Lea Salonga, Nagmaasim sa ASAP!

Hindi tumalab ang Happee Smile ni Lea Salonga noong ginawan siya ng tribute ng ASAP sa ABS-CBN kamakailan. Nakita siya nang ilang beses na tila hindi natutuwa sa mga performance nina Sheryn Regis, Rachel Ann Go, at iba pang mga Champions, sa saliw ng kanyang mga di-malilimutang Broadway performance.

Basa pa, suki!

Jennylyn Mercado, Ligtas (Daw) Mula sa Anti-Becky Drive ng GMA

Sinisiguro ng kinatawan ng GMA na hindi madadamay si Jennylyn Mercado mula sa “Anti-Becky Drive” ng GMA na kung saan pinagtatanggal ang lahat ng talent ni Becky Aguila na manager ni Angel Locsin. Tutuparin daw nila ang nakasaad sa kontrata ni Jennylyn na valid hanggang 2009.

Ngunit sa kabilang banda, frozen ang lahat ng TV guestings ni Jennylyn at wala ring tayong naririnig na upcoming project ang dalaga.

Basa pa, suki!

Josh Hartnett, nasa Mindanao; Gudlak sa Abu Sayyaf!

Kasalukuyang nasa Mount Diwalwal sa Mindanao ang Hollywood celebrity na si Josh Hartnett para sa shooting ng ilang mga eksena sa kanyang pelikulang “I Come with the Rain.” Kilala ang Mount Diwalwal sa mga minahan nito ng ginto.

Basa pa, suki!

Oh Kay Okray! Blg. 1

Sali na sa…

Tuwing Biyernes, may ipapakita akong komiks na blanko ang lobo. Punan ito ng pinakaokray na dialogue na may kinalaman sa mga artista o personalidad na nasa larawan.

Tuwing Lunes ay pipili ang inyong lingkod ng pinakaokray sa okray. Ang blogger mananalo (meaning may blog ka, teh!) ay bibigyan ng espeysyal na link sa sidebar.

Simple lang, devah? Kaya join ka na noh?!

Okray na, teh!

Pia Guanio, Winarla ang mga Gardang!

Tinalakan diumano ni Pia Guanio ang mga sekyu ng isang condominium matapos maispluk sa press ang narinig nilang LQ niya at ng kanyang jowang si Bossing Vic Sotto.

Basa pa, suki!

Winner Quote of the Week Blg. 2

Heto huh! Narinig ko lang itets sa radyo habang sakay ng FX!

“Alam niyo ba, si Sam Milby ay natagpuang may kasamang American boy sa Bohol? Ay mali, American girl pala!”

Basa pa, suki!

ABS-CBN, Sinasadyang Ipa-ban ang Margarita?

Bakit nga ba sa lahat ng oras na puwedeng magpalabas ng isang teleserye tungkol sa isang showgirl ay naisipan ng ABS-CBN na ilagay ang “Margarita” alas-sais ng gabi?

Basa pa, suki!

Alin, Alin, Alin ang Naiba?

Isipin kung alin ang naiba…

Tila hindi titigil ang kachipang pagkukumpara’t sapilitan warlahan nina Katrina Halili at Christine Reyes matapos ipakita ang August cover ng FHM Magazine na kung saan bida si Reyes.

Basa pa, suki!

Roxanne Guinoo, Tsugi sa Wowowee!

Pinalitan ng Kapuso star na si Valerie Concepcion, na alaga rin ni Becky Aguila (gumaganti lola niyo huh!), ang “naglalambing” na si Roxanne Guinoo sa pagiging co-host sa Wowowee.

Basa pa, suki!

Sandara Park, Nag-Alsa Balutan Pauwi ng Korea

Unang nabasa sa PEP ang nakakagimbal (nga ba?) na balitang tigil-showbiz ang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park at lumipad na patungong Korea kani-kanila lang.

Plano niyang magtrabaho sa kanyang bansa upang mapag-aral ang kanyang mga kapatid.

Basa pa, suki!

  . .