ang unang kwento

Kung anong sarap ng buhay ko nung highschool, sya namang kabaligtaran ng buhay ko nung college. Unang buwan pa lang, pakiramdam ko mamamatay na ako. Para kasing napakahirap ng lahat noon… yung course na kinuha ko, ang mga tao sa paligid ko, ang buhay na meron ako.Parang halos lahat na ata. Hindi ko akalain na matatapos ko rin lahat ng yon.
Sa totoo lang hindi ko gusto ang course na kinuha ko. Mas gusto ko ang Architecture o kaya mag Fine Arts. Dun naman talaga ang linya ko, kahit nung bata pa ko. Hindi ko rin gusto ang school na pinasukan ko. Gusto ko kasi sa ibang lugar sana. Malayo sa amin. Kaya lang noong mga panahong yon, medyo hindi maganda ihip ng hangin. Kaya yon, dun ako napunta. Doon ako bumagsak.
Labag man sa kalooban ko ang mag aral dun, wala akong magagawa. Badtrip pa ang uniform nila. Natatandaan ko nung highshool ako sinumpa ko ata na hinding hindi magsusuot ng uniform na yun. Pero wala rin… Darating pala ang panahon na isusuot ko yon sa loob ng limang taon!!! Sinumpa ko rin ang unang araw ng klase. Hindi ko maisip kung paano pakisamahan ang mga tao sa paligid ko. Parehong catholic school kasi ang pinasukan ko nung elementary at highshool. Kaya medyo iba ang “mundo” sa bago kong school.

Read more

una at hindi

Una at sana hindi huli… Marami na kong naging blog. Mga blog na naglalaman ng mga walang kwentang entry paminsan minsan. Pero hilig ko lang talaga ang magsulat ng kahit na anong maisip ko. Kaya ako nakalilikha ng iba’t ibang bagay, kathang isip, opinyon at kung anu-anong kalokohan sa blog ko.

Mahigit isang taon rin ata akong nahinto sa pagsusulat. Maraming bagay rin kasi ang nangyari at nakagulo sa akin. Pero isang araw, nagising na lang ako at bigla na lang muling nabuhay ang dugo ko sa pagsusulat. Muli na rin akong nahilig sa pagbabasa ng mga libro. Kaya naman eto,..  sumpong uli ang sakit ng ulo. Noong una akala ko nawawala na ako. Dahil dumating sa punto na hindi ko mahanap ang anumang bagay na makakapagpasaya sa akin. O, yung tipo bang pupuno ng aking pagkatao.

 Ang sagot pala sa matagal ko nang hinahanap ay ang lapis at papel. Ang pagsusulat,. . Para sa akin nagiging malaya akong sabihin ang lahat ng bagay na aking naisin. Hay… masarap sa pakiramdam.

  . .