Beautiful Boxer sa 24th SEA GAMES

Tulad ng bida sa pelikulang Beautiful Boxer, magandang lalaki pa ring bumaba sa ring si Godfrey Castro ng Philippine Boxing Team matapos magretire sa flyweight bout kontra kay Thailander Somjit Jongjohor nung Thursday sa ginaganap na 24th SEA GAMES sa Korat, Thailand. Iyon ay bilang protesta sa unfair na pagjujudge sa ginanap na Women’s Boxing finals kung saan natalo ang mga boksingera ng Pilipinas, maliban sa isa, laban sa mga pambato ng host country.
Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa: Komentaryo, Katanungan, Pusisyon at Mungkahi
ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA* (Naka-pdf)
*Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon sa buong bansa noong 2006-07 para rebyuhin ang ortograpiyang Filipino. Maaaring magpadala ng komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito sa rnolasco_upmin@yahoo.com. Sisikapin ng KWF na ilabas ang pinal na bersyon ng patnubay bago matapos ang 2007. May bahagi ng proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA).
I. MGA GRAPEMA. Ang mga pasulát na símboló o grapéma, kabílang ang mga létra at dí-létra, at tuntúnin ang tumutúkoy sa ortógrapíya ng wíkang pámbansâ sa binuông patnúbay na itó. Sa nakáraán (2001) at kasalukúyang patnúbay (1987), nakátuôn lámang sa mga létra o alpabéto ang tinatáwag na set ng símbolóng ginagámit sa paglilípat sa nakásúlat na anyô ng sinásalitáng wíkà. Díto ay binigyáng diín ang paggámit ng mga dí-létrang grapéma.
A. Létra o alpabéto. Waláng ‘pinagkáibá ang bílang at pagkakásunód-sunód ng mga alpabéto sa nakáraán, kasalukúyan at sa binuông patnúbay: Aa, Bb, Cc, Dd, Ee, Ff, Gg, Hh, Ii, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Ññ, NGng, Oo, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Uu, Vv, Ww, Xx, Yy, Zz .
Bikol Wiki “conditionally approved” na!
Maraming salamat sa mga nag-argyu para sa Bikol Wikipedia. Na-conditionally approve na ang proposal. Kailangan lang na i-meet ang ilang rikwayrment para sa final approval ng proyekto.
Narito ang mga kinakailangan:
1. There is an active test project on the Incubator wiki.
A project should start on the Incubator wiki. This will demonstrate that there is sufficient community to build the project. If there is no valid ISO 639 or BCP 47 code, the test project will provide some of the material to present to the World Language Documentation Center. This is also a good occasion to translate the MediaWiki software if there is no version in that language.
2. There are localization files available in that language.
The MediaWiki interface is created from localization files for each language. If there are no files for this language yet, the language subcommittee will contact the community to arrange for translation before the wiki can be created.
Meron na tayong test project, 3ng interesado (sa ngayon) na magkontribyut at/o mag-edit ng mga artikel, at ISO 639-3 na “bcl“ para sa Central Bicolano.
Kapag saksesful ang test project, iaapruwv ng language subcommittee ang rikwest at inonotifay ang Board of Trustees. Kung hindi mag-object ang board makalipas ang apat na araw, magkrikrieyt na ng wiki para sa atin. Hindi na mahalaga ang bilang ng users na nag-support o nag-oppose sa project
Users are strongly encouraged to continue developing the test project while they are waiting for the wiki to be opened. This may accelerate the process. For Wikipedia proposals, the List of articles every Wikipedia should have may be useful. All pages developed as part of a test wiki can be transferred to the actual wiki when it is opened.
Pwede na kitang poroprobar na maggibo asin mag-edit nin artikulo sa http://incubator.wikimedia.org/wiki/Wp/bcl tangarig bukasan na an http://bcl.wikipedia.org!
Ika-2 para sa Philippine Madrigal Singers at Pilipinas!
Panalo ang Philippine Madrigal Singers o ang “Madz” sa 2007 European Grand Prix for Choral Singing, ang ikinokonsider na choral Olympics sa mundo.
Ito ang ika-2ng beses na nanalo ang grupo, nung 1997 ang firstaym. Bagamat hindi ang Pilipinas ang may pinakamaraming panalo sa histori ng kontest kundi ang Sweden na may apat (St Jacobs Kammerchör, 1992; The Mats Nilsson Vocal Ensemble, 1994; Lunds Vocal Ensemble, 1999; at Allmånna Sangen, 2005), ang grupo ang kauna-unahan at tanging choir na nanalo ng dalawang beses.
