Ibang Laypistayl

                    

Nung isang linggo sa opisina:

Lisa:  Are you on holidays next week, Jon?…No you’re not leaving us! (pabiro)

Jon:  Actually, I didn’t take any holidays last year, this is the first time I’m gonna be off.

Lisa:  Oh, my heart is bleeding for you mate…why didn’t you?  Or take a longer one this time?

Jon:  I don’t feel like resting too long, back in the Philippines you rarely get holidays.  Worst is if you insist on having one, you might not have a job when you come back!

Hanggang ngayon, parang di pa rin ako nakakapag-adjust sa tinatawag na “laid-back” lifestyle ng mga australyano.  Siguro dahil galing tayo sa bansang walang ginawa kundi kumayod nang kumayod para lang kumita ng konti para tustusan ang mga “basic needs”.  Malaki ngang pagbabago kung mapupunta ka sa buhay na parang konting effort lang eh sapat na para suportahan ang mga kailangan mo.  Siguro ang katumbas ng “laid back” lifestyle nila eh “overworked-underpaid” lifestyle sa atin.

Mabanggit ko lang ang konting katibayan: 

Read more

Nanuod ka ba ng Live Earth?

7.7.07, ito ang mahalagang petsa kung saan naganap ang pinakamalaking campaign para aksyunan ang climate change na nangyayari sa mundo ngayon. At ang napili ng mga promoters/environmentalists/politicians na pinaka mabisang medium para maiparating ito ay ang music. Kaya nagkaroon ng malawakang concert sa pitong kontinente na sinuportahan ng kilala at respetadong mga artista at musikero.

“Do whatever you want with rock and roll..the message will get through” – Alice Cooper

Aminado ko nung una, na hindi ako kumbinsido sa layunin ng event na to. Siguro di naman sa pagmamalaki, may konti rin naman akong experience sa environment management system dahil ang pagseset-up nito ay isa sa naging trabaho ko sa pinas (sa isang kilalang pharmaceutical company sa Mandaluyong). Naisip ko na mas malaking environmental impact ang maidudulot ng ganito kalaking event kabilang na ang: power na gagamitin sa event (resource depletion), ang greenhouse gas na ma-proproduce di lamang ng mga equipment pati na ng mga taong manunuod at land pollution dahil sa waste na-gegenerate na hindi maiiwasan. Isa pa marahil ang tamang hinalang attitude ko na naman na baka politically motivated o business driven lamang ‘to kaya parang hindi sinsero ang dating.

“The business of all business is making business.”

Pero nung sinimulan ko nang panoorin yung event sa TV, dito sa Australia (mas nauna), medyo parang nakukumbinsi na ko lalo na ng interbyuhin ang isa sa mga event organiser nito. Napa-hanga ako kung gano ka-extensive ang nalalaman nya sa mga bagay na may kinalaman sa kalikasan, pinaliwanag din niya kung papano nila ito in-apply sa pagbuo ng event na yun kasama na rito ang pag-gamit biodiesel na magsusupply ng kuryente para sa concert. Napa-bilib din ako sa aksyon na ginawa ni Jack Johnson sa pagpromote niya ng kanyang album na kung saan recycled ang ginamit na materyales sa pagbuo nito. Sa mga narinig ko, medyo sabi ko nga napahiya ako.

Pero eto na lang ang mga masasabi ko sa mga nag-perform:

  • Foo Fighters: Di ko alam kung ako lang o maraming nakapansin na parang manas ang katawan ni David Grohl. Mabangis ang performance ng mga loko, siguro madalas tawagan si Kurt Cobain sa kabilang buhay para sa guidance
  • Smashing Pumpkins: Medyo natuwa ako nung makita ko uli si Billy Corgan mag-perform, pero parang di na katulad ng dati ang bangis nila..nandun pa rin ang boses pero parang kulang lalo na’t wala na si James Iha. Pero ok na rin dahil maganda naman yung bahista nila kamukha ni Avril
  • Lenny Kravitz: Cool na cool pa rin si Lenny kahit medyo tumaba, pero di niya kasama ang babaeng drummer niyang malupit
  • John Mayer: Maigue na maagang nag-perform si John at maraming naka-appreciate. Siyempre pag padilim na gusto nang magwala ng mga tao kaya yung mga maiingay na banda nilagay sa huli.
  • The Police: Medyo disappointed ako sa idol kong si Sting, parang hirap na siyang abutin ang matataas na nota ng kanyang mga kanta (sign of old age..parang si Bono). Para tuloy mas maganda pa perfomance ni Bon Jovi he he, natuwa na lang ako nung naki-jamming si John Mayer nung “Message in a bottle” na ang tinugtog.
  • Madonna: ayos ngayon ang get-up ni lola Madonna, black dress in high heels with matching electric guitar tsaring
  • Mga Australian bands na magagaling din tulad ng Eskimo Joe, Wolfmother at John Butler trio. Pero ang pinaka highlight ng Australian concert eh ang perfomance ng Crowded House dahil ito ang “return of the comeback concert” nila. Pero ang nakakatawa nito eh nawalan ng kuryente ang stage sa bandang huli ng performance nila! Sobrang energy conservation ang dating.
  • Ok din mga perfomances mula sa Japan at Brazil, kaya lang parang medyo variety show ang dating…para ka tuloy nanunuod ng SOP o kaya ASAP.

Sa kabuuan, maganda ang layunin ng Live Earth (hats off) parang katulad ng AIDS awareness campaign saka make Poverty History. Ngayon ang susunod na hakbang eh nasasa atin na, let’s walk the talk.

“The smallest deed is greater than the grandest intention.”

Tea and Sympathy

Nung isang araw, habang nag-momorning tea ako kasama ang mga Aussie kong katrabaho sa ospital, napadpad ang usapan tungkol sa suwerteng dala mo kung sakaling pinanganak kang Caucasian o Asian. Palibhasa ako lang ang asyanong napahalo sa grupo di ko napigilang makisawsaw sa balitaktakan

Aussie 1: Yeah, I reckon Asians are too smart for us

Aussie 2: Well, they’re not smarter..they just didn’t have a choice

Aussie 3: Bloody right..

Aussie 2: But being born Caucasian..you may have a better chance

Aussie 1: Yeah right, I guess Asians just try harder than us…

Read more:  http://downunderthejoshuatree.blogspot.com/2007/06/tea-and-sympathy.html

  . .