tanong na walang sagot?
bakit tayo nagtatanong? bakit di k makasagot?
totoo bang may mga tanong na walang sagot?
teka, bat puro lang toh tanong?
dapat may sagot din….
pero may mga tanong na walang sagot!
naniniwala ba kayo?
sa araw-araw, marami tayong mga tanong…
bakit nga ba ako nagsusulat?
ala namang kakwenta-kwenta mga pinagsusulat ko di ba?
hindi nga ako manunulat e, at isa pa eng’g course ko…pro bakit gusto kong magsulat?
at bakit ako ngsusulat sa wikang filipino…di ba mas maganda naman basahin pag wikang English?
di ba ala tayong gana magbasa ng mga sulatin s wikang filipino?
sa mga tanong na toh, ay hindi q rn alam ang sagot…maraming tanong ang mahirap sagutin…kung hindi man mahirap ay wala tlgang sagot sa mga tanong na ito…
gaya din ng mga tanong na “tulog ka na ba?”, paano naman sasagot ang tulog di ba? ang gusto ko lang sabihin ay MAULAN NGAYON NA SINUSULAT KO ITO…
yun lang naman sana…may bagyo kasi ngayon e…akalain mo naman na 9kph lang ang takbo ng bagyong toh! pro ang speed near the center ay 250kph! para lang xang nglalakad pero umiikot ng sobrang bili…hayyy…GLOBAL WARMING siguro ang sagot…pero ang issue mismo ukol sa Global Warming ay walang sagot…(oh, isa pang halimbawa ng tanong na walang sagot)…hehe…parang kailan lang ay sobra ang init dito sa Metro Manila, tas ngayon biglang sobrang ulan naman! di ba sobrang nakapagtataka! oo nga na ang panahon ay mabilis magbago pero masyadong matindi naman ata ito di ba? “extremes in the weather”…kung napanood niyo ang The Day After Tomorrow, mapapaisip kayo kung totoo nga ba ang “Intense Climate Shift” na pinakita sa pelikula…pero sa nangyayari ngayon,
ANO NGA KAYA?
hindi malayo na mangyari ang mga napanood natin s pelikulang yun…nakita naman natin sa pelikula kung ano ang naging sanhi ng delubyo di ba?at ang sanhing yun ay hindi lamang kathang isip, ito’y nangyayari talaga ngayon…
ANO NA GAGAWIN NATIN? tanong na walang sagot…




