I Beg Yur Pardon?
Nasubukan mo na bang matanong na alam mo ang sagot pero di mo alam at the same time? subukan mo minsan, para kang najejebs habang pinipitik-pitik ang itlog mo. Di mo malaman kung alin sa dalawa ang dapat mong tiisin. ganun ang nangyari sa akin nung isang araw. Nanonood ako ng TV patrol tungkol sa pardon kay pareng Erap nang bigla akong bulagain ng isang mukhang nakangisi sa may bintana. Sa gulat ko napasigaw at napatayo ako bigla. Si Botong lang pala, yung kapitbahay kong Erap fanatic bitbit-bitbit pa ang anak na si Toto, six years old pupil sa eskwelahan niya. naging tradisyon na ng mag-ama na bulabugin ako tuwing oras na ng balita sa telebisyon. Hindi ko lubos maiisip kung bakit sa dinami-dami naming magkakapit-bahay, sa amin niya napipiling pumunta. Iniisip ko na lang na marahil ay nageenjoy siyang makinig sa mga walang kwentang opinyon ko, o di kaya natutuwa siya pag naririning niya akong napapamura pag may biglang lumalabas na mukha ng pulitiko sa screen.




