Judy Ann Santos, Nakialam sa Away ng Manyak

Tinulungan noong Sabado ni Judy Ann Santos ang kanyang kaibigang production designer na nasangkot sa bugbugang naganap sa isang bar sa Malate.
Habang nasa taping si Juday ay tumawag sa kanyang cellphone si Dante Nico Garcia. Ayon kay Garcia, pinukpok daw siya sa ulo gamit ang bote. Dahil diyan, napasugod sa O Bar Malate si Juday (bitbit ang co-star na si Derek Ramsay) at nakipagkita sa kanyang bugbog-saradong kaibigan. Kinumbinsi niya si Garcia na pumunta sa ospital upang magpa-checkup.
Ang hindi alam ni Juday…
Becky Aguila, Hindi raw Mukhang Pera
Pinabulaanan ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila na hindi lang pera ang dahilan kung bakit napagdesisyunang ilipat ang kanyang premyadang alagang si Angel Locsin sa ABS-CBN.
Ayon sa kanyang interview sa The Buzz kamakailan, hindi lang dahil triple ang alok na pera ang ibibigay ng Kapamilya Network, kundi pati na raw ang malawak na oportunidad na maaaring maatim ni Angel kung sakaling maging Kapamilya siya.

Sige na nga…naniniwala kami.
Nine Takes Para sa Halikan? Utang na Loob!

Buong ipinagmalaki ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na inabot ng 9 na takes ang kissing scene nila ni Ara Mina para sa kanilang 2007 Metro Manila Film Festival entry na “Anak ng Kumander.”
Ayon kay Manny, ito ay para maging “maayos” ang eksena. Wala po ang kanyang asawang si Jinky nang shinu-shoot ang eksena. Mabuti naman.
Baka kasi pati siya matawa. ETSOS!
(Ara, be thankful na 9 takes lang. Eh sa ibang shoot nga, 48 takes ang inaabot para sa kissing scene. Ay naku! Isang malaking GOOD LUCK, Mare!)