Kung nagtataka kayo kung bakit kasali ang Madz sa pakontest na pang-European, ang EGP ay labanan ng mga kampyon sa 6 na kompetisyon: International Guido d’Arezzo Polyphonic Contest ng Arrezo sa Italy, Bella Bartok International Choir Competition ng Debrecen sa Hungary, Cesare Augusto Seghizzi Competition sa Gorizia sa Italy, Tolosa Choral Competition ng Tolosa sa Spain, Tours Vocal Competition ng Tours sa France, at International May Choir Competition ng Varna sa Bulgaria. Dito, maaaring jumoyn ang alinmang choir kahit na di-European. Nung July 2006, nanalo ang grupo sa Arrezo kaya ito ang nagreprizent nito sa EGP. Bukod sa Pilipinas, dalawa pang di-European ang nanalo dito: ang Japan (Kallos Chooir, 1995), at United States (University of Mississippi Concert Singers, 1998 at The University of Utah Singers, 2006 – kampyon din sa Tours).
Mabuhay Philippine Madrigal Singers at Pilipinas!
Hindi lang Filipina Dating, Dating Filipina, Wow Filipina talaga!
Mahilig mang-angkin ng mga bagay-bagay ang ilan sa ating mga Filipino lalo na’t kung nagbibigay ang mga ito ng karangalan sa Filipinas (o Pilipinas sa Tagalog). May mga babaeng kahanga-hanga dahil sa kanilang achievements, na Filipina dating (mas tama kung sasabihing “Filipina ang dating”) dahil sa pangalan, hitsura o ugali nila. Sila’y inaangkin ng ilan sa atin upang ikarangal bilang mga “Filipina”. Sinasadya man o napagkamalian (kasama na ang mga urban legend), hindi nakakatuwa dahil nagmumukha lang tayong katawa-tawa sa mundo.
Maglilista ako ng mga babaeng hindi lang Filipina ang dating, dating Filipina, WOW (women of wonder) Filipina talaga. Hindi na natin kailangan angkinin ang mga karangalang ibinigay ng mga Filipina na nasa lista dahil sila’y tunay na mga Filipina.
Sundan para sa entri ko sa Filipina Writing Project.
Vote for my Wika 2007 entry
The winners of the contest shall be the entries with the highest scores. Fifty percent of an entry’s score shall come from votes from PBS, and the other fifty percent shall be from the panel of judges.
Ang daling makuha ang 50% sa Wika 2007. Kailangan lang gumawa ng maraming accounts sa Pintig Blogosphere at iboto ang sariling entry.
Maraming Wika, mas marami ang mabahong isda!
Paumanhin sa mga na-offend ng naunang title.
Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito? Hindi, ang relihiyong Katolisismo. Hindi, ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi, si Kris Aquino. Hindi, ang Wowowee. Hindi, ang balut. Hindi ang Team Pilipinas. Hindi, ang Wikang Filipino.
Ang Canaman, isa sa pinakamatandang parokya at bayan sa Bicol at may pinaka-purong diyalekto ng Bikol ayon sa isang Heswitang linggwista, ay nagdiriwang ng ika-408ng fyesta nito ngayon. Simula nung August 6, gabi-gabi ang programa sa aming plaza. Napaka-ironic ng mga programa. Wala gaanong pretty sa Pretty Boy. Iisa lang ang lumahok sa Miss Gay na mula sa Canaman at karamihan ay mula sa Naga City, may taga-Iriga City at Legazpi City pa. Kung gaano katagal nasundan ang Miss (nung 2003 yung huli) ganun din kahaba ang coronation night (dawn?) na inabot ng 6 na oras. Meron pang Little Lady of Assumption and Little Saint Roche, para naman sa mga bata, na inorganisa ng simbahan (asan ang irony dito?). Always present ang mayor para magbigay ng kanyang mensahe na iisa lang naman: Mahalaga para sa mga Canamanon ang pagiging isang komunidad, at ang “sense of community” ang nagbubuklod-buklod sa kanila noon pa man (kaya naman nung panahon ng mga Hapon, itinatag dito ang Tancong Vaca Guerilla Movement, isang hukbong bayan).
Walang maituturing na pagiging Filipino o isang Filipino bago ang taong naging ganap na bansa ang Pilipinas. Ang mga pulo ng Samar at Leyte lamang ang tinutukoy na Pilipinas sa panahon ni Ferdinand Magellan; mga kapuluan ng Luzon, Visayas, at bahagi ng Palawan at Mindanao sa panahon ng mga Kastila; at Katagalugan sa panahon ng kalayaan 1898. Ang buong kapuluan ay tinawag na Pilipinas sa mga panahon ng mga Hapon at Amerikano subalit naging makabuluhan lamang ang salitang Filipino bilang katawagan sa mga mamamayan ng buong kapuluan simula sa panahon ng kalayaan 1947 sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.
