Top 5ive

Matagal na akong naimibitahan ni Badoodles sa Project Lafftrip Laffapalooza. At dahil January na at malapit na naman ang Lovapalooza sa February kaya naisipan kong maki-join sa kaguluhang ito. Matagal din kasi akong nangilatis ng iba’t ibang blogs para iboto para dito. Saka may prizes kayang selepono, digital camera at 15,000 pesos, kaya kailangang sumali dito.

alamin ang top five 

New Year’s Resolution

Manigong Bagong Taon sa Lahat!!!

Late na ba? Hindi pa, kahit sa February o sa November naman ako bumati ng “Happy New Year” pwede ko namang gawin yun. Walang pakialamanan, yun ang trip kong gawin. Pero dahil ngayon ay 2008, tapos na ang 2007—syempre. Maraming pagbabago at maraming nais baguhin. Kaya sisimulan ko ang taon at first time ko sigurong gagawin ito, ang gumawa ng New Year’s Resolution.

Ano ba ang dapat kong baguhin? Alamin

Here Comes the Rat

Matatapos na naman ang taon. Napakabilis talaga ng panahon, parang kahapon, yesterday lang, tapos ngayon, today na! Sa bilis nga ng oras hindi mo na nga matatandaan ang mga nangyari nitong nagdaang taon. Isang alzheimers na biglang umatake na dinaig pa ang mga bida sa mga telenobela na naa-amnesia. O sige nga kung matalas ang memory niyo, ano ang ginawa nioy noong May 22, 2007 dakong 4:17:56 ng hapon?

Basahin ang propesiya… 

Christmas = MMFF

Uy kakatapos lang pala ng Pasko. Hindi ko yata naramdaman ang Pasko. Sumilong kasi ako sa loob ng kuweba ng ******** at doon ako nag-hibernate kaya di ko naramadamang dumaan na ang Pasko. Mabuti na nga ring pumasok muna ako sa kuwebang iyon para maiwasan ko ang mga tiyanak… este mga inaanak. Ituloy ang pagbabasa para malaman ang nilalaman ng asterisk.

I’m not lying

So medyo nilangaw ang huli kong post. Actually, nilangaw pala talaga. Hindi siguro mabaho ang nailabas kong jebs kaya iilang langaw lang ang dumapo. Kawawa naman ako. Well, ok lang yun. Pero as promised ako na lang ang sasagot sa mga sarili kong katanungan. Alamin ang katotohanan.

Start with a Smile

Ang araw ay dapat laging magsimula ng maganda, dahil kapag nagsimula ito ng di maayos ay malamang buong araw na ang topak. Kaya naman mas masarap sa pakiramdam na start a day bright and smiling para magandang aura din maipapakita natin sa iba.

Mistaken

Pagmulat ko ng aking mga mata kaninang umaga, bumaba kagad ako mula sa aming kwarto. Dumiretso sa CR at ginawa ang morning ritual—ang maghilamos ng weewee… este ang magweewee at maghilamos. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin, tiningnan ang kahubdan ng aking sexy body, nagflex ng muscles at nag-unat-unat. Bago ako pumunta sa kusina para i-ready ang aking almusal tiningnan ko muna ang dyaryo namin. Bumagsak bigla ang aming kabahayan at nadaganan ako ng mga debris kaya naman hindi na ako makahinga sa mga nabasa ko.

(Ituloy ang pagbabasa kung bitin…)

  . .