tell
sino gusto sumama sa akin magMOTEL?
isa sa mga pinakambisyosang layunin ko ngayong taon na ito, bukod sa mapabilang sa cast ng marimar, ay ang makapunta sa motel at gay bar. nagkataon naman na malapit na ang araw ng mga MOTEL puso kaya nanaisin ko na ipaalam sa lahat na gusto ko makapasok sa motel. as in. super. now na.
joke
TRAGEDY + TIME = COMEDY
alam ko parepareho tayong nangangapa pagdating sa aritmetik kaya naman talagang naiilang ako kapag kinokompyut ang paraan ko ng pagsusulat.
walang timing na punchline.
walang kwelang hirit.
walang baklaan.
walang landian.
serious mode.
shitalks
BABALA: ang susunod na lathala ay naglalaman ng mga salitang hindi angkop sa pananaw ng ordinaryong mambabasa. ito ay pawang katuwaan lamang at walang intensiyon na makapanakit at makapanghusga sa kahit na sinong nilalang.
tanong: anong tae ng aso ang hindi nakikita?
anak ng puto
ayaw ko ng puto–kung makapagsalita naman ako para namang gusto ako ng puto at patay na patay ito sa akin.
walang lasa ang rice muffins o puto para sa akin. hindi nga, meron ba? hindi ko alam sa dila ninyo pero medyo malaki kasi ang ulo ng mga taste buds ko at ayaw nila ng mga pagkain na walang lasa. maiintindihan ko pa yung mga taong hayok sa kutsintang lasang goodyear at sabaw na lasang burlington pero yung puto na walang lasa? bangag. wala akong natatandaan na may masamang idinulot ang puto sa buhay ko para ayawan ko ito. ang totoo nga niyan, marami akong binigay na pagkakataon sa puto para mapatunyan niya sa akin na masarap siya. naisip ko, baka hindi lang talaga masarap yung pagkakagawa ng puto nung panahon na iyon kaya sinubukan kong maexperience ito sa ibang pagkakataon. after 1 hour–wala, ganun pa rin. lasang puto. walang lasa.
last
ito na ang huling lathala ng Chiksilog.
hayaan ninyong bigyan ko kayo ng isang mabilis na pasada sa kung ano ang mga mahahalagang naganap sa aking buhay blogista nitong nakaraang taon.
gib lab
wala ng tatalo sa pasko ng pinas.
ang pasko ang tinaguriang pista ng mga pista na hindi natin pinagsasawaang abangan taon taon para ipagdiwang. ito ang araw na kung saan maaari tayong makagawa ng mabuti para sa iba. ang araw na maaari tayong makapagbigay ng kung ano ang nararapat para sa isa. lahat ng tao, aligaga sa pagbibigay ng konting makakayanan. lahat ng tao, abala sa pagbili ng maaaring mairegalo.
ayaw kong nakakatanggap ng regalo
pero hindi ako nagsasalita ng tapos.
sulat kamay
Ito papel, ikaw na magsulat ng list of members natin.
Bakit ako?
Maganda sulat mo e.
Ang totoo–tamad na nga sila magsulat, nambobola pa.
Sumpa para sa akin ang pagkakaroon ko ng magandang sulat kamay. sa palagay ko, isa ito sa mga masasamang epekto ng pagkakaturok ng united american tiki tiki for baby sa akin noong bata pa ako. pero tulad ng lahat ng kakayahan, kailangan itong pagyamanin at paghirapan.
ella
ang buhay mo, kasama sa kwento ko.
***
pucha naman! bakit ngayon pa umulan?!?
kung kailan naman wala akong dalang payong saka naman umulan ng pagkalakas lakas. pabago bago nga talaga ang panahon–kanina maaraw, ngayon bigla na lang uulan. ayan tuloy, napilitan akong magmadali at tumakbo pauwi ng bahay. kung bakit ba naman kasi naisipan ko pang maglakad lakad.
teka, nasan na ba ako?
sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin kung saang eskinita na ako napadpad. hindi na pamilyar ang lugar na ito sa akin.






