nating salita, alam natin kung papaano babalikan ang tunay na atin. Kung hindi na natin magawang maging kumportable sa sarili nating wika, paano na tayo? Sino na tayo? Para saan pa ang pagpapasikat natin sa mga banyaga?
Oo, maaaring tayu-tayong naninirahan sa 7,107 na isla ng Pilipinas ay madalas na di nagkakaintindihan. Ang dami kasi nating iba’t ibang dialekto! Pero kung alam natin kung sino tayo, kung ano ang nagbibigkis sa ating lahat, hindi tayo mabubuwag ninuman. At sa puntos na iyon, maipagmamalaki natin na ang mayaman nating wika ang nabubuhay na saksi sa katatagan ng atin pagiging Pinoy, Filipino major man o hindi.
* * *
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Sino pa’ng magsasalita?
(Originally posted at Battik’s Workshop last Sept. 1, 2007)
Nagsalita na si Joey De Leon ukol sa drama ispeysyal ni Willie Revillame.
Maraming bumabatikos kay Joey. Kesyo bakit kailangan pa niyang magsalita? Mayroon pang mga patudtsada sa pagkatao niya.
Kinailangang sumagot ni Joey dahil hinamon siya ni Willie nang walang sapat na dahilan. Natural lamang na ipagtanggol niya ang kanyang sarili. Ginamit siya ni Willie para maibaling ang spotlight mula sa kapalpakan ni Willie at ng show niya patungo sa pagkatao ni Joey. Pinersonal ni Willie si Joey para magalit ang mga tao sa huli. Sa paraang iyon, na-guarantee ni Willie na sa kanya pa rin ang simpatya ng mga tagasunod nya. Kaya naman kalokohan ang sinabi niya kay Joey na, “Sa yo na ang ratings mo!” Dahil sa pagngawa niya na parang bata, ginawan na rin niya ng paraan para masiguradong di siya iiwan ng kanyang mga tagasunod.
Malaya? Ows?!
Kuha ng watawat sa harap ni Rizal sa Luneta
Araw ng kalayaan natin ngayon pero bakit lahat yata ng Pinoy ay kumakayod? Bakit hindi tayo malayang naglalamyerda sa kung saan sana natin gusto?
Marahil dahil din sa kalayaan. Nagawa ni Madam President na i-urong ang isang National Holiday sa isang mas maagang araw, para nga naman hindi ipit ang bakasyon. Gayunpaman, kakaiba pa rin na ganuon-ganoon na lang ang pagrereschedule ng isang makasaysayang araw para sa bayan natin.
Hindi naman ako magpapanggap. Naenjoy ko rin naman ang long weekend dahil nga kahapon, Lunes, e walang pasok. Pero hindi ko naramdaman ang dahilan kung bakit paid holiday kahapon. Hindi naman kasi ika-12 ng Hunyo, di tulad ngayon. May pagkakaiba talaga ang kahapon at ngayon.
Para tuloy tinutuya ang ating “kalayaanâ€. Malaya kuno pero, tingnan nyo, kayang idikta ng isang tao kung anong araw natin gugunitain ang ika-109 na taon ng ating pagiging malaya sa mga mananakop.
Kung sabagay, hindi rin naman tayo tunay na malaya sa mga makakapangyarihang bansa sa paligid natin. Kung tunay tayong malaya sa kanila, e di sana Piso lang ang katumbas ng isang dolyar at hindi na kailangang magpaalipin ng mga kababayan natin sa bansa ng mga puti, itim, singkit, at may-anghit.
Hindi maitatanggi na marami pa tayong bigas na itatanim, aanihin, tatahipan, isasaing at kakainin bago tayo maging tunay na malaya. Pero sa ngayon, ganito muna tayo. Sa parehong araw, 109 na taon na ang nakakalipas, kung kailan nagdiwang ang mga kanuno-nunuan natin nang akalain nilang iniwan na sila ng mga tisoy na Kastila, tayo ay kumakayod; kumakain ng All-American Big Mac, French fries at Coke; nagbabasa ng latest Harry Potter book na padala pa galing London; nanunuod ng pinaka-hot na Koreanovela sa TV, hawak ang remote control na gawa sa Taiwan sa kaliwang kamay at ang Cellphone na galing Finland sa kanan!