Bahagi ng paghahanda sa pagiging ganap na bansa mula sa isang Komonwelt patungo sa isang Republika, noong 1938, binuo ang National Language Institute na mag-aaral sa mga wika ng kapuluan upang pumili ng magiging batayan ng pambansang wika. Hinirang ang mga kinatawan: ng mga wika sa Samar-Leyte (chairman) at Panay, ng mga wika ng Muslim, at ng mga wikang Iluko, Sinugbuanong Bisaya, Bikol at Tagalog, ang piniling batayan kinalaunan. Naging ganap na pambansang wika ito makalipas ang dalawang taon at naging isa sa mga opisyal na wika kabilang ang Kastila at Ingles ng maging ganap na bansa ang Pilipinas o isang taon buhat ng maitatag ang United Nations.
- Binuo ang United Nations matapos ang World War II na may hangaring makisangkot sa hidwaan ng mga bansa upang maiwasan ang digmaan. Bagamat mayroon lamang itong 51 orihinal na myembrong bansa na may iba’t ibang wika, kultura at paniniwala (kabilang ang Pilipinas, Belarus, Ukraine at India na noon ay hindi ganap na malaya), lima ang opisyal na wika nito: Intsik, Ingles, Kastila, Pranses at Ruso (idinagdag ang Arabiko noong 1973 sumapi ang mga bansang nagsasalita nito).
Para sa bayang nagsisimulang tumayo sa sariling mga paa buhat sa pagkakalugmok ng halos apat na siglo ng pananakop ng mga dayuhan, ang pagkakapili ng iisang wika, ang katutubong wika ng mga Katipunero, mula sa mahigit 170 mga wika at diyalekto ay hindi naging magandang simulain upang pagbuklurin ang mga Filipino. Labin-isang taon ang nakalipas nang ipinakilala ang katawagang “Pilipino”, at labin-dalawang taon mula noon magpasahanggang ngayon ay “Filipino”, na tumutukoy sa pambansang wika na dahilan ng bahagyang pagtanggap dito.
- Ang India, may mamamayang umaabot sa 1.13 bilyon, ay may 415 wika at diyalekto. Labin-dalawa dito ay opisyal: Assamese/Asomiya, Bengali/Bangla, Bodo, Dogri, Gujahari, Hindi, Kannada, Kashmiri, Konkani, Maithili, Malayam, Manipuri, Marathi, Nepali, Oriya, Punjabi, Sanskrit, Santhali, Sindhi, Tamil, Telugu at Urdu. Ang South Africa naman, may 47 milyong mamamayan, ay may 24 wika at labing-isa nito ay opisyal: Afrikaans, English, Southern Ndebele, Northern Sotho, Sotho, Swati, Tsonga, Tswanan, Venda, Xhosa at Zulu. Samantala, ang United States na may mahigit 300 milyong populasyon at may 162 wika ay wala, 0 ang opisyal na wika.
Nais mang magsarili ng mga Filipino sa Cordillera at sa Muslim Mindanao subalit hindi dahil sa di-pagkakaroon ng pantay na estado ng kanilang mga wika (Maranao, Maguindanao, Tausog, Ibaloi, Kankanaey atbp.) sa wika ng mga katutubo sa Gitna at Timong Luzon (Tagalog sa anyong Filipino) kundi sa ibang kadahilanan. Ang hayagang pagtutol ng mga Cebuano sa pambansang wikang batay sa Tagalog o hindi naisasakatuparang katuturan ng Filipino ay malayong humantong sa pagsasarili nila.
Hindi isang malaking salik sa pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan o katatagan ng isang bansa ang wika (marami man o makaunti) bagkus ang kapayapaan, kaligtasan at kalayaang tinatamasa ng nila o nito.
Para sa Bikolanong Komisyuner:
Tagalog, Sugbuanon, Iluko, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray,
Kapampangan, Panggalatok, Kinaray-A,
Maguindanao, Maranao, Tausug – Maraming wika;
Matatag na bansa!
Para sa Bikolanong ako:
Isang wikang pambansa,
batay sa Tagalog na Pilipino,
ngayo’y Filipino;
Watak-watak na nasyon?
Para kay Jose Rizal:
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda!
Ako’y Isang Pinoy ni Florante at [ako]
Ako’y isang [Bikolanong] Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay [noon] sa wikang mga banyaga [magin sa wikang pambansa]
Ako’y [Bikolanong] Pinoy na mayroong sariling wika[ng Bikol]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaanSi Gat. Jose Rizal noo’y nagwika [circa late-1800s]
Siya ay nagpangaral sa ating bansa [o bayan, kolonya ng Espanya ang Pilipinas noon]
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika [Bikol para sa mga Bikolano, Sugboanon para sa mga Cebuano atbp.]
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda [isa itong figure of speech at/o fallacy]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Sanggunian: Wikipidia, Ethnologue, The World Fact Book, Tagalog 101, PC Planets at Youtube.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia







