Iwasang tumakbo baka mapaisip ka.
Iwasang tumakbo baka mapaisip ka.
may isang superhero na lumilipad sa kalawakan… ngunit hindi ito ang aking nais iparating.
Umaga na naman, nagsisitayuan na ang mga taong may kanya-kanyang buhay. Nandiyan ang mga negosyanteng naka amerikano at nanjan naman yung mga nagtitinda sa palengke. Mga estudyanteng kakaligo at ngumunguya pang palabas ng kani-kanilang bahay at mga estudyanteng gusot pa ang buhok at damit halatang kagigising lamang. Mga gurong naka-abang na sa gilid ng kalsada para pumasok at manira ng araw ng mga estudyanteng naglalaway pa sa kanilang mga mesa. Mga magtataho na halos maputol na ang ugat sa leeg makapagbenta lamang, mga asong nagsisitahulan tila may mangyayaring di maganda sa paligid. Mga magbabalot na nagpapainit na ng tubig na pagpapakuluan ng kanilang ibebenta sa buong araw.
Ganyan ang simula ng aking buhay araw-araw. Kailangang i-charge ang cellphone para hindi ma-lowbat sa school. Kadalasang, 8-9 ang pagtayo ko sa kama, minsan pa nga ay makakatulog ako ulit dahil sa sarap ng paghiga. Hindi na ako nag-aamusal dahil kapag ginawa ko pa yan, naku mahuhuli na ako sa klase ni Ma’am D. Kailangang magmadali sa paliligo ngunit ‘di kokayang madaliin sapagkat may mga ritwal akong ginagawa (hahaha). Normal lang sa mga estudyanteng tulad ko sa college ang maranasang mahuli sa klase o sa kagandahang palad ay ang mag-absent (sa ibang mga pagkakataon). MAtapos maligo ay kailangang kasing bilis ka ni ’superman’ sa pagpapalit. Madalas akong dumaan sa “Mercury drugstore” bumibili ng ‘wilkins’ , masarap kasi ang tubig na ‘yan. Pakiramdam ko kapag umiinom ako ng tubig na ‘yan eh lumalakas ang buong katawan ko. Hindi naman tungkol sa tubig ang punto ko rito, tungkol sa buhay ko, mo, nating lahat dito sa mundong ibabaw at (isali na natin ang mga nasa underworld).






